IAN’S POV “Once I get home, I'll check it out. For now, save it.” “Yes, boss!” Kaagad na nawala sa linya si Niccolò. Gusto ko munang mag-enjoy dito kaya hindi ko muna inentertain ang urgent report na sinasabi sa akin ng buttler ko. Tumingin ako sa gawi ng Daddy ko na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Nag-e-enjoy ang ama, kaya ako rin dapat. Hinanap ng mga mata ko si Lexxie. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Alam ko naman na banas na banas na siya dahil sa ginawa ko kanina. Masama bang enjoyin ‘yon? Ang sarap kaya sa pakiramdam. It's an unusual sensation. Uh! Nang maalala ko ang mukha ni Lexxie kanina ay napangiti ako. Saka, bakit parang gustong-gusto kong nakikita siyang naasar sa akin? Ang ganda niya tingnan kapag nagsisimula na siyang magalit. Mas lalo kapag naging