2

1171 Words
Si Sophie Alcazar Paige ay ang nag-iisang anak ni Solomon at Josephine Paige. Nasa huling taon na ito sa kursong Business Administration sa isang tanyag na university ng bansa. May taas siya na 5’ 6”, balingkinitan ang katawan nito, mestisahin ang kanyang kutis na namana pa niya sa kanyang ama. Mabilog ang mata na maihahalintulad sa manika at kulay asul ang mga ito. Kaya mas lalong agaw pansin ang ganda nito. Ang perpektong ilong nito na tila sinadyang nililok para bumagay sa maganda niyang mukha. Ang mga labi nito na hindi manipis at hindi rin makapal na namumula kahit walang ipahid na kung anuman. At ang pinakamaganda sa mukha ng dalaga ay ang maganda nitong mga ngipin na kapag ngumiti ay maaakit kang pagmasdan ito. Napaka-sincere ng mga ngiti nito kaya makikita na isang mabait, mapagmahal, at masayahin ang dalaga. Magaling din itong gumuhit at magpinta. Minsan na itong nagkaroon ng exhibit noong 18 years old ito. Mahusay din siya pagdating sa pag-aaral. Kasama lagi ito sa mga nangunguna sa kanilang klase. Excited itong gumising dahil ngayon ilulunsad sa mercado ang toothpaste na gawa ng kanilang company. “Good morning, hija!” bati sa kanya ng kanyang Mama habang pababa ang dalaga sa mataas nilang hagdanan. “Good morning, Ma! Where’s Papa?” sambit nito at nagpalinga-linga pa para hanapin ang kanyang Papa Solomon. “Nasa library, hija. May mga kausap lang na tao para mamaya sa gagawing launching ng toothpaste.” Ani ng Mama nito. “Excited na ba ang princess namin?” tanong pa nito sa dalaga. “Excited and nervous, Ma! But I can handle it naman. Mamaya ay mawawala rin itong kaba ko.” Sagot ni Sophie sa kanyang Mama para mawala rin sa isip nito ang pag-aalala. “Kumain ka na muna at pagkatapos ay mag-ready ka na rin. Dadating na ang mag-aayos sa iyo para sa event mamaya.” Saad ni Mrs. Paige sa anak. “Okay po Ma!” sagot muli dito ng dalaga. Araw ng launching ng Sophident, na pinangunahan ni Sophie Paige bilang opisyal na endorser. Ang Sophident ay ang brand name ng toothpaste na inilabas ng Paige Enterprises na pagmamay-ari ng mga Paige. Ang pagpoproduce nila ng toothpaste ay inspired sa ganda ng ngipin at ngiti ng nag-iisang anak ni Solomon Paige, ang kilalang business tycoon ng bansa. Sa Mall na pagmamay-ari rin ng mga Paige gagawin ang launching ng Sophident. Nakakalat na ang mga bodyguards ng pamilya Paige. Pag-iingat lamang ito dahil maka-ilang ulit na rin nakakatanggap nang death threat ang ama ni Sophie, na si Solomon. Hindi bago sa mga bilyonaryo ang kidnapping, pwede rin mga kalaban sa mga Negosyo o di kaya ay mga taong sadyang halang ang mga bituka ang may gawa ng pananakot. Kahit sino man ang nagpapadala ng mga menssahe ay hindi ito pinagwawalang bahala ni Solomon Paige, lalo na’t madalas ang anak niya ang ginagamit na panakot. Kailangan niyang ipakita na normal lang ang lahat. Malaki ang tiwala niya sa kanyang mga kinuhang bodyguards na magbabantay sa dalaga at sa kanilang buong pamilya. Bago ilunsad ang produkto at ipakilala si Sophie ay may mga palarong ginawa at ang paprenyo ay ang mga produkto ng Paige Enterprises, kasama na ang bagong produkto nilang toothpaste. May inanyayahan ding celebrity para magbigay ng special numbers at maaliw ang mga tao habang hinihintay ang tamang oras para ipakilala ang bagong produkto at ang endorser. Tinawag ng emcee ang isang sikat na singer para ito ay umawit. Isang sikat na kanta ang inawit nito I had a feeling that you're holding my heart And I know that it is true You wouldn't let it be broken apart 'Cause it's much too dear to you Forever we'll be together No one can break us apart For our love will truly be A wonderful smile in your heart When the night comes And I'm deep in your arms How I feel so much more secure You wouldn't let me close my eyes So I can see you through and through You're a sweet tender lover We are so much in love I'm not afraid when you're far away Just give me a smile in your heart You brighten my day Showing me my direction You're coming to me And giving me inspiration How can I ask for more From you, my dear? Maybe just a smile in your heart I'm always dreamin' of being in love But now I know that this is true Since you came into my life It's true love that I had found I pray that you wouldn't leave me Whatever may come along But if you do I won't feel so bad Just give me a smile in your heart You brighten my day Showing me my direction You're coming to me And giving me inspiration How can I ask for more From you, my dear? Maybe just a smile in your Maybe just a smile in your heart You brighten my day Showing me my direction You're coming to me And giving me inspiration How can I ask for more From you, my dear? Maybe just a smile in your heart Give me a smile in your heart Matapos ang kanta ay may bumulong sa emcee, ipinapaalam dito na dumating na ang pamilya Paige at kasama nito ang endorser ng toothpaste na si Sophie Paige. “Ladies and gentlemen, meet Sophie Paige, the radiant and charming daughter of business tycoon Solomon Paige, With her dazzling smile and infectious personality, Sophie is the perfect ambassador for Sophiedent, the newest and most advanced toothpaste in the market. As a beauty and wellness enthusiast, Sophie embodies the values of Sophiedent: confiedence, radiance, and a passion for life. Her sparkling smile and flawless teeth are a testament to the effectiveness of Sophiedent.” Ani Emcee. Iniabot nito kay Sophie ang microphone at ito naman ang siyang nagsalita. “I’m thrilled to partner with Sophident. Their commitment to oral health and beauty aligns with my own values, and I’m excited to share this amazing product with everyone!” pahayag ng dalaga sa libo-libong manonood ngayon sa mall. Muling nagsalita ang emcee, “Join Sophie Paige in experinecing the Sophiedent difference. Try it now and discover a brighter, healthier smile!” challenge ng emcee sa mga saksi sa launching. Kumakaway pa si Sophie sa mga tao na nasa Mall nang biglang makarinig sila ng mga putukan. Agad na nagsi-akyatan ang mga bodyguards ng pamilya Paige para mailigtas ang mga ito. Ang emcee ang nagkaroon ng tama sa balikat nito. Sinigurado munang secured ang pamilya Paige. May mga tauhan naman ang naghanap kung sino ang nagpaputok sa dalaga. Nahirapan sila dahil nagkakagulo na rin ang mga tao na kanina lang ay masaya habang pinapanood ang mga performances. Ang masayang lugar kanina ay nagmistulang nakakatakot dahil hindi nila alam kung sino ang kalaban, at kung saan ito nakakubli kanina. Mabilis kumalat ang balita dahil naka-live rin ang naturang launching. Sa ngayon ay safe ang pamilya Paige, iyon ang inanunsyo sa balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD