bc

She's Gone

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
tragedy
no-couple
friendship
crime
spiritual
like
intro-logo
Blurb

A One-shot story was written by yours truly.

chap-preview
Free preview
First and Last
"ONE... TWO... THREE... PASS!" kasabay ng pagsambit ni Edgar sa katagang pass ay ang paghulog namin sa kung sino man ang katabi namin ng isang card. We are in our room playing cards. Alam naming bawal ang maglaro ng cards inside the campus pero sadyang matitigas lang talaga ang mga ulo namin. The goal of the game ay ang paunahang mabuo ang apat na numero ng card, at first, random itong ibibigay sa mga players who will be sitting incircle at para makabuo ka ng apat na same cards ay pacounterclock wise mo itong ipapasa sa katabi mo, isang card bawat PASS. Pag una mong nabuo ito ay ilalagay mo ang kamay sa gitna at kung sino ang mahuhuling lumagay ng kamay on your hand will be ask with truth or dare. Ngayon eh, nakikitawa lamang ako sa kanila habang busy sila sa paglalaro. 1 pm pa yung klase namin. "Wala pa si Jeyan?" Tanong sa akin ng isa kong kaklase. Hindi ko pa nakikita si Jeyan, for now, kaya hindi pa yata ito dumadating "Wala pa yata" sagot ko rito. "Chat mo daw" utos nito. Inopen ko naman ang messenger ko and tap her name and composed a message. Saan ka na daw? Jerome asks. I said in my message. Seen √ Typing… On the way na ako.? Reply nito at nag offline na. Sinabihan ko naman si Jerome na on the way na si Jeyan kaya bumalik muna ito sa paglalaro ng ML sa gilid, for sure makiki-party na naman tong baklang to. We are all girls and gays here inside the classroom, as the boys where in the field for their ROTC. Maya-maya lang din eh, pumasok si Jeyan ng silid, as usual maganda at pulang-pula ang labi just like her everyday make-up routine. "Huy sali ako" masigla nitong ani. Nagmadali itong nilagay ang kanyang dalang bag sa upuan at nakipaglaro ng cards sa mga kaklase namin. Maingay silang naglalaro habang ako naman ay natatawa nalang sa mga epic nilang mga mukha at makakatawang mga dares. 'Kriiiiing' Kriiiing' pahiwatig na magsisimula na ang klase. Dali-daling namang niligpit ng mga kaklase ko ang cards at baka may dumaan na mga guro at mapagalitan pa kami. Nag ayos na rin kaming lahat at inayos ang mga upuan na kaninay nakakalat. It's Saturday and we only have one subject for this day, which is NSTP. The class started and we only discussed is about the history of the constitution of the Philippines. Nang matapos namana ang klase ay napagpasyahan namin ang tumambay muna sa dorm ng kaklase namin na malapit lang sa school. Palabas na kami ng campus ng magpaalam si Jeyan "Una na ako guys" "Hindi ka sasama?" "Hindi na" ani nito na may hinahanap sa loob ng bag niya. "Pinapauwi kasi ako ng maaga ni mama, nakita niyo ba yung panyo ko? Color red" ani nito sa amin. "Anong kulay?" "Red, Pula," she said. "May nakita akong panyo pero hindi red. Ito ba? Kaso green to eh" ani ni Edgar sa isang kulay green na panyo. "Ay oo yan! green pala" natatawang ani nito at kinuha ang panyo. Nagpaalam ito sa amin at nakapagtataka lang ay bago ito umalis ay niyakap niya kami isa-isa. "Mamimiss ko kayo" ani nito. I feel something wrong. Edgar slaps her in a friendly way "Huy gurl. Wag ka ngang ganyan, magkikita pa tayo sa lunes. Haharapin pa natin si Ma'am Majimbo" tawag nito sa terror instuctor namin, everyone laughs. Jeyan waved her hand as she walks on the other way papunta sa mga sakayan ng mga jeep. Habang nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa dorm ng kaklase namin when Lovely stopped shocked looking on her phone. "Hala guys, look." Pakita nito sa isang post sa f******k. There's a girl lying on the street, duguan at hindi na mamukhaan, she was hit by a ten-wheeler truck. Nanindig ang mga balahibo ko knowing that it was near our campus and the girl is wearing the same uniform as mine. Lovely read the caption of the post out loud. "Isang estudyante galing sa paaralang Norte Kolehiyo ang nasagasaan ng isang ten-wheeler truck, kinilala ang estudyanyeng ito na si..." napahinto ito sa pagbasa at tumulo ang mga luha, nacurious naman ako kaya binasa ko ito at hindi makapaniwala sa nabasa. Oh my god! "Jeyan Monteberde" basa ko sa pangalan ng babae. I looked for the exact date and time and I gasped at what I read "January 22, 2020, at exactly 12:56 pm" this is today. Tila nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at napatingin sa way kung saan huli kong nakita si Jeyan. Wala na siya rito. Kaluluwa niya yun? Nanindig ang mga balahibo ko at naalala ang pag-papaalam nito kanina na tila di na kami magkikita pa. My tears started to fall. Tiningnan kong muli ang mga litrato and there napatunayan kong si Jeyan nga talaga ito dahil sa bag nito. Walang buhay na nakasalampak sa kalsada ang katawan at duguan. She was holding something, a wrecked phone, and a handkerchief! The green handkerchief was full of blood.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook