Lexxie's Pov Nagmamadaling bumalik ako sa loob ng opisina ko nang makita ang magarang pick up na kulay pula. Kilala ko malamang ang may-ari no'n. Iniiwasan ko pa naman siya tapos heto, nandito sa station. Nagkunwari akong busy sa papeles na nasa mesa ko. Dapat uuwi na ako dahil pagod ako. Nag-OT na nga ako ng dalawang oras ngayong araw. Pamilyar na ako sa tunog ng mga sapatos ng mga kasamahan ko kaya alam kong hindi sila ang kakaibang tunog na iyon. Ini-expect ko nang may kakatok pero nagulat pa rin ako. Hindi ko rin tuloy alam kung saan pupunta ng mga sandaling iyon. Napalunok ako nang bumukas na ang pintuan. Napakagat ako ng labi nang maamoy ang pamilyar na pabango niya. Imbes na hindi bubuklat ng panibagong page, binuklat ko na lang. Kaso biglang naghiwalay sa slider at nanginig