KANINA pa pinagma-masdan ni Ada si Maximus habang nasa loob sila ng silid nito. Nang sikatan sila ng araw sa paradiso ay kaagad ding silang umuwi ng bahay upang doon ipag patuloy ang pagpapahinga at sa gayon ay kumain. Sa mahabang minuto ng pagtitig ni Ada sa lalaki ay hindi niya nakitaang nag bago ang ekspresyon nito. Kung kaya't batid niyang talaga ngang may malalim itong iniisip. "Ano ang dahilan ng malungkot na wangis ng aking Ginoo?" Tanong nito na may pag-aalala sa mukha. Bumuntong hininga naman si Maximus bago umusog papalapit sa kanya. "Ada, huwag kang aalis" "Ginoo, iyo mang hilingin o hindi ay hindi ko nanaising lisanin ka" "Promise?" "Ano ang promise?" "Pangako na dapat mong tuparin" "Kung gayon ay promise" Wika nito at mahinhin na tumawa. Ngumiti siya at marahina