ROUTINE
Chapter 1
Its already 5:30 in the morning ng tumunog na ang alarm clock ni Jillian. Araw- araw naka set yon ng ganon kaaga para iwas late sya sa trabaho dahil sa traffic. For three consecutive years of her work never pa siyang na late sa kanyang pagpasok. Kaya naman ganun nalang ka proud sa kanya ang kanyang mga ka office mate at syempre, pati narin ang kanyang boss na si sir Steven.
Sino ba naman kasi ang hindi mai inspire na pumasok lage ng maaga kung lagi mo namang makikita ang taong pinaka nagpapaganda ng araw mo sa umaga. He is her inspiration sa lahat ng kanyang ginagawa. Kahit gaano pa ka busy lge ang araw niya at kahit gaano pa siya ka pagod sa trabaho makita lang niya ito, buo na lagi ang araw niya.
Sa trabaho then sa bahay, this is her daily routine. Every weekend ang kanyang day off na siya namang binubuhos niya para sa pagpapahinga at paggawa ng kanyang mga gawaing bahay. Kagaya ng paglalaba, paglilinis, pamamalengke at pag gro grocery. Mag isa lang siya sa bahay, but she still manage to keep everything right, para sa kanya, sanayan lang naman yan. Although there are times that she wish to have someone with her to make her day more special. May mga gabing nangangarap din siyang sana pag uwi niya ng apartment may isang taong masayang sasalubong at maghihintay sa kanyang pagdating. But everything was just a dream, hindi na siya umaasa pa dahil alam niyang imposible ito sa estado niya.
Bakit ba naman hindi, eh nainlove lang naman siya sa isang gwapo at mayamang lalaki na hindi niya kayang abutin. He is Steven de Villa, the boy next door ika nga, gwapo, may ipagmamalaki at pinipilahan ng maraming kagaya niyang nangangarap makuha ang atensyon nito. Sa lahat ng lalaking nakilala at nakita niya, dito siya nahulog ng husto at na obsessed. Walang araw na dumaan na hindi niya ito pinagpantasyahang kanya lamang. Lingid sa kaalaman ng binata ang damdamin niya para rito. She always manage to keep herself well compose pag kasama niya ito sa office, ayaw niyang ipahalata dito ang pinaka tagu tago niyang sekretong pagtingin rito.
Ayaw niyang baka mag iba ang pakikitungo nito sa kanya at baka ipalipat pa siya sa ibang department o kaya namay paalisin sa trabaho pag nalaman nito ang totoo niyang damdamin para rito. Kaya mas minabuti niyang ilihim nalang ito at hayaang nalamang ang pusong mahalin lng ito ng lihim, alam rin naman niyang malabo din namang mapansin siya nito bilang isang babae. Para kanya mabuti narin naman ang ganito, at least hindi complicated ang lahat. Isa pa, may mga pangarap pa siyang gustong matupad kaya kailangan niyang mag ipon.
"Good morning sir" masiglang bati ni Jillian sa kararating lang niyang boss.
"Good morning too miss Castillo." bati ni Steven sa kanya na siya naman kinakilig niya. Eh, anong magagawa niya ganun talaga sya kababaw pagdating sa boss niyang sobra niyang crush o mas tamang sabihing lihim niyang iniibig.
"Ang aga mo ah, naunahan mopa talaga ako sa pagpasok. You really impress me Miss Castillo...as always..."
"Syempre naman sir para maaga ko kayong makita diba?" bulong ni Jillian sabay abot ng coffee nito.
" What did you just say? " naguguluhang tanong sabay kunot ng noo nito. Alam nito na mayroon siyang ibinulong ngunit hindi nito mawari kung ano talaga yon.
"Ah,wala po sir ang sabi ko po inumin nyo na po yong coffee nyo baka lumamig pa. And by the way, here's your schedules for today sir."
"Kung wla napo kayong itatanong at iuutos babalik napo ako sa table ko para tapusin yong mga paper works ko for the presentation."
" Ok, you may go now." anito ng hindi siya tinatapunan ng tingin
Yun lang at bumalik na siya sa kanyang table para tapusin ang kanyang paper works sa araw na ito. Sa sobrang dami ng kailangan nilang tapusing trabaho sa araw na ito paniguradong aabutin nanaman sila ng mahabang oras bago ito matapos. Sobrang hectic talaga ng schedule nila ngayon dahil sa deadline ng presentation na dapat nilang habulin.
At the end of the month kasi, kailangan na nilang i intoduce ang kanilang latest designs sa market. Jillian is working in a prestigious company that introduces latest, luxurious yet fashionable and trending apparels in the market. No wonder it is one of the most leading and competitive brand of apparel in the said industry.
Masyado silang mabusisi at very strick sa quality ng kanilang product bago paman ito mailabas sa market. Kahit na sa pagpili ng mga models na mag iindorse ng kanilang bagong lines ay talagang hindi basta basta. Kaya naman kapag ganitong may bago silang ilalabas talagang walang paglagyan ng ka busyhan sa buong department. Ang lahat ay tutuk na tutuk .
" Miss Castillo, hindi ka paba mag la lunch its late?" maya mayay tanong nito.
" Yes sir, tatapusin kolang po ito kunti nalang naman po itong i encode ko." sagot ko dito
"Ok, make sure you'll have your lunch ok, marami pa tayong gagawin baka himatayin kanalang bigla." litanya nito
" Ok, copy sir. How about you sir, would you like me to order some food for you at the cefeteria?"
" No need to, I'm meeting someone kaya doon na ako mag lalunch. Basta take your lunch ok?"
" Yes sir"
***Lunch break***
"Hey jillian, dito kana oh," kaway ng kaibigan niyang si Hazel, while pulling a seat for her.
Hazel is one of her closest friend in the office madalas silang magkasama pag lunch time, at paminsan minsan nagkakasabay din sa pag uwi. Yon ngalang ay medyo madalang na niya itong makasabay dahil sa sobrang ka busyhan niya. Lumapit naman siya agad sa kinaroroonan nito at nginitian ito.
" Mabuti naman at naisip mong mag lunch" ani Hazel.
"Hay naku, alam mo naman si sir kahit naba sobrang busy namin ayaw non na mag skip ako ng meal." sagot niya.
" Ang sweet talaga ni sir noh, pero mas sweet parin talaga if he join you for lunch." tukso nito.
"Gaga, hinaan mo nga yang boses mo baka may makarinig sayo jan." saway ko
"Eh, ano naman para namang hindi pa halata ng lahat yong secret feelings mo kay sir. Kasi naman to si sir Steven eh, masyadong manhid."
"Aray!...para saan yon?"kurot ko sa kanya sa tagiliran para magtigil.
"Tama na yang panunukso mo kumain nanga tayo puro ka kalokohan."
Tumalima naman ito at agad ng nagsimulang sumubo. Sa lahat ng kakilala ko sa kompanya tanging si Hazel lang ang nakakaalam ng secret feelings ko para sa boss ko at sa kanya lang din ako nagku kwento ng mga bagay bagay tungkol sa buhay ko. Si Hazel kasi yong unang kaibigan ko dito sa kompanya simula ng pumasok ako dito hanggang ngayon.
Madali nalang kaming naging magkasundo dahil narin sa marami naming pagkakatulad at mga parehong gusto, maliban nalang sa sobra nitong bulgar magsalita at very liberated mag isip. Pero pagdating sa ibang mga bagay lalo na sa pagkain pareho kami ng gusto.Dati kona siyang nakasama sa apartment ko pero ng mag decide na siyang lumipat sa condo ng boyfriend niyang si Mark ay napilitan kaming maghiwalay.
Kahit magkahiwalay na kami ng tinutuluyan hindi pari naman namin nakakalimutang magkamustahan, magkwentohan o magtext sa isat isa. Noong una talagang nanibago ako ng mag isa nalang ako pero di naglaun nasanay din naman ako.
"By the way kamusta kyu ni Mark?" pagsisimula ko.
"Ayon ok naman ganun parin sweet at laging akong dinidiligan sa gabi..." umandar nanaman ang pagkabulgar nito. Wala nang akong nagawa kundi umiling dito.
"Ikaw naman kasi kelan kaba magboboyfriend ha, hindi kana bumabata kaya 'wag kukupad kupad." dagdag nito.
"Hay naku, heto nanaman tayo,anong gusto mong gawin ko eh, sa walang may gusto sakin eh"...sagot ko.
"Gaga! eh sino bang maglalakas loob na mangligaw sayo, eh napaka pihikan mo. Wala kanang ibang nakitang ibang lalaki sa mundong 'to kundi yang si sir Steven. Diyos ko naman besh, magbukas kanaman ng pinto para sa ibang adan. Ang tagal munang crush yan hindi kamanlang pinapansin, alam mo naman yang mga mayayaman at ganyang ka gwapong mga nilalang eh masyadong mataas ang mga standards nyan." mahabang sermon nito.
”Anong akala mo sa pakikipag relasyon karera? hay naku, sa dami ng trabaho ko maiisip kopa bang isingit yang kalokohang yan?At saka hindi naman ako hibang para mag ambisyon na isang araw eh mapapansin din niya ako noh, sapat na sakin yong ako lang ang may alam sa aming dalawa ng damdamin ko sa kanya." sabi kopa
”Ay taray, ang martir ng pag ibig mo girl. walang mararating yan. Kung ako baka inakit kona yan o di kaya namay ginayuma,malay mo baka umipik diba?" maarte nitong sabi.
"Ewan ko sayo?" yon nalang at hindi kona sya kinontra pa.
Kapag ganun kasi ang topic namin lage nalang akong walang maikontra sa mga sinasabi niya.Matagal niya na kasi akong niyaya na makipag blind date para naman kahit papaano ay magka boyfriend na pero wala kasi talaga akong hilig at saka ayaw ko talaga sa mga ganun malay koba kung anong klasing tao pa ang makilala ko. Ewan ko ba, pero talagang matindi ang tama ko kay sir Steven. If I were given a chance to be with him talagang hindi na ako mag iisip pa. Baliw nanga yata ako kung iisipin, pero wla akong pakialam. Ang alam ko lang nagmamahal ako at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Hibang na kung hibang pero hindi ako titigil sa pagmamahal sa kanya kahit paman alam kong baka wala ring marating ang pagmamahal ko sa kanya. Anyway, wala naman akong sinasagasaang ibang tao, single siya at ganon din naman ako. Saka lang siguro ako titigil sa pagmamahal ko dito pag tumigil narin sa pagtibok itong baliw na baliw kong puso sa pagmamamhal sa kanya.
Kung kaya ko lang sabihin dito ang nilalaman ng puso ko ay matagal konang ginawa. Pero kahit naman patay na patay ako dito ay hindi ko naman siguro kayang ibaba pa ng ganon ang sarili ko. Mahal ko ito pero iniingatan ko parin ang aking dignidad sapagkat yon na lang ang tanging maipagmamalaki ko sa aking sarili at sa ibang tao.