Chapter 06
Kassandra POV
NAKAPANGALUMBABA ako sa bintana dito sa loob ng aking maliit na silid. Ang mga mata ko'y malayo ang tanaw. Isang linggo na ang nakalipas sa una at huling punta ni Kaydan dito sa bahay. Mula noon hindi na siya bumalik tulad ng sabi niya.
Sa maikling panahon na nakilala ko siya hindi ko maintindihan ang damdamin ko na umuusbong para sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito sa buong buhay ko. Tila ba may pinukaw si Kaydan sa buong pagkatao ko.
Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko at hinayaan kung tumulo ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan. Hindi naman ako umaasa na may ibig sabihin ang paghalik niya sa akin at minsang pagdalaw niya rito. Baka ako lang ang nagbigay ng konting malisya.
Wala naman sigurong masama na umaasa ako, diba?
Maybe it would be forever questioning my mind? Baka hindi ko na magawang sagutin ang katanungan na iyon. Kung may lalaking seseryoso sa isang tulad ko. At kung may lalaki bang kaya akong mahalin? Na tatanggapin ako, nang buong–buo.
Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko, then i blinked my tears away. Hindi ko siya masisisi sa maaring dahilan ni Kaydan kung bakit hindi na siya bumalik. Naalala ko ang eksena one week ago.
***
"Mama!" Sigaw ni Beatha habang pababa ng hagdanan. Tumakbo ang bata sa kinaroonan ko, ngunit napigil ang paghakbang nito nang makita si Kaydan. Muli siyang lumakad patungo sa akin pero ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok sa lalaki. And her bluish eyes is full of curiousity. "Nagugutom na po ako, Mama. May naamoy akong mabango," aniya na hindi inaalis ang mga mata kay Kaydan. "Who is he, Mama? Why we have same eyes?"
Kaydan frowning. Nakita ko sa mga mata din niya ang pagtataka. Nagpalipat–lipat ang tingin niya sa aming mag–ina, questioning.
"M–Mag–good morning ka..." nanginginig ang tinig kung utos kay Beatha. Lord, why i'm stammering like an idiot? Bakit ngayon para akong kinakabahan na malaman ng isang lalaki na may anak ako. Dati naman i'm proud for being a single mother, kahit sa kabila ng mga binabato nilang isyu sa akin.
"Hello! Good morning po!" Masiglang bati ng anak ko sa kanya. "New friend ka ni mama?" Umiling ang anak ko, "--- i doubt, dahil walang masyadong friend si Mama maliban lang kay, Tita Vicky." She pouted at yumakap sa akin. "Kaya hindi tumatanggap ng mga manliligaw si Mama because of me para daw wala akong kaagaw sa love niya, right mama?" Tumingala sa akin si Beatha upang makita ang pagsang–ayon ko, tumango lang ako sa kanya.
Sa pagkamangha hindi makuhang magsalita ni Kaydan, titig na titig lang siya sa mukha ng anak ko. Muling nagpalipat–lipat ang tingin niya sa aming mag–ina.
I understand him. Ganito naman lagi kapag nalaman ng mga lalaki na may anak ako, nagugulat sila. Nagbaba ako ng mga mata nang patuloy ang masusing tingin na ibinigay ni Kaydan sa akin. I tired to compose my self; gave a fake an nervous smile.
"Anak ko siya, Mr. Madrigal. Ako ang nagsilang sa kanya." Buong tapang na sabi ko sa kanya. Gusto kong matawa sa pagbabago ng reaksiyon ni Kaydan, sudden a steely glint on his eyes.
"Anak! What do you mean by, Anak?" Kaydan asked, isang malisyosong tono sa ilalim ng malambot na tinig.
"N–narinig mo ako, Mr. Madrigal. Ako ang mother niya at anak ko siya..." pagdiriin ko. "Maaga akong lumandi kaya maaga akong nag–kaanak," agad kong idinagdag at nilagyan ng p'wersa ang tinig, dahil iyon ang laging sinasabi ng mga kapitabahay ko. Para walang further question.
Tumango–tango siya. "I see!" Pagkuwa'y, tumingala sa kisame at minamasahe ang batok, then groaned like dismay. Well, hindi ko siya masisisi kung sakaling naturn–off siya sa akin. Hindi ko naman p'wedeng ilihim ang tungkol kay Beatha. Kahit hindi siya nabuo sa pagmamahalan, anak ko parin siya. Nabuo siya sa sinapupunan ko at ako ang nagsilang sa kanya.
Hinintay ko ang sunod na gagawin ni Kaydan. Pagkatapos ay hinarap niya si Beatha, lumapit siya sa bata at inilahad ang kamay niya.
"Hi! I'm Kaydan Angelo Madrigal. Your, Mama's new found friend. Okay lang ba maging magkaibigan kami ni Mama mo?" May lambing ang tinig na tanong ni Kaydan sa anak ko, kumislap ang mga mata.
Inabot ni Beatha ang kamay ni Kaydan. Hindi ko alam kung bakit parang natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Parang may koneksiyon between them na hindi ko mawari. Nagningning ang mga mata ni Beatha sa katuwaan. She smiled prettily.
"Beatha Venice but you can call me Bea to make it short. Nice meeting you, Mr. Madrigal. Are you courting my mama?" Beatha asked bluntly.
Napatigagal sa kinatatayuan si Kaydan. Bahagyang napauwang ang mapupulang labi nitong nakatitig sa anak ko. Hindi ko malaman kung nagagalit ba o matatawa.
"You are not answering my question, Mr. " tila nainip na wika ni Beatha sa tagal ni Kaydan na sumagot. "Binabalaan kita, kung hindi mo kayang magmahal ng single mother at hindi mo matanggap na may anak siya. Well, habang maaga pa layuan mo ang Mama ko," parang matandang paalala niya kay Kaydan.
Halos manlaki ang mga mata ni Kaydan sa ina–akto ng anak ko. Sumulyap siya sa akin ay noon ko lang namalayan ang pagpipigil ko ng hininga.
Napalunok ako sa nerbiyos. "Beatha..." saway ko sa bata at pinanlakihan ng mga mata. Nakangiti siyang tumingin sa akin, parang sinasabi ng mga mata niya na pabayaan ko siya. She's only nine years old pero kung magsalita ito ay parang matanda na ang isip.
Maagang nagmatured ang isip ni Beatha, lumaki siyang kami lang ang kasama ni Mama, Lola at Vicky. Lumaking walang kinikilalang ama. Minsan nagtatanong siya pero wala akong maisagot. Hindi naman siya mapilit pero nakikita ko sa mukha niya ang pananabik na magkaroon ng ama. Mabait na bata, magiliw pero kahit nasasaktan ang damdamin niya hindi mo makikitang umiiyak ito. Pinipilit niyang palakasin palagi ang kanyang loob at maging malakas para sa akin.
Bilang ina niya natural nasasaktan ako pero ano ang magagawa ko. Wala akong maituro na ama niya dahil kahit ako hindi ko rin kilala kung sino. Kung alam ko lang sana, bakit nga ba hindi ko s'ya ipapakilala.
My eyes becomes misty.
Lumakad papalapit si Kaydan sa bata. Yumuko sa harapan ni Beatha upang pantayan ang taas nito. Then he answered just as seriously. "Papayag kaba na ligawan ko ang mama mo?" Tanong niya na sinabayan pa ng kindat.
Namayani bigla ang katahimikan dahil sa tinanong ni Kaydan, subalit nawala ang tensiyon. Nakatitig lang ako sa dalawa.
Beatha pouted her lips, tila nag–iisip kung ano ang isasagot. "Are you sure?" May paniniyak sa tinig nito at pumaikot–ikot kay Kaydan at nakapamewang pa. "Dapat pag–isipan mong mabuti baka bukas nagbago na ang isip mo. My mama is not for bargain Mr. She deserve to be loved and cared for. Dahil kamahal–mahal ang Mama ko."
"Beatha..." pigil ko sa bata.
Sandali lamang ang pagkamangha sa mukha ni Kaydan. Then his bark of laughter echoed through out the kitchen and he smiled tenderly to my child.
Tumingin sa akin si Kaydan. "It's okay, Kassandra. Naiintindihan ko ang anak mo," muli siyang bumaling kay Beatha, smiling with glitter in his eyes. "You're so beautiful like your mama and what a coincidence we have same eyes. Maybe you inherited your father's eyes." Namamanghang sabi niya at sumulyap sa akin.
Hindi ko maiwasan ang maasiwa sa mga titig sa akin ni Kaydan.
"Sabi ng mga kalaro ko baka daw maysakit ako sa eyes kaya kulay blue silang dalawa," sumbong nito.
Ginulo ni Kaydan ang buhok ni Beatha. "No! Natural mo sila na mga mata, Bea! Kagaya sa akin, nakuha ko ang mga mata ko sa Mommy ko."
Ngumuso si Beatha. "Paano mo nasabi, aber?" Hamon ni Beatha at hindi maalis–alis ang kamay sa kanyang baywang.
He smiled happily. "Because i'm a Doctor, Beatha."
Beathe rolled her eyes. "Talaga po?"
He nodded.
Tumingala sa akin ang bata at kumislap ang mga mata. "Narinig mo iyon, Mama? Doctor daw siya, kagaya ng Papa ni Uno. Are you working also in the hospital, Doc?" She asked excitedly.
Ngumiti si Kaydan sa bata nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa loob ng kanyang bulsa para sa kadahilanan na mahinto ang kanilang usapan.
"Excuse me..." paalam ni Kaydan at sinagot ang tumatawag sa kanya. Naririnig ko siyang may binabanggit na pangalan ng isang babae.
Angeline?
At panay ang paghingi niya ng pasensiya sa kabilang linya. Narinig ko pang napamura si Kaydan.
***
Kasabay nang paulit–ulit na mura ni Kaydan sa isip ko. Isang malakas na kalabog ang narinig ko ang nagpabalik ng isip ko sa kasalukuyan.
Nagmadali akong umalis sa bintana at lumabas ng kwarto. Ngunit umahon ang kaba sa dibdib ko, wala pana man akong kasama ngayon dito. Umalis silang lahat, nagpaiwan ako dahil masakit ang ulo ko.
Slowly, humakbang ako patungo sa hagdanan at dahang–dahang bumaba habang tila magigiba ang dibdib ko sa matinding kaba. Nasa sala na ako pero wala namang tao nagtungo ako sa kusina nakita ko ang container ng tubig na nahulog sa sahig mula sa lababo baka ito lang ang naglikha ng ingay.
Lumapit ako upang damputin ang galon upang ipatong muli sa ibabaw ng lababo. Pagkatapos muli akong humarap para bumalik sana sa kwarto ko. Ngunit napigil ang paghakbang ko.
Pinagpawisan akong tumingala sa lalaki sa nanlalaking mga mata. Nang hindi inaasahan na mabungaran si T'song Dante sa harapan ko. Nakangisi, nasa mga mata ang pagkasuklam at malisya.
I held my breath and i swallowed hard. Ito na yata ang sinasabi ni Vicky.
"A–ano ang ginagawa mo dito?"
"Alam muna kung ano ang kailangan ko, Kassandra," nakangising sabi nito
"Wala akong alam!" I was frightened. Subalit hindi ko pinapahalata sa kanya. Humakbang ako upang talikuran ito pero mabilis si Dante.
He grabbed my both my hands at malakas na tumawa. "Hindi ako papayag na maunahan ako ng lalaking iyon, Kassandra..." wika nito sa nanlilisik na mga mata.
"I hate you! Alam ko hindi ka mapagkakatiwalaan at hindi ko alam kung bakit ka pinakasalan ni T'yang." Humihingal kong sabi. Nagpilit akong pakawalan ang mga kamay mula sa kanya.
"Hindi mo alam?" Nakangisi itong niyuko ako. Isang halik sa sentido ko ang akmang gagwin nito na agad kong naiwasan. Ang bunganga nito ay napunta sa buhok ko. "Ikaw ang dahilan, Kassandra. Unang kita ko pa lang sayo noon sa palengke hindi kana mawala sa isip ko. Ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. Ang mabunganga mong tiyahin na mataba ay pinagtitiisan ko lang iyon dahil sayo..."
"Hayup! Hayup!" Galit na galit kong sigaw at nagpumilit akong kumawala sa kanya. "Bitawan mo ako, hayup ka!" Kumuha ako ng buwelo at inipon lahat ang lakas at pagkuwa'y tinuhod ko siya sa gitna ng mga hita niya.
Napakalakas ang pagtuhod ko sa kanya upang mabitawan niya ako. Tinakbo ko ang patungo sa hagdanan. Umiikang humabol sa akin si T'song Dante.
"Takbo, Kassandra!" Sigaw nito.
Kumakalabog ang dibdib ko sa matinding kaba sa maaring mangyari sa akin ngayon.
Parang nanumbalik ako sa nakaraan. Na may sampung taon na ang nakalipas.
Nag–aabang lang ako ng masasakyan noon. Nang may humintong van sa likuran ko at naramdaman ko na lang na may malaking kamay na biglang tumakip sa bibig ko, kadahilanan na nagpawala ng aking kamalayan.