Tumayo na ako at maglalakad na sana patungo sa pisara upang magsulat doon nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Agad ko itong nilingon kung sino ang taong kakapasok pa lang at nakita si Ariane na gulat na nakatingin sa akin habang may dala-dalang tasa. Huwag mong sabihin na umalis lamang siya dahil kumuha ito ng maiinom? Walang pag-alinlangan na ngumiti ako kay Ariane na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi yata siya makapaniwala na sa wakas, at sa loob ng ilang araw ng paghihintay ay nakalabas na rin ako. Babagsak na kaya ako nito? Sana ay huwag naman, ayos lang sa akin na bumaba lang aking kurso pero huwag 'yong bumagsak ako at paalisin.
"Ariane,"tawag ko rito at ngumiti. Nahimasmasan naman ito pagkatapos kong banggitin ang kaniyang pangalana at lumapit sa akin.
"Ikaw na ba talaga 'yan?" Gulat na tanong nito.
"Oo naman," tugon ko sa kaniya, "Pasensiya ka na at medyo na tagalan ako sa paglabas doon. Hindi ko naman inaasahan na ganoon pala kahirap ang pagsubok na ibinigay mo."
Umiling lang ito sa akin atsaka ngumiti. Lumapit siya sa aking mesa at tinignan ang bola, mas lalong lumaki ang kaniyang mga mata at agad itong tinago.
"Ilang oras ka ng gising?" Tanong nito sa akin.
"Kakagising ko lang,"sagot ko at ngumiti sa kaniya, "Ako ba? Ilang oras ba akong nakulong sa isipan ko? Sa tingin ko ay halos ilang araw din, ano?"
Hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang lumipas na ang limang araw o higit pa. Mahina pa talaga ako at hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. Kung kaya ay hindi na ako magugulat kung bakit ganoon na lang ako nahirapan na lumabas doon. Kitang-kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Ariane na mas lalo kong ikinabahala.
Huwag mong sabihin na linggo na ang inabot ko o hindi kaya ay buwan? Tinignan ko nama si Ariane ngunit mukha naman itong hindi nagbago, kung ano 'yong kasuotan niya noong pumikit ako ay ganoon pa rin naman hanggang ngayon, ang hitsura ng kaniyang mukha at pangangatawan ay ganoon pa rin naman. Anong klaseng mahika ba ang mayroon siya? Paano niya ba napapanatili ang ganda niya? Kung sabagay, ano pa ba ang inaasahan ko sa isang taong galing sa pinakamalakas na pamilya sa mundo ng mahika? Hindi na ako magugulat kung kahit isang libong taong gulang na ito pero ganiyan pa rin kaganda.
"Anong ibig mong sabihin na araw?" Gulat na tanong nito, "Dalawang oras ka lang nawala."
Dalawang oras? Pinagloloko ba ako nito? Anong dalawang oras? Sa tagal ko ba naman sa isipan ko ay impossibleng dalawang oras lang iyon. Iyon ngang nandoon ako sa karagatan ay halos ilang buwan na ang ilang araw nila doon.
Tumawa lang ako ng bahagya sa sinabi ni Ariane at napapa-iling na umupo ulit sa aking pwesto kanina. Tinignan ko lang siya ng hindi makapaniwala atsaka bumuntong hininga.
"Huwag niyo po akong pinagloloko, alam ko naman po na ilang buwan na ako rito. Maari niyo rin sabihin na ilang araw, mga tatlumpung araw." Sabi ko at tumawa ng malakas.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pa magbiro ng gano'n. Kamusta na kaya ang kaibigan ko na si Elfrida, sana naman ay kumakain pa rin iyon ng tama. Ako nga lang pala ang nagluluto sa kaniya, kaya mukhang impossible nga na kakain lang iyon sa loob ng aming bahay. Sana naman ay hindi pa niya ako pinalitan dahil nawala lang ako ng isang buwan. Kapag iyon talaga nangyari, hindi ko na siya papansin.
"Hindi kita niloloko at lalong-lalo na hindi ako nagbibiro,"seryosong sambit nito habang nakatingin sa akin, "Kahit ako ay sobrang gulat nang makita kitang nasa maayos nakalagayan at mulat na mulat ang iyong mga mata."
"May problema po ba roon?" Tanong ko rito. Hindi ko alam kung maniniwala ba talag ako o hindi pero kung siya na rin ang nagsabi ay sige, papaniwalaan ko na lang talaga.
"Alam mo ba sa loob ng ilang taon ko ng pagtuturo rito ay ikaw pa lang ang nakalabas sa loob ng bolang iyan sa loob ng ilang oras?" Gulat na tanong nito at tinignan ako sa mga mata, "Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ka pero isa lang ang masasabi ko, isa ka sa isang milyong katao na pinagpala."
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o dapat akong kabahan. Kung totoo nga ang sinasabi niya, maaring iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ka-determinado ang taong humahabol sa akin na hulihin ako. Gusto nitong patayin ako kasi gusto niyang kunin ang kapangyarihan ko. Mas lalo akong kinakabahan para sa aking kapanan, mukhang malabo nga na maging isang normal akong tao.
"Dapat kang mag-ingat, hindi mo pa gamay ang iyong kapangyarihan kung kaya ay maraming tao diyan na gustong kunin sa iyo 'yan,"banta nito. Mabilis na tumalikod si Ariane habang nasa likod nito ang kaniyang mga kamay, "Hindi ko alam kung ilang tao na ang may alam sa kapangyarihan mo pero sigurado ako, ilang beses ng muntikan kang mapatay, hindi ba?"
Mabilis na lumaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya, "Opo,"tugon ko rito, "Noong una ay hindi ko po talaga alam kung bakit ganoon na lang po siya kung humabol sa akin. Gusto ko malaman kung bakit, at kung ano ang motibo niya, ngunit, nang malaman ko ang tungkol sa burned ones at tungkol sa kapangyarihan ko ay unti-unti ko ng naiintindihan."
"Sabi ko na nga ba,"bulong niya.
Alam kong delikado talaga ang buhay ko ngayon, ngunit, kung mayroon man talaga akong kapangyarihan na sobrang lakas ay nais ko itong kontrolin. Gusto ko sa oras na may magtangka sa buhay ko at gusto nitong kunin ang aking kapangyarihan upang gamitin sa kasaman ay matatalo ko ito. Hindi ko man alam kung paano pero sinisigurado ko na hinding-hindi ako mamatay basta-basta.
"Ano na ngayon ang plano mo, Kori?" Tanong ni Ariane habang nakatalikod sa akin at nakatingin lamang sa bintana ng silid.
"Hindi ko po alam," tugon ko rito at nanatiling tahimik saglit, "Hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko, pero isa lang ang masasabi ko. Nais ko po sanang hingin ang iyong gabay upang matutunan na kontrolin ang aking kapangyarihan."
"Para saan pa?" Tanong niya, "Huwag mong sabihin na gagamitin mo ito sa kasamaan na ngayon ay alam mo na ang kakayahan mo."
Agad akong umiling kahit hindi naman ako nakikita nito. Seryoso lamang akong nakatitig sa kaniyang likod at inilagay sa aking dibdib ang isa kong kamay, "Wala akong balak na gamitin ang aking kapangyarihan sa kasamaan, bagkos ay gusto kong matutunan itong kontrolin upang ang sarili ko ay maprotektahan gayon na rin ang mga tao sa paligid ko. Ilang beses na akong hinabol at tinangkang patayin ng isang taong hindi ko kilala, ilang beses na rin nadamay ang aking mga kasama sa paglalakbay. Kung kaya ay gusto kong hindi na ito maulit pa, ayaw ko rin makuha na lang ang kapangayrihan ko ng basta-basta ng sino man at gamitin ito sa kasamaan."
Seryoso ako, hindi ko alam kung bakit pero parang umiinit ang buong katawan ko sa tuwing naalala ko ang mga sugat na natamo ng aking mga kaibigan na sina Lauriel at lalong-lalo na kay Nola. Ilang beses na niya ba akong sinagip sa taong iyon?
Tahimik lamang na nakamasid si Ariane sa labas at hindi pa rin umiimik. Ayaw ba nitong turuan ako? Natatakot ba siya na gamitin ko sa kasamaan ang aking kapangyarihan? Hindi na rin ako magugulat, sa tingin ko ay ilang tao na rin ang tinuruan niya pero ginagamit lang ito sa kasamaan. Hindi ko rin siya masisisi kung ganoon na lang ang kaniyang mga narasan sa kaniyang ibang estudyante.
Umiwas na lang ako ng tingin at bumuntong hininga, "Huwag po kayong mag-alala, kung ayaw niyo po akong gabayan o turuan ay gagawin at gagawin ko ang lahat upang mas lumakas. Iyong tipong hindi ko na kailangan pa mabahala sa mga kaibigan at pamilya ko na mapahamak dahil nandito lang ako,"sabi ko sa kaniya at tumayo na.
Sakto naman ang pagtunog ng kampana ng aming paaralan na hudyat na ng katapusan na ng klase. Hindi ko na pansin na hapon na pala, akala ko ay umaga palang. Mukhang mabilis lang talaga lumipas ang oras kapag seryoso kayo sa pinag-uusapan niyo at nasa isang ensayo ka. Naglakad na ako papalapit kay Ariane at tumigil nang mayroon na kaming dalawang metrong distansya. Yumuko lang ako saglit atsaka nagpaalam na.
"Salamat po sa inyong tinuro ngayong araw, aalis na po ako."
Hindi lamang siya umimik sa akin kung kaya ay napagdesisyunan ko ng lumabas ng silid. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ni Ariane pero panigurado ay isa na rito ang desisyon na ayaw na talaga niya akong turuan. Ngayon na naging isa na rin ako sa mga makakapangyarihang tao ay natatakot ito na maging isa rin ako sa mga burned ones. Hindi naman ako hayok sa kapangyarihan, gusto ko lang talaga protektahan ang mga taong malapit sa akin.
"Sa lunes ay magsisimula na ang iyong pag-eensayo," biglang sabi ni Ariane na naging dahilan ng paglingon ko, "Ayaw na ayaw ko sa taong hindi maaga kaya aasahan mo na magkakaroon ka ng parusa kapag lumagpas ka sa oras na napag-usapan. Huwag mo ring aasahan na madali ang iyong gagawin dahil mas mahirap pa ito sa normal na pag-eensayo. Iyon lang at maari ka ng umalis at magpahinga ng tatlong araw."
Bigla na lang itong naglaho ng parang bula at na iwan na lang akong mag-isa. Hindi ko naman napigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ