Chapter 54

3000 Words
Nakangiti akong lumabas ng silid at masayang naglakad na pabalik sa aming tahanan. Hindi ko inaasahan na papayag si Ariane na turuan ako nito upang maging bihasa ako sa paggamit ng aking kapangyarihan. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang hindi tignan ang mga estudyanteng nagkalat sa daan. Karamihan sa mga ito ay kasing edad ko lang at kakalabas lang din ng kanilang mga silid. Ganito pala karami ang nakapasa, akala ko noong una ay kaunti lang kami at mabibilang lamang sa daliri, ngunit, mas marami pa pala ito kung ihahalintulad ko sa mga taong pumunta sa hardin kahapon. Halos lahat sa mga ito ay may mga kasamang mga kaibigan, mukhang ako nga lang yata ang mag-isang naglalakad dito sa pasilyo. Napayuko na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nasaan kaya si Elfrida? Hindi ko rin kasi ito na tanong kung anong silid siya o saan. Gusto ko sana siyang puntaha upang tanungin kung kamusta ang kaniyang unang klase. Kung kasing hirap ba ito sa aking pagsusulit. Ngayon ko lang na pansin na simula noong dumating ako rito ay puro pasulit na lang ang inaatupag ko.  Agad ko na naman naalala ang sinabi ni Ariane na naging dahilan ng aking pagngiti, magiging malakas na rin ako. Kayang-kaya ko na rin sa wakas protektahan ang mga taong malapit sa akin at ang aking mga pamilya. Pagkatapos kong mag-aral ay sisiguraduhin kong hahanapin ko ang aking mga magulang at tatanungin sila kung, bakit bigla na lang nila akong iniwan sa harap ng pinto ng simbahan. Hindi naman ako galit sa mga ito, sa katunayan nga ay nagpapasalamat pa rin ako kasi may iba akong nakilalang pamilya. Gusto ko rin silang makasama kaya hahanapin at hahanapin ko silang lahat, iyon ang susunod na misyon na aking gagawin. Tahimik ko lang na nilalakbay ang pasilyo habang nakayuko hanggang sa makarating na ako sa hagdan. Patuloy lamang ako sa pag-akyat habang iniiwasan ang mga estudyanteng daldal nang daldal pababa sa hagdan. Ayaw kong mabangga ang mga ito at baka magsimula na naman ng away, ganito pa naman karamihan sa mga estudyante ngayon. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa itaas. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng pinto ng aming dormitoryo atsaka huminga ng malalim. Sa wakas ay nakatakas na rin ako sa lugar na iyon, akala ko ay mawawalan na ako ng hininga dahil sa sikip. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko napagtanto na walang masiyadong tao dito. Siguro ay dahil na rin nasa labas pa silang lahat at maaring wala pa itong plano bumalik sa kani-kanilang mga bahay. Nagsimula na akong maglakad patungo sa lumulutang na tulay at naglakad na patungo sa aming pamamahay. Ninanamnam ko ang hangin habang mahina lamang akong naglalakad. Ilang sandali pa ay naka-pasok na rin ako sa mga dahon ng punong ito at naglakad na. Lumipas pa ang ilang sandali ay nasa harap na rin ako ng aming tahanan. Madilim pa ang loob kung kaya ay wala pa rito si Elfrida, siguro nga ay may ginagawa pa iyon sa kanilang silid o hindi kaya ay pumunta muna ito sa silid-aklatan. Ano kaya ang gagawin ko? Hindi ko pa nga pala napapasyal ang buong dormitoryo, wala naman sigurong masama kung titignan ko ang kabuuan nito, hindi ba? Tumalikod na ako sa pinto namin at nagsimula na naman maglakad pababa. Napuntahan ko na ang itaas at ang masasabi ko lang ay sobrang ganda nito. Hindi ko nga lang alam kung kasing ganda ba ng lugar na iyon ang ibang bahagi ng dormitoryo. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang hindi mapansin ang iba't-ibang laki ng bahay dito. Sa amin ay medyo may kalakihan talaga kumpara sa ibang bahay. Hindi ko alam kung anong pinagbabasehan nila at bakit iba-iba yata ang pamamahay namin. "Kori?" Agad akong napalingon sa taong bigla na lang nagsalita at doon ko nakita ang taga-pamahala ng dormitoryong ito. "Magandang hapon po,"bati ko rito atsaka yumuko. "Magandang hapon din sa iyo,"bati nito pabalik sa akin at ngumiti, "Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba at hindi rito ang daan patungo sa inyong pamamahay?" Lumaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito, hindi kaya ay pinagbabawal ang pagpunta sa lugar na kung saan wala roon ang iyong bahay? "Hindi ko po alam na hindi po pala pwede, pagpaumanhin niyo po ako,"sabi ko at yumuko ulit, "Gusto ko lang po sana tignan ang kabuuan ng puno ng mga diwata, hindi ko pa po kasi ito napapasyal. Ngayong alam ko na, na bawal palang mamasyal dito ng basta-basta ay hindi ko na po uulitin." Bigla naman tumawa ng malakas si Athena na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya. Patuloy pa rin ito sa pagtawa hanggang sa dumating ang punto na pinunasan na niya ang kaniyang mga luha at tinignan ako sa mga mata. Itinaas nito ang kaniyang mga kamay at winagyway sa mukha ko, "Mali ang pagkaka-intindi mo, ayos lang naman kung gusto mong mamasyal. Hindi ko naman pinagsasabing bawal." Nagtatakang tinigan ko lang si Athena dahil hindi ko talaga naiintindihan kung ano ang totoo.  "Akala ko po ay bawal,"tugon ko rito. Umiling lamang siya at ngumiti. "Wala akong sinabing ganiyan, sa katunayan niyan ay ayos lang naman kung gusto mong mamasyal dito. Kahit saan mo gusto maari kang pumunta roon," sambit nito at tumalikod na sa akin bago nagsimulang maglakad, "Sa puno ng diwata ay ligtas ka kaya wala akong dapat ikabahala." "Salamat po, Athena," ani ko, "Maari po bang magtanong?" Sumunod na lang ako sa kaniya habang nakatingin pa rin ako sa kaniyang likuran. Ang liit talaga niya kumpara sa isang tao. Kung sabagay ay isa naman itong diwata kaya hindi na ako magtataka pa. "Ano 'yon?" Tanong nito, "Sasagutin ko ang iyong katanungan kung ano man iyan, huwag ka nga lang umutang kasi wala rin akong pera." Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi matawa sa sinabi niya. Para kasing totoo talaga na mayroon ng mga estudyanteng sumubok na utangan siya. Iniwas ko na lang ang aking tingin habang tinitignan pa rin ang mga bahay dito sa puno. "Napapansin ko lang po na mayroong mga tahanan dito na maliliit kumpara sa bahay namin ni Elfrida,"sabi ko, "May pinagbabasehan po ba ito?" "Oo naman,"tugon niya, "Lahat ng matatanggap mo dito sa paaralan ay may pinagbabasehan. Iyon lang ay dito sa puno ng diwata ay ang kapangyarihan mo ang titignan. Ayon sa kasaysayan ng punong ito ay nababasa daw ng puno ang kapangyarihan ng isang tao o hanggang saan ang limitasyon mo. Hindi ba at napunta ka sa isang malaking pamamahay na may sariling mga banyo at kusina?" "Opo." "Ibig sabihin no'n ay labis kang makapangyarihan at hindi ko alam kung hanggang saan ang iyong limitasyon,"paliwanag niya, "Maari ko bang tanungin kung anong kurso ang mayroon ka? Maaring nasa pangunahing seksiyon ka o pangalawa." "Multi-magic po,"tugon ko rito habang nakatingin pa rin sa paligid. Hindi naman siguro nakakagulat ang sinagot ko hindi ba? Siguro ay sanay na rin si Athena na marinig ang salitang iyon. Nanatiling tahimik ang aking kasama na naging dahilan ng aking pagtataka, walang atubiling nilingon ko naman ito at kitang-kita ko ang nanlalaki niyang mata dahil sa gulat na rin siguro. "A-anong sinabi mo?" Utal na tanong nito, "Multi-Magic po 'yong kurso ko,"tugon ko at ngumiti. "K-kori,"tawag niya sa akin, "Alam mo bang hindi magandang biro 'yang sinabi mo?" Biro? Paanong magiging biro ang sinabi ko? Atsaka isa pa, wala naman akong rason na magbiro eh. Hindi ko naman kayang biruin ang isang bagay na hindi ko talaga kaya. Kahit ako nga ay gulat na gulat sa nalaman ko. "Bakit naman po ako magbibiro? Kung may parusa man ang isang tao dahil nagbiro siya na isa siyang multi-magic user, pwes, hindi po ako mapaparusahan. Gulat din po ako nang malaman ko ang tungkol sa bagay na 'to,"paliwanag ko rito. nagulat naman ako nang bigla na lang itong umilaw at naging kasing laki sabay hawak sa dalawang balikat ko. "Huwag na huwag mong basta-basta na lang sabihin 'yan dito,"banta ni Athena at bumuntong hininga, "Dapat sana ay nasa mas malaki ka pang bahay kung gano'n." "Sakto na po 'yong tinitirhan ko ngayon,"tugon ko sa kaniya at ngumiti, "Hindi ko naman po kailangan ng sobrang laki pamamahay eh." "Kahit na. Kaya pala noong pinasuri kita sa puno ay dalawa ang nilabas nitong possible mong maging tahanan. Iyang kay Elfrida at 'yong bahay na nasa tuktok. Hindi ko naman inaasahan na magiging isang multi-magic ka pala,"ani nito, "Pasensiya ka na." "Masaya po ako sa kung saan ako ngayon, mabuti na lang po at doon mo ako nilagay. Ayaw ko rin na mag-isa lang sa isang bahay eh." "Ganoon ba." Ani niya, tumango lang ako sa kaniya. "Kung gayon ay hahayaan na lang kita diyan sa pamamahay mo, sasabihan ko na lang ang pinunong Yizun na dagdagan ang iyong pera." Sabi ni Athena bago naging isang maliit na diwata muli, "Mauna na ako at may kailangan pa akong ayusin." Bigla na lang naglaho ang aking kasama ng hindi man lang ako hinaayan magpaalam din. Iniisip ko pa lang na titira pa ako sa mas malaking pamamahay ay parang mas lalo akong nahihirapan. Mas malaking bahay, mas maraming lilinisin. Tinatamad din kaya ako minsan. Huminga muna ako ng malalim bago inilibot ang aking paningin. Doon ko lang na pansin ang ilang mga estudyanteng naglalakad na pabalik sa kanilang mga bahay. Siguro ay ititigil ko muna itong plano ko, sa susunod ko na lang papasyalan itong buong lugar. Hindi naman ito mawawla eh. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa aming tahanan habang nakatingin sa paligid. Hindi nga masiyadong kalakihan ang mga bahay rito, kung tutuusin ay kahit nasa baba ako kitang-kita ang bahay namin ni Elfrida. "Ang laki talaga ng bahay na 'yon, ano?" Rinig kong sabi ng isang babae at nang tingna ko siya ay nakatingin lamang ito sa bahay namin ni Elfrida. "Huwag ka na mangarap, tanging malalakas na estudyante lamang ang pwedeng magkaroon ng ganiyang klaseng bahay,"tugon naman ng kasama niya. "Sino kaya ang mga nakatira diyan?" Tanong nito. "Hindi ko alam, hindi ko pa naman nakikita ang mga ito. Hindi ko rin sinubukan na umakyat dahil masiyadong malakas ang enerhiya sa itaas, hindi kakayanin ng aking katawan."  Enerhiya? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Wala naman akong naramdaman na kahit ni isang maliit na enerhiya sa aming palapag ah? Kung ano-ano na lang talaga ang pinagsasabi ng mga ito. Hindi ko na lang sila pinansin at tahimik na lang na naglalakad pabalik sa itaas. Medyo malayo pa ako sa hagdan at marami pa akong bahay na nadadaanan. May ilang mga estudyanteng napapatingin sa akin at nagtataka kung sino ako, hindi pa nga pala nila ako kilala dahil hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito simula noong dumating ako sa paaralan. Yumuko na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Halos lahat ng mga tao rito ay nakatingin na sa akin na may halong pagtataka, tinatanong siguro nila kung sino ako at bakit ako nandito. Bakit ba kasi ganito sila kung makatingin, nakaka-ilang. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa baba ng hagdan, maglalakad na sana ako patungo sa itaas ng makarinig ako ng mga bulungan sa paligid. "Balak ba niyang maging lumpo?" Rinig kong sabi ng isang babae. Hindi ba nila ako nakikita araw-araw? Lagi naman kaming magkasama ni Elfrida ah, ay teka, oo nga pala. Kaunti pa lang ang may alam na taga-rito ako, may ilang mga tao na hindi naman nagulat nang makita ako. Siguro ay dahil na rin kilala na ako ng mga ito o nakikita na nila ako noon pa. Iyong mga tao ngayon na nagtataka kung sino ako ay panigurado lagi itong nasa loob lamang ng kanilang mga bahay. "Hindi ko alam kung anong balak niya, maari siyang mamasyal dito sa baba pero huwag na niyang bumalak pa na umakyat sa itaas. Siguradong nasa pangatlong hakbang pa lang ito at mahihimatay na." Bakit ganoon na lang ka-labis ang kanilang paglalarawan. Hindi naman ganoon kalakas ang enerhiya na nandito. Nanatili lamang akong nakatayo sa unang hakbang ng hagdan at hindi makagalaw.  "Sabi ko na nga ba at hindi talaga siya magtatagal, unang hakbang pa nga lang ay nanigas na ito."  "Kori!"  Agad akong napalingon sa taong sumigaw ng aking pangalan mula sa lumutang na tulay. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti ng makita ang aking kaibigan na si Elfrida na kumakaway. "Si Elfrida 'yan, hindi ba? Magkakilala sila?" Gulat na tanong ng mga tao. Hindi ko na lang sila pinansin at kumaway na rin sa kaniya pabalik. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya, "Bakit para kang timang na naging estatwa diyan?" Magsasalita na sana ako nang bigla na lang magsalita ang isang babae sa likod namin, "Hindi na siya makagalaw dahil hindi na niya kaya ang enerhiya ng susunod na palapag." Sigaw nito at tumawa ng malakas, sumunod naman ang iba pang mga babae at tumawa na rin. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Elfrida rito at humarap sa kanila. "Hindi ba at napaka-hina niya? Unang hakbang pa nga lang ay tumigil na ito." Tugon naman ng babae. Tuluyan na akong lumingon sa kaniya at magsasalita na sana ng makita ko ang naka-kunot na noo ni Elfrida. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kaba dahil sa sama ng tingin nito. "Mahina?" Ulit niyang tanong, hinawakan ko lang ang kaniyang balikat na naging dahilan ng kaniyang paglingon. Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na ayos lang ako, "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" "Bakit? Hindi ba?" Ani ng isang babaeng bagsak na bagsak ang kaniyang itim na buhok. Makapal din ang kolorete nito sa mukha, "Baka nga ay ginagamit ka lang niya para sumikat. Kilala ka na sa buong paaralan, Elfrida." "Anong sinasabi mo?" Galit na tanong nito, "Hindi mo ba alam na mas malakas pa sa akin itong babaeng sinasabi mo na ginagamit ako?"  Hindi na napigilan ni Elfrida ang sumigaw habang masamang nakatingin sa mga taong nasa paligid, "Si Kori lang naman ang taong kasama ko ngayon sa bahay na 'yan. Kung sinasabi mong isa siyang mahina ay pag-isipan mo! Kung tutuusin ay hindi ko kayang tapatan ang lakas ni Kori!" Teka naman Elfrida, masiyado naman yatang grabe iyang paglalarawan mo sa akin. Hindi naman ako ganiyang klaseng tao, hindi ko pa nga gamay ang ibang kapangyarihan ko tapos ganiyan lang ang sinasabi mo sa iba? Ako 'yong nahihiya eh. "Nagbibiro ka ba?" Sigaw ng babae, magsasalita pa sana siya ng bigla na lang humangin ng malakas at kasabay nito ang paglapag ni Athena sa gitna namin. Kasing laki na namin ito ngunit naka-suot lamang siya ng umiilaw na damit. "Anong kaguluhan ito?" Tanong ni Athena. Mabilis na lumuhod ang lahat at bumati sa kaniya. Teka, dapat ba ganito ang pagbati sa pinuno?  "Magandang hapon, Diwatang Athena,"bati nilang lahat. Gulat na mabilis akong yumuko at sumunod din sa kanila.  Normal lang akong nakikipag-usap sa taong nirerespito pala ng lahat. Hindi ko nga maisip na ganito pala ang tamang pagbati sa kaniya eh, akala ko ay hindi. Nakakahiya. "Kori,"tawag nito sa akin. "Bakit po, Diwatang Athena?" Tanong ko at tumayo na. "Huwag mo na akong tawaging ganiyan dahil hindi ako sanay kapag galing sa iyo,"ani nito na naging dahilan ng pagkamot ng aking ulo. "Opo." "Ngayon, anong nangyayari dito?" Tanong nito ulit. Mabilis na tumayo naman ang babaeng kasagutan ni Elfrida kanina at tinuro ako. "Nagbabalak po na umakyat ang babaeng 'yan sa pangalawang palapag na kung saan nakatira si Elfrida." Paliwanag niya, "Sinabihan lang po namin siya na hindi pa sapat ang kaniyang kapangyarihan na umakyat doon, at baka maging lumpo lamang ito. Unang hakbang pa nga lang ay tumigil an siya at hindi makagalaw." Kitang-kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Athena at ilang sandali pa ay sa tingin ko naiintindihan na niya ang sitwasyon. "Mukhang hindi niyo pa kilala ang bago natin,"sabi nito, "Hayaan niyo akong ipakilala siya sa inyong lahat nang hindi na kayo magulat kung pupunta man siya sa susunod na palapag." Sabay-sabay na tumayo ang lahat at nakinig na sa diwata na nasa aming harapan. "Si Kori ay isang baguhan lamang dito sa ating paaralan. Siya ang kasama ni Elfrida sa bahay nito sa pangawalang palapag kung kaya ay huwag na kayong magulat, sa katunayan niyan ay nararapat lamang si Kori sa pinakatuktok ng punong ito pero ayaw niya. Ngayon, huwag na kayong magtaka kung bakit simpleng pumupunta lang si Kori sa itaas, maliwanag?" Paliwanag nito. "Opo." Sabay-sabay na sabi nila na gulat na nakatingin sa akin. Akala ko ba ay hindi dapat namin sabihin sa iba ang tungkol sa sitwasyon ko? Bakit parang ganoon na lang ang nangyayari ngayon? "Diwatang Athena,"tawag ng isang babae, "Ayon kay Elfrida ay mas malakas pa raw si Kori sa kaniya. Tama po ba ito?" Tumingin naman si Athena sa akin at ngumiti, "Iyon ay hindi ko masasabi, malalaman niyo rin sa pagdating ng panahon. Ngayon ay bumalik na kayo sa inyong mga bahay." "Masusunod po." Sabay na tugon namin. Agad kong hinawakan ang kamay ni Elfrida at hinila ito patungo sa itaas. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito dahil ayaw na ayaw kong mapunta sa akin ang lahat ng atensiyon ng mga tao, hindi ako komportable. Ilang sandaling paglalakad ay nakarating na rin kami sa harap ng aming pamamahay. Agad na binuksan ni Elfrida ang pinto at nagmamadali na kaming pumasok patungo sa Sala habang tumatawa. "Kita mo 'yong mga mukha nila nang dumating si Diwatang Athena tapos ipinakilala ka?" Tanong nito at tumawa ng malakas, "Ayan kasi, Kori, lumabas ka rin dito sa bahay." "Hindi ko naman inaasahan na may ganoong klaseng tao pa pala rito." Tugon ko at tumawa lang din ng malakas. "Hay naku!" Saad nito, "Oo nga pala, bakit parang magkakilala na kayo ni Diwatang Athena at ano 'yong hindi siya sanay?" Umayos na lang ako ng upo at nagsimula ng magpaliwanag tungkol doon. "Sa katunayan niyan ay hindi kasi ganoon kung batiin ko ang diwata." Paliwanag ko sa kaniya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD