Jane POV "M-Maawa ka huwag niyo siyang kunin parang-awa niyo na!" Hawak ko ang ang damit ng lalake, nagmamakaawa ako para sa isang mahalagang tao na pinipilit nilang ilayo sakin hindi ako papayag. Siya na lang ang nagpapasaya sa'kin siya na lang ang natitirang rason para 'di ako mawala sa katinuan siya na lang pero itong binabalak nila ay 'di makatarungan. "Tumigil ka! 'Di nababagay sayo ang batang 'to! 'Di ka niya matuturing na ina! Madumi kang babae airah kahit ang mama mo ay sumang-ayon na, bayad na bayad na ang lahat. Kaya wala kanang magagawa." Umiling ako hindi. Matatanggap kong yurakan nila ang pagkatao ko pero itong husgahan nila ang mga kakayahan ko ang mga kaya kong gawin para sa anak ko hindi na tama sobrang sakit no'n. Kaya 'di ako papayag, dugo at laman ko din ang bata