At seven o'clock in the evening, Rommel punctually came to pick up Lorraine at the villa. Pagbukas ni Lorraine ng pintuan ng kotse, isang guwapong mukha na kasing talas ng isang kutsilyo ang tingin ang sumalubong sa kanyang paningin. Saglit na natigilan si Lorraine. Hindi niya inaasahan na darating si Tyler at susunduin siya. Kanina lang, sinabi nito na iuutos na lang nito kay Rommel na sunduin siya at ihatid sa venue ng banquet. Kaya ang expect niya ay hinid na ito uuwi ng villa. Sa sandaling makita naman ni Tyler si Lorraine, isang pahiwatig ng pagkamangha ang sumilay sa kanyang mga mata. Nakasuot si Lorraine ng isang mahabang asul na damit na bumalot sa magandang hubog na katawan nito. Lalong tumingkad at pantay at makinis nitong kutis na tila niyebe sa puti. Nagmukha itong isang mod