Pagkababa ni Lorraine sa private plane, agad na lumipad ang eroplano pabalik. Mag-isa siyang naiwan sa lugar na iyon. Nakaramdam siya ng takot habang ang mga mata ay nakatingin sa kagubatan. Huni ng ibon at tunog lang ng mga puno na hinahampas ng hangin ang kanyang naririnig. "Virgin Forest ba ito?" aniya habang nakatingin sa malawak at siksik na kagubatan. Ano kaya ang mayro'n dito? May tao kaya sa loob ng gubat? May makakarinig kaya kapag sumigaw ako? Napuno ng katanungan ang isip niya na wala namang kasagutan. Hindi rin alam ni Lorraine kung nasaan ang eksaktong lokasyon niya. Dalawang oras sila sa himpapawid bago nakarating sa lugar na iyon. Umalis sila kanina sa lungsod ay maliwanag pa. Ngunit nang dumating sila sa Death Forest na iyon ay malapit ng dumilim. Lorraine suddenly felt