Nang makarating sila sa Incheon City South korea, naramdaman ni Lorraine na kumakalam na ang kanyang sikmura—ni hindi kasi sila tumigil para kumain man lang. At masakit din ang katawan niya dahil sa ginawa ng dalawa sa kanya. Kahi pa kasi bumagal ang takbo ng sasakyan, pinili pa rin nina Rocco at Ronald dumaan sa baku-bakong kalsada para pahirapan siya. Nang makalabas si Lorraine sa kotse, napagtanto niya na hindi pala tumuloy si Tyler sa isang hotel, kun’di sa isang magarang villa. "Babaeng ignorante nga naman." Pagkababa ng kotse, hindi napigilan ni Ronald na asarin si Lorraine nang makita na nakatulala ito habang nakatingin sa villa. Narinig iyon ni Lorraine at nagpanting ang kanyang tainga. "Ronald, hindi mo ba maitatago ang ilang kasamaan na lumalabas sa bibig mo? Kailangan ba mag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books