LEXXIE’S POV Pabagsak na naupo ako sa sofa. Kakatapos lang ng misyon namin, at sobrang pagod ang naramdaman ko sa isang araw na misyon na iyon. Hinilot ko pa ang mga braso ko dahil nangalay sa posisyon ko kanina. Akmang ipipikit ko ang mga mata ko nang tumunog ang telepono ko. Napakagat ako ng labi nang makita ang pangalan ng tumatawag. It’s Ian. Ilang araw na siyang tumatawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin dahil nahiya ako sa kanya. Nagustuhan ko ang halik na namagitan sa amin. Paano kung asarin niya ako, huh? God, baka masuntok ko siya nang wala sa oras! Pero buti na lang ilang linggo na siyang wala dito. Buti na lang talaga, dahil wala pa akong mahanap na butas na pagtataguan. Muling tumunog ang telepono ko. Text message naman iyon mula kay Z