bc

My Song For You (One Shot Story)

book_age16+
144
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Will the one you love stay in love with you for years? Find out Dewei's and Kirsten love story that tested of time.

chap-preview
Free preview
Dewei and Kirsten
ONE SHOT STORY HATORIA CHRISTMAS MELODIES BY: ShanCaiStories LIMANG ARAW NA LANG AT PASKO NA. Halos isang taon na rin ng huli silang mag-usap ng dating kasintahan na si Dewei. Hindi niya alam pero bigla niyang naalala ang lalaki na nakarelasyon ng halos limang taon. Naaalala pa niya nang nasa Pilipinas pa ito at laging silang magkasama sa buong maghapon ngunit nang bumalik ito sa UK ay iyon din ang pagtatapos ng kanilang iningatang pagmamahalan. Marahil masaya na ito ngayon dahil madalas niyang makita ang mga post nito sa ** na maligaya sa mga bagong kakilala doon. ‘Masaya na ba talaga siya? Naiisip niya rin kaya ako?’ Biglang siyang nakaramdam ng pangungulila sa lalaki. Naging magkaklase sila noong nasa ika-apat na taon sa high school. Transferee ito at halatang taga ibang bansa dahil sa asul nitong mga mata at napakaputi nitong balat. Animo’y isa itong Hollywood celebrity kung pagkumpulan ng mga estudyante sa kanilang eskwelahan lalo na ang mga kababaihan. Hindi malabo na maging campus crush ito sa dami ng nagpapansin at nagpapadala ng love letters sa kanilang classroom. Madalas lang itong nakangiti habang tinatanggap ang sari-saring bulaklak at kung anu-ano pa habang napapakamot sa ulo. Hindi siguro nito matanggihan ang mga ito at nahihiyang ibalik sa mga nagbibigay. Tahimik lang siyang nakamasid sa magiging reaksyon nito sa tuwing tatawagin ng kanilang kaklase dahil parang minu-minuto yata akung padalhan ito ng mga nagkakagustong babae.Minsan pa siyang natawa dahil halos punung-puno na ang paligid ng upuan nito ng kung anong anik-anik. Kulang na lang ay mapagkamalan itong nagbebenta o nagtitinda ng mga iyon. At nahuli siya nito. Bahagya itong kumaway sa kanya habang nakangiti. Ngiting hindi niya makalimutan kahit sa pagtulog. Ang mala-pusong hugis nitong labi at ang matangos na ilong nitong bumagay sa nakakaakit na mala-asul na mata. Simula noon ay hindi na siya nito pinatulog ng maayos. Tila nakatatak na buong Sistema ng kanyang isipan. “Hi,Kirsten right?”bati nito sa kanya. Lunch break nila at kasalukuyang nasa canteen siya. “Can I sit here?” Nawindang siya nang marinig ang British accent ng lalaki. “I’m Dewei by the way.” “Sure,”sagot niya at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. “I’m just curious. Do you speak Filipino language? Tagalog, I mean.” “Oh, a little bit. I understand what you are saying but I can’t speak it right.” “Well, I think mano-nosebleed ako talking to you.” Hinintay niya ang magiging reaksyon nito. Bumunghalit ito ng tawa. Sa una ay mahina hanggang sa lumakas katagalan. “Really? I can’t bear to see you having nose bleed.” Matiim itong tumitig. “Talagang naiintindihan mo ako?” Tumango ito. “Ang galing! Sino nagturo sa iyo?” “My cousins,”nakangiting sagot nito. Nakakahipnotismong tanawin iyon para sa kanya. Napako ang tingin niya sa labi nitong nakataas ang isang gilid. Hinintay niya itong matapos kumain at sabay silang bumalik sa kanilang classroom. Naging routine na nilang dalawa iyon mula araw ng Lunes hanggang Biyernes. Napapansin niya ring iniirapan siya ng mga babaeng nakakasalubong nila ngunit binalewala niya lang iyon. Masaya siya na kasama si Dewei. Nagiging tampulan na rin sila ng tukso sa kanilang klase ngunit pareho lang nila iyong tinatawanan. Ang mahalaga, komportable sila sa company ng bawat isa. SA SIMULA AY PAGKAKAIBIGAN LANG NA NAUWI SA PAG-IIBIGAN. Sa araw-araw na magkasama sila ay nasanay na siya sa accent nitong dayuhan ngunit napakagandang pakinggan sa kanyang pandinig. Madalas na rin itong mag-stay at pumunta sa bahay nila dahil sa pagsundo at paghatid sa eskwela. Dahil natural na mabait ay nakasundo agad ito ng kanyang Mommy at Daddy pati na rin ang bunso niyang kapatid na si Kira. “Kuya Dewei, do you have a sibling? Are you with them?”narinig niyang tanong ni Kira. Inaayos niya ang mga libro sa kanyang bag nang dumating ito. Pinapasok ng kapatid saka pinaupo sa sala. “Kasing-gwapo mo rin ba?” “Kira, ano ba iyang tanong mo kay Dewei. Ang bata-bata mo pa eh,”sabad niya na ikinalingon ng dalawa sa kanyang direksyon. “Ate,nagtatanong lang naman ako eh. Hindi ba ka-lahi niya si Harry Potter? Parang kamukha nga niya eh,”kumikuninang ang mga mata ng kanyang bunsong kapatid. “Naku Dewei, don’t mind Kira. She’s just a diehard fan of Harry Potter,”sabi niya sa nakangiting lalaki. Tila naaaliw pa ito sa paraan ng pag-uusap nilang magkapatid. “It’s okay. I’m also a fan,”sagot nito habang pinaglilipat ang tingin sa kanya at kay Kira. “Tara na,”yakag niya. “Kira, huwag kang pasaway kay Yaya Nanay. Lagot ka kay Mommy at Daddy kapag hindi ka nakinig sa kanya at kapag gumala ka pa.” Bilin niya sa kapatid. “Oo na ate.” Kumamot ito sa ulo. “Kuya Dewei, ligawan mo na nga iyan si Ate Kirsten para hindi na ako lagging sinusungitan.” Napatingin siya kay Dewei na nakatitig na pala sa kanya. Lumamlam ang mga mata nito na ikinalunok niya. “Huwag kang makinig sa batang iyan, Dewei. Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase,”aniya at nauna ng lumabas ng bahay. “She’s cute,”sabi nito habang naglalakad sila. “You have a wonderful sister,”dagdag pa nito. “Do you like her?”tanong niya. “Hmmnn, kinda.” Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. “Just like a sister to me. I have no siblings so maybe that’s the reason I like her.” Lihim siyang napangiti. “I agree, she’s cute.” “But you’re more beautiful than her,”pagkasabi nito ay natigil siya sa paghakbang. “Ano ang sabi mo?” “I said, you are beautiful.” Nakagat pa nito ang ibabang labi at ipinagsalikop nito ang dalawang kamay. “Ikaw bolero ka na ah.” Napahigpit ang hawak niya sa libro. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Hindi ah! “sagot nito. Lalo siyang natuwa ng marinig itong magsalita ng tagalog. Ang ganda ng accent nito! Sobra siyang nai-inlove! Wait – nai-inlove siya? “I’m just telling the truth, Kirsten. You are truly a beauty. The most beautiful girl I have ever seen.” Tuluyan niya na itong nilingon dahil sa sinabi nito. Hindi siya nagsalita at tanging ang mga mata nila ang nangungusap. Sa pagsilay ng ngiti ni Dewei ay hindi na rin siya nakatiis na muling mapangiti. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagtitinginang hindi maikukubli. “Can I court you?”tanong nito. “What did you say?!” Tila nabingi siya sa ipinahayag ng lalaki. Tumungo ito at kinuha ang libro niyang hawak saka ipinalibot sa kanyang kamay. Mainit ang kamay nito. May lagnat ba ito? “We’ve been friends for months, right? But I have this weird feeling that I can’t let go about you. At first I thought it is because we enjoy each other’s company however how can I explain my heart?” “Your heart?” Kunot-noot niyang tanong. “It beats so fast when I am with you,”mahina ngunit malinaw nitong sabi. Hindi niya alam kung dapat niya bang ikatuwa iyon. Kasabay ng pagdagundong ng kanyang dibdib ay ang marahang pagpisil ni Dewei sa hawak nitong kamay niya. “ARE YOU SURE?” tanong ni Dewei. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Kasalukuyan silang nasa likod ng kanilang classroom at pumuwesto sa isang mahabang upuan na napaliligiran ng malalaking puno. “Oo nga. Ayaw mo ba?” Dinadaga na naman ang dibdib niya. Parang pusa ang kausap niya kung magwala ang mga iyon. “Pero in one condition Dewei, gusto ko na tayo lang muna ang nakakaalam nito na… tayo.” Lumitaw ang malandi nitong ngiti na pumapatay sa mga puso ng mga kababaihan. Magkatabi sila sa upuan at pakiramdam niya umiikot lang sa kanilang dalawa ang mundo sa mga oras na iyon. “Siyempre, I do really like it but I’m just worried. Tita and Tito might –“ “Lalo tayong mapapagalitan kapag nalaman nila agad. We will just pretend as friends for a while, Dewei,”sabi niya. Graduating pa lang siya at si Dewei ng high school kaya naman mas kailangan nilang mag-focus sa pag-aaral. Tiyak na magugulantang ang kanyang Mommy at Daddy kapag nalaman ng mga ito na may pagkakaunawaan na sila ng foreigner na kaklase. “Okay, but not for long. I don’t like secrets baby just like I hate being coward.” “Baby?” Dahan-dahan nitong inilapit ang kanyang kamay patungo sa labi nito. Tatlong beses na hinagkan iyon saka diretso siyang tiningnan sa mga mata. “Yes, you are my baby.” Ang mga sumunod na araw ay nagging makulay at masaya para sa kanya. Mas lalo siyang ginanahan mag-aral ng mabuti lalo pa na may study buddy siya na kanya na ring secret boyfriend. Oo, boyfriend na niya ito at nanatili iyong na sekreto hanggang sila ay maka-graduate. Naging legal ang relasyon niya kay Dewei pagtuntong ng kolehiyo ngunit bumalik na ng UK ang kasintahan. Lagi siyang nasosorpresa sa biglaan pag-uwi nito ng Pilipinas upang bisitahin siya. Kung minsan na man ay magugulat na lang siya mga bulaklak at chocolates na dumarating sa eskwelahang pinapasukan o sa kanilang bahay. Dumating rin ito ng eighteenth birthday niya. Hindi niya inaasahan iyon dahil abala na ito sa pinapasukang eskwelahan sa UK kaya naman labis niyang iniluha ang biglaan pagdating nito. “Hey baby, why are you crying?” Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata. “I thought you’re not coming.” Umiiyak pa rin siya. “I can’t do that. I can move mountains just for you baby,”sabi nito. “Thank you, babe!” Kinabig niya ito upang mayakap ng mahigpit. “I love you baby, endlessly.” Pinupog siya ng halik sa buhok. Parang siyang lumulutang sa alapaap. Walang pagsidlan ang nag-uumapaw na kaligayahan sa kanyang puso dahil ang kabiyak nito ay ang bumuo ng napaka-espesyal na araw ng kanyang buhay. “I love you too Mr. Dewei Skelton,”sagot niya. Ang akma niyang pag-abot sa labi nito ay hindi nagawa dahil sa height difference nito. Kaya naman ito na ang dahan-dahang nagbaba ng mukha upang magdikit ang matagal ng uhaw na mga labi. Dampi lang iyon pero punong-puno ng pagmamahal. “Mas mahal kita Miss Kirsten Del Valle.” Muli nitong hinagkan ang tungki ng kanyang ilong. Napangiti siya ng marinig ang pagbikas ng mga salitang iyon sa accent ni kinasanayan ng kasintahan. Isa pa rin itong nakakaakit na musika sa kanyang pandinig. Isiniksik niya ang sarili sa leeg nito. Ang tahanan ng kanyang pag-ibig. Gumanti naman ito ng mahigpit na yakap sa kanya na tila doon pinupuno ang mga panahong hindi sila magkasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
287.2K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

Unwanted

read
511.7K
bc

Faithfully

read
266.4K
bc

A Night With My Professor

read
497.6K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook