LEXXIE
MABILIS akong tumayo nang i-dismiss kaagad kami ni Sarhento Ignacio. Bitbit ko ang folder sa report na diniscuss ng isa sa mga kasamahan ko.
“Maiwan ka muna, PO1 Becker.”
“Ho?” gulat na sabi ko nang marinig ang sinabi ni Sarhento Ignacio.
“May pag-uusapan lang tayo saglit.”
Nagpaiwan nga ako. Naupo na rin ako isang upuan mulasa upuan niya. Usually nasa dulo ako kapag may meeting na ganito.
“‘Yong tungkol sa request mo, kailangang pa raw ipa-approve kay Director General.”
“What? Why? Hindi po ba pwedeng si Chief ang mag-decide?”
“Kung si Chief lang, pumayag na siya. Kita naman namin ang dedikasyon mo sa trabaho dito at kagustuhang ma-assign sa iba. Pero kabilin-bilinan ni Director na lahat ipaalam sa kan’ya pagdating sa ‘yo.”
Napabuntonghininga ako nang marinig iyon.
“Kausapin ko po si Tatay mamaya. I’m sure papayag naman ‘yon.” Tumango si Sarhento sa akin.
Actually hindi ko pa na-open ito kay Tatay. Mula kasi nang magtrabaho ako dito sa istasyon kung saan siya dati na-assign ay sa loob lang ako ng opisina. Pakiramdam ko walang thrill kapag nandito sa loob. Makakalabas man kapag tapos na ang misyon nila at kailangan ng serbisyo ko.
Tumayo ako at sumaludo kay Sarhento bago ako umalis. Marami pa kaming napag-usapan. May sinabi rin siya sa akin na baka i-submit ni Chief ang recommendation para sa promotion ko pero pinatigil ko. Wala pa akong napatunayan kung tutuusin. Mas marami ang deserving sa hanay namin kaya hindi ako pumayag. Baka sa mga susunod na taon siguro kapag pinayagan nila akong ipasama sa field. Exciting kasi kapag nasa field. Kapag dito kasi sa loob, para akong ma-stroke. Malapit nang matanggal tutuli ko sa kakatanggap nang tawag. Ang mga papel naman, gusto kong ipalipad sa dami. Hindi ito ang pinangarap ko. Gusto ko kagaya ni Tatay noong nasa kagaya ko pa siyang rango. Iniisip kong baka dahil sa babae ako, pero dahil sa sinabi ni Sarhento kanina, baka galing kay Tatay ang utos.
Dumiretso ako sa bahay ni Tita Alex pagka-out ko ng trabaho. Ihahatid ko lang ang regalo ko sa kan’ya. Hindi ako nakasama kila Tatay nakaraan sa dinner nang magyaya siya. Birthday niya pala kasi.
Kaagad na bumukas ang gate nang bumusina ako. Kilala naman nila ang jeep na minana ko pa kay Tatay.
“Si Tita nandiyan?” tanong ko sa kasambahay nila nang makababa ako. Binigay niya ang regalo ko.
“Nasa sala po, Ma’am.”
Hinubad ko ang headgear bago ako makarating sa pintuan.
Nakangiti si Tita Alex nang makita ako.
“Oh, dinalaw mo na talaga ako. Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko.”
“Kayo pa ba, Tita.” Sinalubong niya ako nang yakap kaya tumugon ako. "Na-busy din sa presinto po."
"Sabagay, non'g nagsisimula pa lang ang Tatay mo gan'yan din, wala halos na time sa amin dumalaw."
Umabot pa ang kuwentuhan namin ni Tita hanggang dinner, doon na niya ako pinakain.
Bago ako umalis sa bahay nila Tita ay nagkasundo kami na dadalaw kay Granny sa puntod kasama ang mga pinsan ko sa side ni Tatay.
Kakalabas ko lang noon sa subdibisyon nila Tita nang matanaw ang paghinto ng pamilyar na sasakyan. Saglit na huminto ako.
Hindi nga ako nagkamali, si Ian iyon. Ang kababata ko. May inaalalayan siya na babae na pababa mula sa sasakyan niya.
Ungentleman naman niya, hindi man lang hinatid ang babae sa loob ng subdibisyon. Sana doon niya binaba.
Saglit akong natigilan. Baka ibang babae na naman?
Napailing ako at muling pinaandar ko muli ang sasakyan. I’m sure makikita niya ako dahil doon banda ang daan ko.
Saglit na nagtama ang mata namin nang mapatingin siya sa akin. Hindi pa naman tinted ang bintana ng owner jeep ko. Pinapalitan ko nang ako na gumamit. Pero siyempre, laging mukhang bago.
Alam kong masasagi ko ang gilid ng magarang sasakyan niya kaya sinege ko pa rin.
Napangiti ako nang makitang nanlaki ang mata niya. Kahit ang babaeng kasama niya ay halatang nagulat sa ginawa ko. Nagalaw ang sasakyan niya. Sa taas ba naman kasi ng jeep ko kompara sa sasakyan niya.
“Fvck you, panget!” sigaw ni Ian nang habulin niya ang sasakyan ko.
Huminto ako dahil nakita kong hingal na hingal na siya.
Binuksan ko ang bintana ko sa kanan. Nandoon kasi siya banda.
“Anong problema mo, huh?” Ipinasok pa niya ang ulo.
“Wala naman. Paharang-harang ka kasi,” ani ko sabay ngiti nang matamis.
Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. “Nakita mo ba ang ginawa mo sa sasakyan ko? Bagong bili ko lang ‘yon tapos sinagasaan mo lang?!”
“Aw, sorry naman.” Kita ko rin ang pagmamadali ng babae na lumapit sa amin. “Bago pala ‘yan? Parang ‘yan din ang ginamit mo kay Clara nakraang buwan?”
“Clara?” ulit ni Ian na nakakunot ang noo. “Sinong Clara ‘yan, panget?”
“Babe, sinong Clara?” tanong ng kasama niyang babae.
“N-nagbibiro lang siya, babe.” Sinamaan ako nang tingin ni Ian. “Right, Ate Lexxie?”
“Gawin mo pa akong sinungaling, Ian.” Tumingin ako sa kamay niyang nakakapit pa sa bintana ng sasakyan ko. “Tanggalin mo ang kamay mo kung ayaw mong magaya sa sasakyan mo,” biro ko lang pero sa seryosohin niya, bahala siya. Pero tinanggal naman niya kaya napangiti ako
Akmang papaandarin ko na ang sasakyan ko nang magsalita ang babae. “Miss, sino nga ang Clara na sinasabi mo?”
Muntik Pa akong mabulunan dahil saktong nilulunok ko ang laway ko.
“Ah, Miss, sa boyfriend mo na lang po itanong.” Sabay paharurot ng jeep ko.
“Ate Lexxie! Damn! Ang sasakyan ko!” pahabol na sigaw sa akin ni Ian.
Hindi ko maiwasang matawa sa kapilyahan ko. Hindi naman ‘yan magagalit sa nangyari sasakyan niya. Pang-apat na niyang sasakyan ‘yan na ginanyan ko. Humahara kasi sa daanan ko. Saka ganti ko lang ‘yan sa kan’ya. Ilang beses na niyang sinagasaan ang headphone ko. Kahit na earbuds na bagong bili ko ay sinira niya din.
At hindi naman Clara ang pangalan ng ex niya. Gawa-gawa ko lang kanina ‘yon. Wala naman kasi akong natatandaan na pangalan dahil pabago-bago ng nobya. Baka sa susunod na buwan iba na naman.
Pero natigilan ako. Problema yata ang iniwan ko sa kanila ng girlfriend niya. Bahala nga siya.
Alam naman nila Nanay na hindi ako kakain sa bahay kaya wala nang ilaw sa komedor. Sa sala naman tahimik na dahil late na. Maagang natutulog sila kahit ang mga kapatid ko.
Saglit akong nagpahinga at naglinis ng katawan. Pagkatapos magbihis ay tumambay ako sa labas, sa may balcony ko. As usual, loose shirt at pajama ang aking suot nang lumabas.
Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko sa malapad na handrail ng balcony ay may humintong pamilyar na sasakyan. Bigla akong napababa at pasok sa loob ng aking silid dahil si Ian ang nasa labas.
Napangiwi ako nang makita ang telepono ko. Si Ian ang tumatawag. Hindi ko sinagot, naupo ako sa kama habang tinitingnan iyon na tumutunog. Alam kong gaganti lang siya sa akin. Tumigil nga ang pagtunog kaya nakahinga ako nang maluwag.
Kakahiga ko lang nang makarinig nang katok mula sa pinto ko.
“Anak, nasa baba si Ian. Pinatawag mo raw siya.” Bigla akong napaupo nang marinig ang boses ni Nanay.
Walanghiyang Ian na iyon! Wala akong sinabing pinapatawag ko siya!
"Papasukin ko na lang, anak, sa silid mo. Binilin mo rin daw."
Bigla akong nataranta sa narinig. Mabilis na bumaba ako at naghila ng loose shirt at mabilis na sinuot. Sakto namang bumukas na ang pintuan at niluwa si Ian.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Narinig mo naman ang sinabi ni Tita kanina, pinapunta mo ako dito."
"What?" Inayos ko pa ang damit ko at naglakad papalapit sa kanya. Buti na lang naka pajama ako ngayon. “Lumabas ka na, Ian. Alam natin pareho na hindi kita pinatawag.” Binuksan ko pa ang pintuan para sa kanya.
Pinuwesto niya ang kamay sa likod pagkuway ngumiti.
“Ano?” ani ko pa sa kanya.
“What?”
“In-english mo lang, Ian.”
Tumitig lang siya sa akin. “God. Ang pangit mo talaga.”
“Pumunta ka lang para sabihin ‘yan?”
“Nope. Bayad mo?” Sabay lahad ng kamay.
“Bayad saan?”
“C’mon, Pangit. Alam mo ang ginawa mo sa sasakyan ko.”
“Hindi ko sinasadya ‘yon.” Sinara ko ang pinto baka marinig ni Nanay ang usapan namin ni Ian.
“Hindi ba?”
“Hindi.” Nag-iwas ako nang tingin sa kanya.
“Hindi pala.” Ngumisi siya. “Tita Helena!” sigaw niya na ikinalaki ng aking mata.
“Ian!” Lumapit ako sa kanya pero umatras lang siya.
“Tita!”
“Ano ba!” Akmang tatakpan niya ang bibig nito nang magpatihulog siya sa kama dahilan para mahulog din ako sa kanya.
Narinig ko pa ang pagsinghap niya nang bumagsak ako sa kanya. Nagtama ang aming mata nang mag-angat ako nang tingin.
“I-Ian.”
“P-pangit.”
Halos magkasabay naming sambit.
Nagbaba siya nang tingin. “M-my…” aniya pagkuwa’y nginuso ang baba.
“Huh?” kunot noong wika ko lang. Pero napasunod din ako nang tingin sa baba niya.
“D-damn! U-umalis ka, P-pangit!”
Mabilis akong umalis at inayos ang sarili. Napalunok pa ako nang makita siyang kinapa ang nasa pagitan ng hita niya.
“Durog?” wala sa sariling tanong ko.
“Durog, kagaya ng sasakyan ko,” ani na lang niya sabay kuha ng unan at tinakpan.
“Umuwi ka na nga kasi,” ani ko sa kanya.
Tumayo siya. “Fine. Pero may utang ka pa sa akin. Isipin ko muna kung anong bayad ang gusto ko.” Ngumiti siya kaya napalunok ako.
“P-pera na lang?”
“No. Pag-iisipan ko pa nang maigi.”
“Pera na lang. Send ko kapag sumahod na ako. Now, labas.”
“Hindi pa ako nag-agree, Ate Lexxie. Marami akong pera, kaya hindi pera ang kabayaran sa ginawa mo.” Naglakad siya papuntang pintuan.
“Pera.”
“Ayoko sabi. Alam mo bang break na rin kami?”
“Nino? Ni Clara?” Natawa ako bigla.
“Walang nakakatawa. At hindi Clara ang pangalan niya, Lexxie. Kasalanan mo rin kung bakit kami naghiwalay, kaya dalawang beses ka ring magabayad sa akin.”
“Hoy, hoy! Ate mo ako, ‘wag mo nga akong ginaganyan, Ian. Wala kang galang sa matanda, huh!”
“Wala talaga, Lexxie.”
“Aba’t Lexxie na lang talaga! Isusumbong kita sa Mommy mo!”
“Isusumbong din kita kay Tita, sinadya mong gasgasan ang sasakyan ko. Pulis ka pa naman.”
Napalunok ako. “Fine! Umalis ka na. May utang na ako kung may utang.”
“Good.”
“Labas!”
“Right away, Pangit.” Sabay ngisi ni Ian.
Sinamaan ko pa siya nang tingin at mabilis na sinara ang pinto pagkuwa’y ni-lock iyon.
Nawala tuloy ang antok ko dahil kay Ian. Talagang nanginstorbo dahil lang sa nangyari,
Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina sa kama. Pero pinalis ko rin at pinukpok ang ulo ko. Iba na talaga itong nararamdaman ko. Nagpakawala pa ako nang marahas na buntonghininga.
Akmang sasampa ako sa kama nang makatanggap nang text mula kay Ian. Napaangat ako nang kilay matapos mabasa iyon. Himala yata, inimbitahan ako sa graduation day niya.
Nireplyan ko na lang siya ng, ‘Ay, pumasa ka pala?’
Napangiti ako nang replyan niya ako ng screenshots ng grado niya. Hindi na ako nag-reply. In fairness, matataas, huh.
Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagharurot ng sasakyan. Mukhang si Ian iyon.