Kumpleto na ang lahat ng mga pinamili ko kaya naman naglakad na ako patungo sa sakayan ng tricycle para umuwi na sa bahay.
Wala ang mga kapatid ko kaya wala akong service na motor. Hindi rin naman ako marunong mag motor kaya tiyaga ako sa pagbitbit ng mga pinamili kong paninda.
Bukod sa pagtitinda ko ng meryenda ay balak ko na rin magtinda ng lutong ulam kahit ilang putahe lang. Napapadalas kasi ang mga taong napapadaan s tindahan at nagtatanong kung may tinda akong lutong ulam.
"Jona!"
Umikot ang paningin ko sa paligid ko ng marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan ko.
Isang pamilyar na mukha ng babae ang ngayon ay nakangiti sa akin.
Isa sa mga naging kaklase noong high school at naging matalik ko rin na kaibigan, si Reg.
"Sabi ko na nga ba at ikaw yan, e!" bulalas niya sa akin sambay hampas pa sa aking braso.
"Kamusta na?" excited ko rin namang tanong sa kanya.
Alam ko ay nasa nangibang bansa din siya.
Pero bago kami maparasarap sa kwentuhan ay humanap muna kami ng makakainan para nga hindi kami mangalay sa sobrang dami naming mga kwento sa isa't-isa.
"Baklang to! Bakit hindi ka nag-aasawa?" aniya sa akin ng makaupo at sabay na kaming kumakain sa isang karinderya.
"Naku! Hindi para sa akin ang pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. Okay na rin naman ss akin ang ganitong buhay, Reg. Masaya na ako," saad ko.
"Girl! Malaking kasalanan ang hindi pag-aasawa! Ilang taon ka lang naman, hindi ba? Huwag kang ganyan at mag-asawa ka hanggat kaya mo pang magka-anak. Kahit hindi naman naging successful ang pag-aasawa ko at nagkahiwalay din kami ng walang hiya kong ex-husband ay hindi ko naman pinagsisihan na nagkaroon ako ng mga anak. Ang sarap kaya sa pakiramdam na may mga anak na tatawagin kang Mama. Kaya naman payo ko sayo, mag-asawa ka at mag-anak."
Parang ang dali?
Madali lang naman talagang makahanap ng lalaki pero mahirap siguro ang makahanap ng matino lalo na sa panahon ngayon.
"Para namang ang daling mag-asawa? Kung sanang bibingka lang na niluluto yan ay napaka easy lang para sa akin." Natatawa ko na lang na komento.
"Naalala mo ba si Anton? Iyong naging kaklase natin noon na medyo chubby?"
Nag-isip ako kung sinong Anton ang tinutukoy ni Reg. Naalala ko na may naging kaklase nga kaming Anton ang pangalan at kung hindi ako nagkakamali ay naging crush namin ang isa't-isa.
"Hindi mo na ba siya matandaan?"
Umiling ako.
"Natatandaan ko siya. Mabait si Anton kaya paanong makakalimutan ko ang lalaking yon." Sagot ko.
Natatandaan ko na mabait ang lalaking iyon. At kaya ko siya naging crush ay bukod sa mabait ay nalaman kong bago siya pumasok ng school ay tumutulong muna siya s pamimitas ng mga bulaklak ng sampaguita at camia sa pamilya niya dahil iyon ang kabuhayan nila.
"Bakla, single pa rin siya at big time na ngayon dahil kapitan lang naman ng barko."
Napatango ako.
Hindi naman nakapagtataka na swertehin talaga si Anton dahil mabait, masipag at matiyaga sa buhay.
"Kita mo na? Hindi lang ako ang ayaw mag-asawa sa mundo. Marami pa kami," sabi ko naman.
"Jona, kaya hindi naman nag-aasawa ang lalaking yon ay dahil laging nasa dagat. Anong liligawan niya sa gitna ng katubigan? Sirena? Balyena? Pating? Sana magkatagpo kayo, ano. Hindi ba naging crush ka ni Anton noon dahil nga napakataray mo raw kasi sa iba pero pagdating sa kanya ay mabait ka." Tukso ni Reg.
Totoo naman.
"Mabait ako sa kanya dahil mabait siya. Hindi kasi siya marunong lumaban sa iba na binubully siya. At ayoko ng mga taong mapang bully ng kapwa."
Noon kasing magkakaklase kami ay nabubully na si Antom dahil nga chubby siya. Hindi siya gumaganti o lumalaban sa mga nanunukso sa kanya kahit araw-araw siyang inaasar ng mga kaklase namin na trip siyang asarin.
"Sana magkita nga kayong muli, Jo! Malay mo kayo pala talaga ang nakatadhana!" tila nangangarap na hiling ni Reg.
Pero hindi ko na nakita pa si Anton. Hindi rin naman kasi ako mahilig gumamit ng social media sa ilang taon dahil focus ako sa trabaho ko sa abroad.
Natutuwa akong malaman na sinwerte pala ang dati kong kaibigan at iba na ang buhay niya ngayon.
Isa talaga sa hinahanggan ko sa isang tao ay ang kasipagan at pagsusumikap sa buhay gaya nga ni Anton.
"Oo nga pala, Jo, maalala ko, tapat-bahay niyo pa rin ba iyong poging lalaki doon sa inyo? Iyong sabi mo magiging asawa mo?"
Muntik ko ng maibuga ang iced tea na iniinom ko ng marinig ang tanong ni Reg.
Nagkandasid-samid tuloy ako sa hindi inaasahang katanungan niya.
"Naku! Huwag mo ng mabanggit-banggit yan at bata pa ako noon kaya nasabi ko yon," saway ko kay Reg.
"Nasaan na siya, Jo? May asawa na siguro ano? Ang gwapo ng isang yon, hindi ba? Ano na nga kasing pangalan ng lalaking yon?" usisa pa ni Reg na natandaan pa pala ang isang nakakakilabot na alaala na ayoko ng alalahanin pa.
"Oo, may asawa na at wala na sa lugar namin," sabi ko na lang.
"Ano na nga kasing pangalan ng lalaking iyon? Zakari ba o Zakarias nga ba?"
At inaalala pa talaga ng pangalan ng isang nakakabwisit na tao.
"Matagal na siyang nag-asawa," pagsisinungaling ko pa.
"Bakit kasi hinayaan mo na mapunta sa iba? Hindi ba sabi mo sa akin noon ay iyong lalaki na iyon ang gusto mong mapangasawa at gagawa ka ng paraan para siya talaga ang makatuluyan mo?"
Sinabi ko ba yon?
Nangilabot yata ako.
"Reg, ilang taon ba ako ng sinabi ko yan? Bata pa ako hindi ba? At saka hindi naman talaga gwapo yon. Nadadaan lang sa kung anong nilalagay niya sa mukha niya. Huwag na nga nating pag-usapan pa ang lalaking yon at may pamilya na nga siya." Pag-iba ko na sa usapan.
Imbyerna na nga ako pagmumukha ni Zakarias sa bahay hanggang dito ay sinusundan pa ako ng pangalan niya.
"Buong akala ko nga ay magiging asawa mo nga ang lalaking yon, Jo! Kung bakuran mo ay kulang na labg ay pikutin mo na. Kung nagkataon lang siguro na nasa tamang edad ko na noon ay hindi ako magtataka na nabalitaan kong nag-asawa ka na talaga!" patuloy pa rin sa pagkwento ni Reg.
Kung bakit naman kasi sa lahat ng matatandaan nito g kaibigan ko ay napasama si Zakarias.
Ayoko na ngang alalahanin pa.