Monica
Problemado pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ko tutubusin ang pagkakasangla ng bahay namin kung kulang naman ang pera mo sa bangko. Twenty million? Kung hindi lang 'yon mana galang kay Daddy ay ipapailit ko na kaysa naman namomroblema ako kung saan ako kukuha ng perang pambayad. Limang milyon lang ang pera ko. Ang isang milyon pa ay naka-time deposit. Nang tingnan ko ang oras ay alas dos na ng umaga at mulat na mulat pa rin ako. Mabuti na lang at wala akong trabaho bukas kundi ay ngarag na ngarag ako.
Kailangan ko ng kausap. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Alma. Pupungas pungas itong sumagot ng cellphone n'ya.
"This better be good, Monica. Alam mo ba kung anong oras na?" Reklamo n'ya sa akin.
"Sorry na bestie. I need your brains on this one."
"Maka-brains ka, parang ang tali talino ko. Ikaw ang writer. Ano bang problema?" Naghikay pa ito at halatang antok talaga.
"Nakasangla ang bahay," panimula ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Gulat na bulalas n'ya.
"Natalo si Tita sa sugal."
"P*tang*na talaga 'yang madrasta mo puro na lang sakit ng ulo ang dulot sa 'yo. Magkano ba 'yan at baka mapahiram kita."
"Twenty million."
"Ano?! Kahit isangla ko ang puri at kaluluwa ko hindi ako makakalikom ng ganyang halaga."
"Ito na nga, may solusyon na — sana."
"Ha? Bakit sana?"
"Tumawag ang abogado ni Lola kanina pagdating ko dito sa bahay. May pamana sa akin at labis pa para pambayad sa utang," hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim.
"Eh bakit problemado ka pa rin?"
"Kasi para makuha ko ang mana.. kailangan kong mag-asawa. At hindi lang 'yon — manataling kasal sa loob ng tatlong buwan!"
Sukat pagkabanggit ko ay tumawa s'ya ng malakas. "Ni wala kang boyfriend, pag-aasawa agad ang kailangang gawin? Monica, itulog na natin ito."
"Bestie naman.."
"Fine. Si Michael. Hindi ba mataga na s'yang nanliligaw. Sagutin mo at ayain mo na agad magpakasal. Problem solved. Matutulog na ako," halos hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya dahil panay ang hikab n'ya.
"Ano?! Kapag s'ya ang pinakasalan ko, habambuhay akong matatali sa kanya at hindi tatlong buwan!" Ang isipin 'yon ay nagdulot sa akin ng dagdag pang stress. "Alma, seryoso — anong gagawin ko?"
"Fine. May kaibigan 'yong pinsan ko na nagtatrabaho sa dating agency. Hindi ko matandaan ang pangalan. Teka. Hmm.. pink 'yon eh. Aha! Blush! Search mo na lang sa internet at hindi ko ang phone number. Balitaan mo ako ha? Bestie, hindi ko na talaga kaya. Matutulog na ako. Good night!"
"Okay, thank you."
Pagkababa ko ng telepono ay binuksan ko ang laptop at nagtype. Blush Dating Agency. Nasa taas agad ito at ng i-click ko ay may appointment calendar. Swerte! May bakante agad bukas ng alas onse. Nag-fill up ako ng form para mabook ang appointment ko bukas. Makatulog na at panibagong pakikibaka na naman bukas. Pero ang ilap ng antok sa akin at pilit na umaalingawngaw ang pag-uusap namin ni Tita Chandra kanina.
"Mabuti naman at dumating ka na. May pag-uusapan tayong mahalaga," panimula n'ya. Bakas ang stress sa mukha n'ya at pauli uli sa paglakad.
Earlier this afternoon...
"Ano po ang problema? Hindi po sana ako pupunta ngayon dahil katatapos lang ng shooting pero sabi n'yo ay emergency kaya nagmadali ako."
"Emergency talaga, Monica. Natalo ako sa sugal at itong bahay ang ginawa kong kolateral," napatakip s'ya sa kanyang mukha.
"Ano ho? Bakit? Anong nangyari?" Sh*t! Sana naman ay hindi malaki ang ipinusta n'ya.
"Noong una, nananalo ako. Sabi ko, last na. Pero itinaas ng kalaban ang bet at confident ako na mananalo kaya isinangla ko ang titulo ng bahay. Pero na-bluff ako ng kalaban."
"Magkano ho ang sangla?"
"Dalawampung milyon."
"Ho?! Tita, bakit ang laki?" Napahilamos ako sa mukha ko.
"Limang milyon lang dapat kaya lang nahikayat ako na taasan para mas madaming panalo. Hindi ko naman alam na matatalo ako," yamot na sabi n'ya.
Sino ba naman kasi ang may sabi na palaging panalo sa sugal? Kaya nga sugal, kasi pwede kang manalo at pwede kang matalo. Sa kaso ni Tita — talo s'ya. Sh*t! Twenty million? Saan ako kukuha ng halaga na 'yon?
"Monica, paano na tayo? Alam mo namang wala akong pupuntahan," nanginginig ang labi na sabi n'ya. For the first time, nakita ko rin s'yang natakot at mangiyak ngiyak. Nawala ang tapang n'ya.
"Gagawan ko ho ng paraan. Sige ho, tutuloy na ako. Magpahinga na kayo."
Kahit salamat ay wala akong narinig. Hindi rin n'ya ako inihatid sa pintuan. Dapat sanay na ako eh. Ilang last pa ba, Monica? Palagi mo lang sinasagip kaya hindi matuto. Nagpahatid ako sa driver ko pauwi at pagkatapos ay umuwi na rin s'ya sa pamilya n'ya. Tatawagan ko na lang bukas kung may lakad kami.
Kahit wala akong panlasa ay pinilit kong kumain. Mahirap na. Kapag nagkasakit ako ay gastos na naman. Nakikinig ako ng balita pero wala doon ang atensyon ko nang mag-ring ang telepono.
"Hello?"
"Hello, magandang gabi. Monica, si Atty. Salazar ito. Ako ang lawyer ng lola mo. May huling habilin s'ya para sa 'yo. Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot."
Si Atty. Salazar pala ang tawag ng tawag kanina at pinapatayan ko ng telepono dahil tuliro ako sa utang. "Pasensya na po, may kausap po kasi ako kanina. Ano po ba 'yon?"
"Bweno, kailangan kitang makaharap ngayon kahit saglit lang para mabasa ang wull. Nasa bahay ka na ba o shooting?"
"Nasa bahay na po ako. Free po ako ngayon." Wala ako sa mood mag-entertain ng bisita pero gusto ko ng matapos ito.
"Okay, sige. Nasa area din ako. Bigyan mo ako ng ten minutes."
Eksaktong sampung minuto ay dumating s'ya at binasa ang will. Lampas ng isang daang milyon ang mamanahin ko bukod pa ang mga properties at alahas. Pero para makuha ko ito ay kailangan ko ng makasal sa loob ng limang araw pagkabasa ng will.
At hindi lang iyon — mananatili akong kasal sa loob ng tatlong buwan. Sino ang pakakasalan ko? Wala akong boyfriend! At wala pa sa isip ko ang kasal. Career muna bago kasal ang motto ko. Paano ngayon 'to?