Naisip ni Lorraine na sapat na ang kanyang nagupit o nalinis para sa araw na iyon, kaya nagdesisyon na siyang maglakad palabas mula sa taniman ng mga bulaklak. Ngunit sa sandaling tumalikod siya, ay nawalan siya ng balanse at natumba sa mga tanim na bulaklak. "Aray!" Nakasuot lang siya ng damit na maiksi ang manggas. Nang matumba si Lorraine, hindi sinasadyang nasagi ng mga tinik ng rosas ang kanyang braso. Napaaray siya sa sobrang sakit. Ngunit bigla siyang natigilan nang akmang tatayo na siya ng may nagsalita sa bandang likuran niya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" Napalingon si Lorraine sa gawi ng taong nagsalita. Si Tyler iyon at naglalakad na papalapit sa kinaruruunan niya. Agad siyang napatayo. Ang bahagi ng kanyang katawan na tumambad ay natusok ng mga tinik ng rosas, ngunit tiniis n