CHAPTER 39

1280 Words

In the study room, nasa kalagitnaan si Tyler ng isang video conference nang hindi niya sinasadyang makita ang isang maliit na pigura na nakatayo sa labas ng pintuan. Hinayaan lang niya ito at hindi pinansin. Habang nakatayo naman si Lorraine sa labas ng pintuan nagpalinga-linga siya sa paligid ng ilang beses bago sumilip sa loob. Napansin niyang parang abala si Tyler at nagdadalawang isip na pumasok. Dahil sa abala pa ito, nagpasya si Lorraine na maghintay hanggang matapos ito sa trabaho bago pumasok. Si Tyler naman lihim na inoobserhan si Lorraine kung papasok ba ito o hindi. Nang makita na hindi siya pumasok pagkalipas ng ilang minuto, bahagyang sumimangot siya. At dahil sa napasimangot siya, nagtaka ang taong gumagawa ng report. Naisip niya na baka hindi nagustuhan ang paliwanag niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD