"Welcome back po, Sir!" nanlalaki ang mga mata na kumikinang pang sambit ng matanda. At mababakas sa mga mata nito ang saya nang makita ang amo niyang si Ulysses dahil pati ang mga mata nito ay nakangiti. Makikita ang mga linya nito sa mukha na dala na ng katandaan. "Hello, Manang Pinang." bati niya rito pagkatapos ay humalik siya sa pisngi ng matanda at ito ay niyakap nang mahigpit. "Kumusta ho?" pangungumusta niya rito. Si Manang Pinang ay ang nag-alaga sa kanya simula noong bata pa siya. Sa bahay na ng mga magulang niya ito tumanda. At nang magpatayo siya ng sariling bahay ay ibinilin siya rito ng mga magulang niya. Ito ang walang sawang nag-alaga sa kanya simula noong maliit pa siya hanggang sa huling araw niya sa bahay na iyon nang umalis siya nang walang paalam. "Naku, Sir. Miss