IAN'S POV "HE'S moving," mahinang sabi ni Damon sa kabilang linya nang makita niyang tumayo si Zale mula sa kinauupuan nila kanina ni Lexxie. Napapikit ako nang maalala si Lexxie. Nandito na naman ang gigil sa akin, kung paano humawak si Zale sa likod ng dalaga. Naiinis din ako kay Lexxie dahil sa ginawa niyang pag-alis sa cabin nang walang pasabi tapoa pupunta lang sa auction na ito na hindi nag-iisip. Hindi niya alam ang panganib na pinili niya kesa ang makasama ako. Nasira lang naman niya ang lahat ng plano ko! Naikuyom ko rin ang kamao ko nang maalala ang paraan nang paghawak ni Zale sa likod kanina ni Lexxie habang bumubulong siya sa dalaga noong papasok sila sa ikalawang pinto na kinaroroonan namin ngayon. Inaamin kong kakaiba ang ganda ni Lexxie sa lahat ng babaeng nakilala ko–