Dark Chest Chapter 31

1004 Words
Bigla na lamang sumulpot sa aming harapan ang isang napakalaking palaka na sa tingin ko ay nasa tatlong palapag ang taas. Ang mga mata nitong kulay berde at sa gitna ay ang pulang linya. May nakatali sa leeg nito na parang gawa sa tubig pero punong-puno ng enerhiya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ngayon pa lang ako nakakita ng ganiyang kalaking halimaw!” Biglang sigaw ni Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba ang pinagsasabi nito? Ilang beses na ba kaming nakakita ng halimaw na ganiyan kalaki? Isa pa, naalala ko na may kinalaban kami noon na mas malaki sa nilalang na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ang ibig mo bang sabihin ay ganiyang karaming enerhiya?” Tanong ni Treyni. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napatitig lamang ako sa nilalang na nasa aming harapan na ngayon ay hindi na gumagalaw at parang ang layo ng tingin. Napatigil din kami sa aming pwesto at kahit isa sa amin ay walang nagtangkang gumalaw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Oo, tama nga si Treyni. Hindi biro ang enerhiya na umaapaw sa halimaw na ito sa kaniyang katawan. Sobrang dami nito at sa tingin ko ay mas labis pa yata ang enerhiya nito kung ihahalintulad sa mga nakalaban namin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero isa lang ang sigurado ako. Isa na naman itong panibagong labanan. Ito ang unang beses na magsasama na naman kami sa isang labanan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kahit nasa harap na kami ng panganib ay hindi ko mapigilan ang sarili ko ang mapangiti. Naalala ko na naman ang mga pinagdaanan namin noon, ang mga tawa at kwentuhan na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Shh, manahimik kayo,”saway ni Draco habang nakatingin pa rin sa halimaw na nasa aming harapan, “Hindi ako sigurado kung bakit bigla na lamang tumigil ang nilalang na ito pero sigurado akong sa oras na may gagawin itong kilos, mamatay tayong lahat.” Kung sabagay ay tama nga naman si Draco. Sa sobrang lakas nito ay malabong hindi kami nito atakihin pero kung aalalahanin lang namin ang aming mga pinagdaanan ay malamang walang makakatalo sa among grupo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nanatili lang kaming nakatayo habang nakatitig sa halimaw na nasa aming harapan. Nanatili itong nakatingin sa malayo at hindi man lang gumagalaw kahit na kaunti. Ano kaya ang nasa isip nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lumipas ang halos tatlumpung minuto at nasa ganoon pa rin kaming poisyon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Wala na ba itong balak gumalaw? Kung wala na ay gagalaw na ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman yata itong plano--.” Hindi natuloy ni Sam ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lamang gumalaw ang mga mata ng nilalang. Isang malakas na sigaw ang aming narinig mula rito at bigla na lamang niyang binuka ang kaniyang malaking bibig. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mula roon ay lumabas ang kaniyang napakahabang dila na may mga tinik sa dulo. Anong klaseng nilalang ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Huminga ako nang malalim at agad na tumalon patungo sa gilid. Tumingin ako kay Lauriel na ngayon ay nakalipad na rin sa ere na parang wala lang. Si Treyni naman ay nasa likod ni Sam at Draco. Habang si Nola naman ay hindi mahagilap ng aking mga mata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD