Sevinna Mukhang gabi na namang uuwi si Timothy. Kasi na sa iisang bahay lang kami ay halos hindi pa kami magkita dahil nga sa sobrang dami niyang ginagawa. Simula kasi nang maisapubliko ang tungkol sa pagpapatayo ng casino at pag offer ni Timothy ng kaniyang lupa para sa mga magsasaka. Puring-puri na naman ang gobernador ng aming lugar. Natawag pa siyang Saint Timothy. "Anak, sabi ko naman sa iyo na huwag ka ng mag grocery dahil marami pa kaming pagkain dito," ani Mama na inaayos ang mga pinamili ko. "Mama naman ngayon na nga lang ako nagkaroon ng malaking ambag sa ating pamilya eh, pagbigyan niyo na lamang po ako," saad ko habang inaayos ang mga delata na pinamili ko. "Nasaan nga po pala ang kambal? Wala silang pasok ngayon ah." "Ayun as usual, yung isa naglaro, at yung isa naman nag