LEXXIE MAY kinapa siya sa bulsa niya kapagkuwan na telepono at may hinanap doon. "Do you know him?" Napatitig ako sa litratong pinakita niya. "Z-Zale," usal ko sa pangalan ng kaibigan nang makitang nakahiga siya sa isang hospital bed at may tubo ring nakakabit. "W-what happened to him?" "That night, I saw you two. You two share the same ring. Is he your husband?" "Y-yes," wala sa sariling sagot ko. Napapikit din ako. Kailangang panindigan ko na lang ito. Si Ian ang nasa isip ko nang sabihin kong may asawa ako. Pero hindi ako makakapaniwala kasi sa pinakita niyang litrato. Mukhang nasa panganib si Zale! Paano kung may gawin siyang masama kay Zale? Dahil na naman ba sa akin may mawawala na lang bigla sa mundong ito? "L-look. I know you know me a lot. But it's your fault! You kidna