PROLOGUE
Maraming nagsasabi sa 'kin na may hitsura't katawan ako na kababaliwan ng kalalakihan at marahil totoo 'yon. Maraming nanligaw sa 'kin simula highschool, may ilang umangat at muntikan ko ng sagutin pero napanatili ko pa rin ang pangako sa sarili ko na hindi pa tamang panahon. Habang nadaragdagan ang edad ko, maraming materyal na bagay ang sumisilaw sa 'kin kaya gusto kong magsumikap para hindi ko na kailangan malungkot at mainggit na wala ako ng mga bagay na 'yon. Kaya naman para mas maabot ko ang mga pangarap ko ay nagsusumikap akong mag-aral.
Nakakuha ako ng scholarship sa isang kilalang University, half, kinakaya naman ng magulang ko at ng online selling business ko ang pagbabayad ng kalahati, iyon lamang biglaang nangyari ang pagka-hospital ni lolo dahilan para ang ipon namin at ang puhunan ko ay mabawasan. Ngayon, malapit na ang graduation ko, natutuwa ang karamihan pero ako ay hindi ko malaman saan ako hahanap ng malaking pera.
"Malaki na ang balance mo, ga-graduate ka pero wala ang diploma mo sa loob. Graduation fee lang ang kailangan mo munang bayaran at ang diploma mo ay ibibigay kapag nakabayad ka na ng remaining balance mo."
Hawak ko sa 'king kamay ang graduation fee na five thousand, kung kani-kanino ko pa ito hiniram.
"Magkano po ang balance ko, ma'am?" Tanong ko sa cashier.
Tiningnan niya 'yon sa computer.
"Fifty-six thousand, hindi halos gumalaw ang p*****t mo this year. Iyong ibang year mo like first to send ay may naiiwanan ka palaging five to ten thousand."
Nanlalamig ang pakiramdam ko.
Paano ako makakapagtrabaho ayon sa natapos ko kung hindi ko makukuha ang diploma ko?
Kung ga-graduate ako pero walang laman ang iaabot nila sa 'kin, para saan pa at gugustuhin kong umakyat sa stage?
Marami nga 'kong awards, ganoon din ang utang.
Tumabi ako pansamantala dahil may ibang nakapila.
Naupo ako sa mahabang upuan sa tabi ng cashier.
Tiningnan ko ang hawak kong five thousand pesos, para mabuo ito ay anim na tao pa ang hiniraman ko at inabot pa 'ko ng dalawang araw para mabuo ito. Ang online business ko ay natengga dahil sa gamot ni lolo at takot na rin na baka bigla niya ulit kailanganin isugod sa hospital.
"Totoo ba? May branch na ang clothing line na SYJ sa VZ Mall?" tanong ng babaeng dumaan sa 'king harapan kasama ang classmate niya siguro.
"Oo, excited nga 'ko! Sila 'yong papalit sa part ng dating cellphone store," sagot ng isa pa.
Napatayo ako bigla. Wala akong pakialam sa SYJ na clothing line dahil hindi ko naman gusto ang fashion ng mga ito na nauuso. Pero parang isang pahiwatig iyon ng Diyos sa 'kin, dahil ang VZ Mall ang nagpaaral sa 'kin sa magandang private school mula elementary hanggang highschool, ang foundation ng mall ang tumulong sa 'kin. Maaaring makahingi ako ng tulong sa kanila, baka iyong pagiging magna c*m laude ko ay maging instrumento para tulungan nila 'kong muli!
"Samantha!"
Hindi ko na muna pinansin ang tawag sa 'kin ng suitor ko na si Lucas dahil matatagalan na naman ako dahil matagal siyang makipag-usap at nahihirapan akong takasan siya dahil parang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Kailangan kong kapalan ang mukha ko. Okay lang naman sa 'kin na gumraduate na walang diploma, pero kailangan ko iyong makuha kaagad dahil paano ako makakapagtrabaho kung hindi ko 'yon makukuha. Kailangan kong kapalan ang mukha ko.