The next day. Pagkagising, sinulyapan lang ni Lorraine ang nabakanteng puwang sa tabi niya. Dahil ayaw na ayaw din ni Lorraine na makita si Tyler nagkunwari siyang tulog nang maramdamanng nasa kuwarto pa ito. Nang muligan niyang lumabas na ito saka lang siya nagmulat ng mga mata. Pagkabangon ay naligo agad siya, bahagya na rin nawala ang pananakit ng kanyang katawan. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay bumaba na siya. Pagkababa niya, nadatnan niyang kasalukuyang nagmamando si Manang Nympha sa ilang mga maid na linisin ang mga salaming bintana. Sumulyap si Lorraine sa paligid at napansin na walang katulong na nagtatrabaho sa hall, at hindi rin niya napansin si Anna. Huminto sandali si Lorraine bago lumakad papunta kay Manang Nympha. "Manang, gusto ko lang po tanungin kung nasaan si An