WW - 7

2778 Words
“ADA” Bahagyang inalog ni Maximus ang balikat ni Ada upang gisingin ito sa pagkakahimbing matapos ang ilang oras nilang byahe papunta sa isang rest house ni Maximus. "Ginoo? paumanhin ako'y naka idlip" "It's okay, come here," he said at marahang inalalayan ang babaeng makalabas ng sasakyan. "Nasaan tayo Ginoo?" tanong ni Ada nang mapansing kakaiba ang tanawin kumpara sa nakasanayan niyang bahay ni Maximus. Hindi nya maialis ang mangha sa tumambad sa kanyang paningin, ang asul na kulay ng malawak na dagat at palubog na araw ang nag aaliw sa kanyang paningin. "This is my re--- iba ko pang bahay, halika na," sagot naman ni Maximus at inaya na itong pumasok sa loob ng isanh two storey na bahay. Nakatayo ito sa gitna ng malawak na kulay dilaw na buhanginan. "Kung ganoon Ginoo ay marami kang tahanan." "Yeah.” "Hindi ka ba nagugulumihanan sa pag pili kung saan ka mananatili?” "Ada, you're deep language again." "Paumanhin, hindi kita maunawaan Ginoo.” "Silly! halika na." Pag pasok sa loob ay tumambad ang fresh look design sa buong bahay. The house almost made from the Philippines national Narra tree with the touch of a varnish to exhibit a Hard, clear and shiny surface of the entire house. It looks more fascinated from the overall arrangement of the furniture and other things around the house. "Kahali-halina,” Ada mouthed in admiration from everything she seeing. "Nagustuhan mo ba? this is my precious rest house I ever have. It's entire magnificent design is lovely isn't it?” Tumingin si Ada sa kanya dahil sa sinabi nya, bahagyang hindi naintindihan ang mga sinabi ngunit tumango ito. "Isa itong likas na nakaka akit Ginoo, maari ko bang libutin?” "Go ahead I'll just go upstairs and bring our things,” wika ni Maximus, Lumabas siya sandali upang kunin ang dalawang suitcase na nasa compartment ng sasakyan nya at iniakyat ito sa itaas. "I'll just forget about Helios,” bulong niya sa sarili habang umaakyat. Pumasok sa isip nya ang kaibigan, sigurado siyang magagalit ito dahil sa ginawa nyang pagpapakasal kay Ada. Lalo na kapag nalaman nitong dinala nya ito sa kanyang rest house. He brought Ada to keep away from Alexa's eyes at sa ganun ay makalayo muna siya at makapag isip kung papaano ilalabas sa publiko ang kanyang "ASAWA" dagdag pa sa kanyang iisipin ang kanyang Ama na siyang puno't dulo ng lahat. Isa-isa nyang isinabit sa sarili nyang wardrobe ang mga dalang damit at inihiwalay sa kabilang damitan ang mga damit ni Ada. Napa-iling siya ng mapansin ang ilan sa mga undergarments ni Ada, sa huli ay napag desisyunan na lamang niyang ilagay ng buo ang suitcase sa loob ng wardrobe na gagamitin ni Ada dahil iisa lang ang kwarto ng rest house nya. "Ada! where are you?” tawag nya sa dalaga nang bumalik sa living room. "Ginoo ako'y nandirito lamang.” Kaagad siyang lumabas nang madinig ang boses ng babae sa parteng iyon, naabutan niyang naka tayo ito habang naka tingin parin sa dagat at tinitignan ang paglubog ng araw. Kumuha siya ng dalawang stool at inayang maupo ang babae. Nang mapansin niyang malamig na ang simoy ng hangin ay hinubad nya ang soot na coat at pinatong dito. "Salamat Ginoo, kay buti mo.” "Silly," he just mouthed and rolled his eyes bago ibalik ang tingin sa dagat. "Ginoo hindi ba't napaka ganda ng kalikasan?" "Yeah.” "Ngunit bakit hindi ko maunawaan ang lahat?” Napatingin siya kay Ada dahil sa tanong nito. Seryoso lamang itong naka tingin ng deretso. "Tayo'y pinag dudugtong ng kalikasan, magka iba ang ating demensiyon ngunit parehong ang kalikasan ang nagbibigay buhay sa atin. Subalit sa tuwing maalala ko ang lahat ay nag babago ang tingin ko sa aking sarili.” "Ada you're so deep." "Bakit hindi ako maaring manatili sa aking mundong sinilangan, bakit hindi ko maaring makasama ang aking pamilya, bakit kinakaylangan kong magtungo rito ng mag-isa.” "Ada?” "Ginoo.” Tumingin sa kanya ang dalaga ngunit napalunok siya nang makita namamasa ng bahagya ang mga mata nito ng luha. Hindi siya nakasagot sa mahinang pag tawag nito. "Ginoo, bakit masukal ang aking mundo? bakit mali ang aking pagkatao?” "I can't understand you,” he said habang titig na titig sa dalaga. He don't know what to say pero sa nakikita ni Maximus ay may lungkot na dinadala si Ada. "Maraming katanungan sa aking isipan ngunit wala akong sagot na matagpuan, Ang nais ko lamang ay tahimik na buhay sa aming mundo ngunit bakit kaylangan kong maging ganito," she mouthed almost whispering at tuluyan ng pumatak ang luha. "Ada!" Maximus called her name at mabilis siyang nilapitan, lumuhod siya sa harapan ng dalaga at pinunasan ang luha nito. "Hey silly! why are you crying?” "Ginoo... tatakot ako." "You little kitten! don't dare to cry in front of me!” he said at niyakap ang babae dahil ito lamang ang alam nyang paraan to comfort her. He knows everybody had their own problems in life at hindi nya inaasahang marunong malungkot ang babaeng katulad ni Ada. Ngayon nya lamang ito nakitang seryoso at lumuluha, He can't resist woman crying infront of him lalo na't maagang nawala ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer. Nakita nya kung papaano mag suffer ang kanyang ina sa sakit at ang halos minu-minuto nitong pag iyak sa sakit, simula non ay ayaw nya ng nakakakita ng isang babaeng umiiyak sa harapan nya. "Ada, gusto mo ba munang mamasyal?” he said pagka bitaw sa yakap at marahang pinunasan ang pisngi ni Ada. "Ngunit madilim na Ginoo, alam kong ikaw ay pagod na at—” "Come on,” he said at hinatak na ang babae papasok sa sasakyan hindi pa man sila nakakapag palit ng damit mula sa kanina pang soot ng ikasal. "Ngunit Ginoo?” "Tsk! tahimik.” Tumango nalang si Ada at sumandal sa sasakyan, nanibago naman si Maximus dahil sa ikinikilos nito. Ada used to asked him several questions tuwing nagmamaneho siya ngunit ngayon ay tahimik lamang ito at animo'y malalim ang iniisip. Inihinto ni Maximus ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang malawak at sikat na Amusement Park dito sa lugar na ito. When he was 18 madalas siyang magawi dito at magpalipas ng oras. "Ano ang lugar na ito? napakaraming liwanag at ano ang mga bagay na iyan? bakit napakaraming nilalang—” "Ang inggay mo parin pala, come here let's get inside” he said and held Ada papunta sa tindahan ng mga pagkain. "Naka mamangha!" Ada extremely said in surprise dahil sunod-sunod ang pila ng bilihan ng makakakain sa parteng ito ng amusement. "Mamili ka na, I told you bibilan kita ng maraming pagkain.” "Kung ganon ay hindi na ako mahihiya pa Ginoo,” masayang wika ni Ada at tumakbo sa isang tindahan ng cotton candy, tuwang-tuwa siya ng makita ang tindero na gumagawa ng iba pang kulay ng paninda. "Ginoo, maari ba akong humingi ng isa?" "Nako ma'am hindi po to hinihing—” "Magbabayad ako,” singit ni Maximus at nag abot ng buong isang libo sa tindero. Tumango naman ang lalaki pagka abot ng pera. "Kumuha kana kahit ilan ang gustuhin mo,” he murmured sa kanang tenga ni Ada. Natuwa siya at mabilis na kumuha ng dalawang piraso ng cotton candy, pagkatapos ay humarap kay Maximus. "Ginoo sa iyo ang isa.” "I don't eat that.” "Ayaw mo ba Ginoo? kung ganoon ay nakakalungkot nama—” Hindi na natapos sa sasabihin nya si Ada nang kunin ni Maximus ang pagkain at mabilis na kumagat dito. "Hindi pa tayo kumakain ng kanin, we can't eat a plenty of street foods,” he said na hindi pinansin ni Ada at lumapit sa iba pang tindahan. Napa-iling nalang si Maximus bago sumunod sa babae. "Sir! yung sukli mo!" ... Naka-ilang tindahan pa sila ng makakain nang maisipan ni Ada na maupo muna sa isang bench habang may hawak na kinakain. Napabuntong hininga naman si Max at tumabi sa upuan, malaya siyang nakapag lakad lakad sa buong Amusement park dahil sa lugar na uto ay pantay pantay ang turing ng mga tao. If you are an artist or what ay hindi ka nila ituturi na ganon, malaya kang makakapag lakad sa paligid ng walang pipigil sayo upang makapag pakuha ng litrato o kung ano pa man. Madalas bumalik dito si Maximus tuwing gusto nyang magpahinga sa career at sa problema. "Ginoo ano ang mga iyan? baket napakaraming tao ang naka sakay? hindi ba sila natatakot?” tanong ni Ada at itinuro ang mga rides, napapakunot na lamang ang noo nya nang makita ang mga taong naka sakay sa roller coaster. "Bakit tila tuwang-tuwa pa sila? sila ba ay nag nanais ng mawala sa mundo?” "You're really that crazy! gusto mo bang sumakay diyan? isa yang pampalipas oras sa mga tao. Ang tawag dyan ay roller coaster at yun naman ay ferris wheel, kung sasakay ka dyan malalaman mong masaya.” "Ayoko Ginoo, uupo na lamang ako dito at kakain.” "Hindi mo mae-enjoy ang gabi mo dito if you wont try one of those rides, I'll guide you,” he said at inaya tumayo si Ada. "Ginoo?” "Let's go Ada, wagka mag alala aalalayan kita.” "Hindi na lamang Ginoo." "No, gusto ko sumakay dyan with you. Wag kana umangal, magagalit ako.” Napa-pout nalang si Ada nang madinig ang word na magagalit, tumayo siya at nagpa ubaya sa lalaki. May kakayahan naman siyang gumawa ng salamangka kaya hindi siya natatakot ang inaalala nya ay si Maximus. "Ginoo sigurado ka bang masaya ang bagay na yan?” "Yes.” "Hindi ba iyan delikado?” " Nope " "Ginoo hindi ko maunawaan ang sagot mo." "Sumunod ka nalang.” Pagkatapos pumila at bumili ng ticket ay dumeretso na sila at umupo sa roller coaster, tumingin si Maximus kay Ada at inayos nya ang seatbelt nito. "Fasten your seatbelt Ma'am/Sir,” wika ng isang staff Umayos naman na ng upo silang dalawa at tumingin sa unahan, nagsimula na itong umandar ng mabagal hanggang sa bumilis at sunod-sunod na umikot. Maximus expect Ada to be afraid and scream in scared pero hanggang sa matapos ang pag-ikot at huminto ang sinasakyan nila ay wala itong imik at naka titig lang sa kanya na animo'y binabantayan siya. Kung minsan ay natatakot na siya sa ina-akto ng babae, sino ba naman ang hindi kung sa buong oras ay naka titig lamang siya sayo. Napabuntong hininga si Maximus nang makababa sila sa roller coaster, hinawakan siya ni Ada sa braso at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa mo?” "Sinisiguro ko lang na ligtas ka Ginoo.” "Ada! i'm fine, hindi ka nasayahan?” "Nasiyahan sa ating sinakyan, masaya ako Ginoo ngunit mas masaya pa rin ang lumipad sa himpapawid at magpa tihulog pababa sa lupa.” Napakamot nalang si Maximus sa batok nya hanggang sa maka upo si Ada sa isang bench. "Dito ka lang Ada, mag babanyo lang ako" "Makaka-asa ka Ginoo, ngunit maari ba akong humingi ng papel na ibinigay mo sa Ginoo kanina upang payagan nya akong kumuha ng pagkain?” "Here, huwag kang lalayo. Bumalik ka dito pagkatapos mong bumili,” wika nito at binigyan siya ng isang libo bago tumalikod at umalis. Tinitigan lang ni Ada si Maximus na makalayo hanggang sa lumiko ito sa isang iskinita. "Masaya na pala ang tao kung sila ay nasa himpapawid, nga lang ay hindi nila magagawa iyon sa tulong ng mga bagay na iyan,” wika nya sa sarili nya at lumapit sa isang tindahan ng mga inumin. "Binbini, maari bang humingi ng tubig? tanggapin mo ito bilang kapalit,” she said at inabot ang perang hawak. Ngumiti naman ang nag titinda at inabutan siya ng bote ng mineral. "Sukli mo ate.” Nagulat si Ada nang iabot ng dalaga ang sukli nya. Kaagad siyang umiling at nagsalita. "Tanggapin mo na iyan binibini *smile* sapat na ang tubig sa akin.” "talaga po ate, maraming salamat.” Ngumiti si Ada at naglakad pabalik sa bench. Malapit na siya sa bench ngunit napahinto siya nang mapatingin sa isang batang babae na mag isang naglalakad, may hawak itong laruan. Kung titignan ay nasa dalawang taon alang ito. "Ano ang ginagawa ng isang musmos at nag iisa?” Tanong nya sa sarili at umaktong lalapitan ang bata, Ngunit ilang hakbang na lamang ang layo nya nang isang mabilis na sasakyan ang bumangga sa bata. Napahinto si Ada sa pagka bigla ngunit agad ding napatakbo at nilapitan ang bata. Duguan ito at walang malay. "Gumising ka! pakiusap dumilat ka!” she said almost exhausted for what happened. "Pakiusap!" Inalog nya ang balikat nito at pinunasan ang dugong tumutulo mula sa noo nito. Sunod-sunod na lumapit ang tao sa paligid nila, ngunit hindi iyon pinansin ni Ada at kaagad na gumawa ng salamangka. She placed her palm into the child's forehead and put an enchant on it. Aquila the Enchantress can heal sickness ngunit hindi nya naisip na nasa katawan siya ng tao kaya maaring maka apekto ang ginawa nyang salamangka sa mortal nyang katawan. Tumagal ng ilang segundo ang ginagawa nya hanggang sa makaramdam siya ng panghihina at hindi namalayan ang dugong dumaloy sa kanyang ilong. "Ada!” Hindi pinansin ni Ada ang pag tawag ni Maximus sa pangalan nya hanggang sa lumapit ito sa kanya at lumuhod. "Ada! what happened!? you're bleeding damn! Somebody help! call a ambulance!!” sigaw ng lalaki na kaagad namang sinunod ng ilan sa mga taong naka paligid sa kanila. "Ada what are you doing?" Patuloy sa ginagawa nya si Ada hanggang sa umubo ang bata at dumilat ang mga mata. "Ada! answer me!” "Mabuti naman at ayos kana.” Ngumiti siya at pinilit tumayo habang buhat-buhat ang bata. The baby wasn't yet aware for what happened to her. Nag hihikaos naman na lumapit ang isang babae at kinuha ang bata kay Ada. "Anak! thank god you're fine" Nang makita ni Maximus na dumating na ang magulang ng bata ay hinatak nya si Ada palayo. "What happened!?” "G-Ginoo.” "Damn! Ada! dadalin kita sa hospital.” "Ginoo ayos lamang ako huwag kang mabahala.” "Your nose is bleeding! damn! anong okay sa dugong nasa ilong mo!?" "Ginoo, wala lamang ito pakiusap huwag ka ng mag abala pang dalin ako sa pagamutan, kaya kong pagalingin ang sarili ko.” Nanghihinang tumalikod si Ada at hindi nilingon si Maximus hanggang sa maka sakay siya sa sasakyan. "You stubborn!" Maximus exclaimed nang makasakay siya sa driver seat. "Dadalin kita sa hospital,” dugtong nito at nagmaneho. Nang marinig ni Ada ang hospital ay kaagad niyang pinahinto ang sasakyan. "What happened damn!” he cussed nang ayaw umabante ng sasakyan. "Paki usap Ginoo, ayos lang ako,” she said at pinunasan ang dugong nasa ilong. "Ang bata ang inaalala ko.” "She's fine don't mind them, sigurado ka ba?” "Nakasisiguro ako Ginoo.” Bumuntong hininga ang lalaki. Pang ilang buntong hininga na ito ni Maximus mula sa araw na ito. "Fine, bumaba na tayo ng sasakyan mukhang nasiraan ako.” "Subukan mong muli Ginoo,” she said halos gusto nang pumikit ngunit pinipilit nyang ipakita kay Maximus na ayos lang siya. Sinunod naman siya ni Maximus at sinubukang paandarin ulit ang sasakyan. "Darn! what's wrong with this car?” he cussed again nang umandar na ang sasakyan. "Halika na Ginoo, umuiw na tayo.” "Yeah.” Nang madinig ang sagot ni Maximus ay pumikit na si Ada. "Ada! don't close yo—” "Ginoo matutulog lamang ako sandali ha? gisingin mo na lamang ako pagkabalik sa isa mo pang tahanan.” Nawala ang pangamba ni Maximus sa sinabi ni Ada kaya bumalik na siya sa pagmamaneho. ... Nang makarating sa tapat ng rest house ay hindi na ginising ni Maximus si Ada. Binuhat nya na lamang ito at inihiga sa kama, pagkatapos ay dumeretso siya sa banyo upang maligo. Habang naliligo ay hindi mawala sa isip nya ang pag aalala sa babae lalo pa't nakita nyang dumudugo ang ilong nito at hindi nya alam ang totong nangyari. He hates seeing someone in sick. Pagkatapos maligo ay bumaba siya sa kusina upang kumain, sigurado naman siyang busog na si Ada dahil sa dame ng kinain nito. Hindi na lamang nya gigisingin ang babae dahil halatang pagod ito. Mag-isa siyang kumain sa baba bago bumalik sa taas upang matulong. Lumapit siya sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Ada, Itinaas nya ang kumot nito at hininaan ang level ng aircon. Marahan siyang sumampa sa kama at humiga. Sa isip nya ay wala naman sigurong masama kung tatabihan niya si Ada sa kama, iisa lang ang kwarto at hindi siya sanay sa matigas na higaan kaya naman matutulog na lamang siya sa kabilang bahagi ng kama. Tumagilid siya paharap sa side table nang tumunog ang cellphone nyang naiwan nya pala kanina. Isang text message mula kay Helios ang natanggap nya. “Take care of Ada, I was sleeping when she entered my dream. I dreamed her suffering from fever, don't let her have it.” Helios. He just rolled his eyes at ibinaba ang cellphone nang maramdaman nyang gumalaw si Ada, nagulat siya nang yumakap ito sa kanya but he'd been more surprise nang maramdaman nyang mainit ang balat nito kaya napatayo siya. "s**t! you're really damn sick!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD