Kabanata 17 Choice Unti-unting huminto ang kotse ni Alas sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na nagawa pang balikan ang sasakyan ko sa Ayala Triangle Gardens dahil nagdesisyon si Alas na ihatid na ako mismo rito pagkagaling kay Kris. Ang sabi niya ay ipapakuha na lang daw niya roon. Tumanggi ako. Sinabi kong ako na lang o 'di kaya ay si Zadriel. Baka mamaya ay magkaroon pa ako ng utang na loob sa kaniya. "Gusto mong bumaba? You can have your lunch here." I said without looking at him. Nasa harapan ng daan ang mga mata ko, mas gusto na lang na doon tumingin kesa sa kaniya. "Is that your way of thanking me?" he chuckled. "Bakit naman kita pasasalamatan? I didn't ask you to punch him. I can do it myself." Kahit na ang totoo ay paraan ko na rin ng pasasalamat ang imbitahan siyang kumain