Jane POV
"Ma'am grabe ang aga mo naman ata ngayong araw? Mukhang excited po kayo para sa araw na 'to." I smile to my co-teachers. Tama rin naman ito sa sinabi nitong excited akong masyado na pumasok sa paaralan kasi kahit wala namang naka-schedule na klase ngayon ay ang aga kong nakarating sa school sa kadahilanang 'di ko kasi mapigilan ang hindi magmadali kasi mahalaga ang araw na ito para sa'kin at para sa school pero ewan ba bukod doon ay sa 'di malamang dahilan ay 'di rin ako mapakali kasi parang may mangyayari sa araw na ito na hindi ko alam kung magugustuhan ko o hindi pero isa lang ang alam ko sobra ang kabog ng puso ko.
Pero baka nag-aasume na naman ako ng kung ano-ano and maybe I am just excited 'yun lang 'yon
"Hmm masasabi ngang excited ako para sa magdodonate sa school natin kasi sa wakas 'di na mahihirapan ang mga bata may dahil mga bagong libro na silang magagamit at mga komportableng upuan." Yes I am a teacher, at goal ko ang matulungan ang mga estudyante na makakuha ng kaalaman na nararapat para sa kanila at 'yung makabuo sila ng pangarap dahil masaya kong iisipin na naging parte ako sa pag-abot ng mga pangarap nila.
Ngunit sa totoo lang ay naaawa na ako sa kalagayan ng mga bata rito sa paaralang tinuturuan ko. kasi nasa malayong probinsiya kasi ang lokasyon at minsan 'di na naaabutan ng tulong ang paaralan mula sa gobyerno. Hindi na rin kami naswe-swelduhan pero okay lang naman at least nasa malayo ako at saka masaya na rin kasi kaming lahat ng mga guro rito dahil ginusto lang naming makatulong sapagkat alam namin sa sarili namin na nasa puso na namin ang pagtuturo. Noong una inayawan ko pero sa huli nasabi ko rin na kakalimutan ko muna ang dahilan na pumipigil sa'kin at isa pa naisip ko na iba ang sitwasyon ko ngayon sa dati kaya ito pinagpatuloy ko ang pagiging guro.
Saka panatag ako sa desisyon ko lalo na't noong dumating ako sa lugar na 'to ay wala akong kakilala 'yun ang importante, ang walang magdidikta at walang manghuhusga sa'kin at pang huli masaya na ako kasi makakapagsimula akong muli na walang dumi, isa pa mababait ang mga tao rito.
Ang mga magulang nga ng mga bata ay minsan binibigyan kaming mga guro ng mga gulay o prutas bilang pasasalamat sa pagturo sa mga anak nila kaya masaya na rin kasi kahit sa simpleng paraan alam naming napasaya namin sila.
Saka sa gabi, sabado't linggo na kaming mga guro nagtratrabaho para magkakita at para may perang pang tustos kami sa pangangailangan namin
Ilang ulit na rin namin sinubukan humingi ng tulong sa gobyerno upang buhayin muli ang paaralan, 'yung mapaayos ito at malagyan ng iba pang mga gamit na kailangan at 'yung madagdagan ang mga guro lalo na't anim lang kami rito na sadyang kulang na kulang. Ngunit wala pa kaming natanggap na sagot pero ngayon ay masaya kaming mga guro dahil sa wakas may mabuting tao ang handang magdonate para sa mga bata.
"Ayy naku tama ka riyan ma'am Jane, kanina halos mapunit na ngiti ni Miss Asuncion at 'di rin mapakali kanina pa hinahanda ang isang maliit stage sa ginawang tila auditorium nina mang Karding last week." Si Miss Asuncion, ay isa sa mga guro na kasamahan namin at siya ang tila pinuno na namin rito isa pa kaibigan ko rin ito, at masyado itong malapit sa mga bata sa kadahilanang 'di ito nagkaanak na naging sanhi upang iwan siya ng asawa niya ngunit imbes na magmukmok ay naisip nitong tumulong na lamang kaya idolo ito ng lahat.
"Good morning Jane at Mory alam niyo ba rinig kong isang mayamang tao ang makikilala natin, isang negosyante na mahilig maglibot ng pilipinas para lang mag-abot ng tulong sa bawat eskwelahan. Ewan nga kung anong trip ng taong iyon pero ang bait niya para gawin ito para siyang nagtatapon ng pera naku iilan na lang sa mga mayayaman ang nakakagawa ng ganito. At rinig ko baka gurang daw pero mayaman naku!" Sabi ng kadadating lang na si Angel isa ko ring kasamahan at as you can observe madaldal po ito at mahilig sa mahkwento.
"Talaga? Kaya pala aligaga si Miss Asuncion sana nga matulungan talaga tayo ng kung sino mang taong 'yun." sumang-ayon ako sa sinabi ni Mory knowing those rich people kaonti na lang ang totoong tumutulong meron kasi pakitang tao at minsan may hinihingi pang kapalit.
"Hmm sa pagkakaalam ko bibisita ito ngayon upang titingnan ang buong paaralan para matingnan kung ano yung kulang so ibig sabihin.." Pabitin na sabi ni Angel kaya napangiti ako at ako ang nagpatuloy.
"Ibig sabihin hindi lang upuan at libro ang maaari nitong itulong at I-donate." Napasipol si Angel at sinuntok ng mahina ang braso ko na kinangisi ko.
"Tumpak ka doon my friend."
Habang si Mory ay nanlalaki ang mga mata pinoproseso ang mga sinabi ko.
"Talaga? Naku malaki nga ang tulong na ito. Anong oras ba dating no'n?" Untag ni Mory kaya tumingin si Angel sa cellphone nito.
"Mga sa tingin ko----" 'Di natapos ni Angel ang sasabihin ng sumulpot sa likuran niya si Miss Asuncion.
"Girls hali na kayo dadating na ang bisita, Angel at Mory mauna na kayo naghihintay na ang iba doon tulungan niyo na rin sila sa paghahanda at pagwelcome sa mga magulang ng mga bata dahil inimbitahan ko kasi ang mga ito para sabay-sabay natin marinig ang magandang balita pero Jane maiwan ka muna may pag-uusapan tayo." Nanlalaki ang mga mata nina Angel at agad na nagmamadaling lumabas.
"Tek---" s**t putek naiwan ako rito? Saka sa pagkakaalam ko ang aga pa kaya paanong nandito na ang bisita? saka pakiramdam ko mas bumibilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ata ako sa pag-uusapan namin. Ano na naman kaya ito may mali ba akong nagawa? May nalaman ba siya? Bakit seryoso ang mukha nito?
"Jane 'di ko akalain na ang agang dumating ng panauhin natin. Buti ay natapos na ang paghahanda sa stage dapat e' mga 8 am pa ito pero nandito na ito e' tapos 7:23 pa lang." Biglang napalitan ang kaseryosohan nito ng pag-alala at 'di mapakaling expression. Kahit ako tila matataranta ring, iniisip ko kasi kung ano ang posibleng kahihinatnan ng pag-uusapan namin.
"Pero handa na naman ata ang lahat---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hawakan nito ang dalawa kong kamay kaya mas kinabahan ako
"Jane hihingi sana ako ng pabor, dahil sa ating lahat ikaw ang mas magaling pwede bang ikaw ang sumama sa paglibot ng ating panauhin? Habang kaming lima ay mauuna na sa bahay ni mang Eloy kasi aayusin namin ang maliit na lugar kung saan magaganap ang isang maliit na salo-salo. Isa pa pagkatapos nito ay sasabay ako sa mga magulang ng mga bata sa pag-uwi dahil pupunta pa ako sa barangay hall at may aayusin ako." Sinasabi ko na nga ba, ito na ang kinakatakutan ko. Ayokong umoo kasi kinakabahan ako. Alam ko rin kasi na taga manila ang tutulong sa paaralan at natatakot ako na baka makilala ako ng taong 'yon at malalagay ng ulit ako sa masamang sitwasyon
"I-I'm sorr--"
"Please Jane kahit ngayon lang para sa mga bata Jane dahil alam kong magagawa mo iyon saka ikaw ang inaasahan ko." s**t! How can I say no! Ayoko na muli malagay sa sitwasyon na ganito all I want is to create a distance away from my past at sa mga bagay o taong magpapaalala sa'kin sa dati pero mukhang mahirap gawin iyon.
"M-Miss Asuncion h-hindi ko po magaga--"
"Please Jane ito na ang huli mahalaga talaga ito para sa'kin baka ito ang tutupad sa mga pangarap ng mga bata at ng school at ikaw ang pinagkakatiwalaan ko." Napabuntong-hininga ako alam kong malaki ang bagay na ito at hindi ko na alam kung paano tumanggi pero wala naman akong dapat ikatakot 'di ba? Hindi naman ako mapapabalik sa nakaraan 'di ba? Saka para ito sa mga bata kaya dapat i-konsidera ko na lang kahit pa basagin ko ang pangako ko sa aking sarili.
"O sige gagawin ko." I finally say kaya mahigpit akong niyakap ni Miss Asuncion
"Salamat Jane." Sabi nito bago bumitaw at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik.
"Walang anuman pero teka saan ko siya unang dadalhin?" Tanong ko rito kasi sa totoo lang hindi ko alam kung anong una kong gagawin kinakabahan talaga ako.
"Rito mo na lang siya hintayin sa office kasi alam naman natin na ito lang ang building na medyo maayos." Tumango ako sa sinabi nito at isa pa wala na rin naman akong magagawa.
"Salamat talaga Jane." She said smiling knowing na nanalo ito pero hindi na lang ako mag-iisip ng kung ano-ano ang importante ay ang makatulong ako, malaki rin naman ang mundo tiyak hindi 'yung mga iniiwasang tao ang makikita ko.
'Tama just think of something better tulad ng mga ngiti ng mga bata 'yun ang dapat at yun ang goal ko ngayon.'
"Don't worry hindi ko kayo bibiguin sisiguraduhin kong mapapaayos natin ang school." I said assuring her na hindi ko sisirain ang nasimulan namin dahil lang sa negatibong mga naiisip ko.
"Salamat Jane mauuna na ako just wait here okay? Ihahatid ko lang siya rito." Again I nodded kaya ngumiti ito muli at naglakad na palabas ng pintuan. Iniwan akong tila mauupos na kandila. Again inaatake na naman ako ng negatibong mga salita,
Ano ba ang sasabihin ko?
Teka paano kung---
Arggh! Bahala na nga
I tried making myself busy sa pamamagitan ng pag-practice ng mga sasabihin ko lalo na't bigatin ang makakausap ko kaya dapat handa ako.
"So good morning Mr. as you can see madaming mga sirang upuan at---s**t hindi ba ako mukhang demanding? Para kasing nagiging sobra 'yung pagsasalita ko. Okay Erase now Jane you can do this you can." Palakad-lakad ako at pinipilit na pakalmahin ang nerbyos na nararamdaman ko.
"Ahm sir, nagmamakaawa po ako---f**k hindi rin tama." I can't show him how vunerable I am dapat ipakita kong professional ako but also I need to show him na kailangan ng school ng tulong but s**t saan ko nalagay ang utak ko bakit 'di ako makapag-isip ng tama?
"Good morning sir, this school is build beause of two goals, to achieve the better knowledge and the children would conquer their dreams and best future. But as you can see this school is failing in many terms because of many reasons such as---"
"Jane,"
"Ayy palaka!" Sigaw ko nang biglang may narinig akong boses mula sa likod ko or mula bungad ng pinto.
Biglang namayani ang katahimikan shemay rumehistro sa utak ko ang boses na 'yon
"Salamat Jane mauuna na ako just wait here okay? Ihahatid ko lang siya rito."
Oo nga pala iniwan ako rito so ibig sabihin?
Shit! Ni hindi ko magawang lumingon dahil sa takot o kaba did I just ruin everything kahit 'di pa man ako nagsisimula.
"Aherm!" Muntik akong uli mapalundag sa gulat.
"A-ahh M-Mr--I m-mean pasensya na po kayo--"
"NO!" I shouted at mukhang napalakas ata wala e'. Naisip kong
hindi iba ang dapat lilinis ng kamalian ko kundi ako.
I gritted my teeth, at sinubukang tumayo ng maayos at humarap habang nakahanda ang ngiti ko.
"Ako dapat ang magsorry para sa..." Parang hindi makaproseso ang utak ko sa aking nakikita kahit ito ay nagulat din para akong matutumba at tila nandidilim ang paningin ko.
"N-No.." Nanghihinang sambit ko gusto kong isipin na hindi totoo 'tong nakikita ko pero hindi-hindi ako namamalikmata.
This beast wala pa rng pinagbago siya pa rin ang dating nakilala ko, nothing change.
And now his same smirk is starting to carve on that sinful lips.
Just seeing it again ay tila nawalan ako ng hininga at tila umiikot ang mundo ko and then there.
Niyakap ng buo kong katawan ng panghihina at kadiliman.