Prologue: THE LAST LETTER
“And be not conformed to this world. But be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect, will of GOD,” – Romans 12:2
**
Prologue: THE LAST LETTER
Heizel
Tinitigan niya ako ng deretso sa mga mata. Pinanlamigan ako. Tumayo ang balahibo ko. Bumigat ang pakiramdam ko.
Nagsalita siya. Pero wala akong narinig na boses. Kumurba lang ang kanyang labi habang ang kanyang mga mata ay titig na titig sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at diniin ang kamay doon. Kinilabutan na naman ako. Unti unting lumalakas ang kanyang boses at . . .
“Heizel-“
Bumalikwas ako ng bangon. I gasped for air and held my chest abruptly!
Panaginip. Napaginipan ko na naman ang babaeng iyon.
Mariin akong pumikit at lumunok. Tumutulo ang pawis sa dibdib ko. Dumikit na sa balat ko ang suot kong puting sando. Bumaling ako sa nakasaradong capis na bintana. Hinahampas ng hangin iyon dahil sa malakas na buhos ng ulan. Madilim pa rin sa labas.
Pumikit ako ulit. Sinuklay ko ang buhok at tinanggal ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko. Hinulog ko ang mga paa sa sahig at umupo sa gilid ng papag. May gabi talagang napapaginipan ko ang Isla Escanto kung saan ako na-stranded, ilang taon na ang nakakaraan.
Pabalik balik ang alaalang iyon. Kahit anim na taon na ang nakalipas.
Maganda ang panahon no’n sa Santa Fe nang magbakasyon kaming magkakapatid doon. Dis-seis anyos ako. Sumakay ako sa bangka kasama ang iba pang mga turista para sumubok ng scuba diving. Nang biglang sumungit ang langit at pinadpad kami ng malakas na hangin sa islang tinatawag nilang “Isla Encanto.”
Puro babae kami no’n. Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama gayong pati ang tourist guide ay kasing edad ko lang. Sino’ng makakahingi ng tulong gayong lahat kami ay mga bata pa?
Bumuhos pa ang napakalakas na ulan kaya tumuloy na kami sa gilid ng isla. Isa iyong private property. Iisang malaking bahay ang nakatayo roon at may nag iisa ring matandang babae ang nakatira.
Pinatuloy niya kaming anim. Pinakain at pinahiram ng mga damit. Doon ko nalaman ang pangalan ng mga kasama ko. Sina Amor, Claire, Celine, Meghan at Savannah. Siguro, dala ng sitwasyon ay nagkapanatagan kami ng mga loob at para bang ang tagal na naming magkakakilalang lahat. Habang nagbibihis ay nagkagulatan at nagkatuwaan pa kami ng malamang pare pareho kami ng edad.
“Ayos, a! Parang tinadhana tayong magkakilalang lahat.” Nakangising komento ni Meghan.
Savannah rolled up her eyes. Sa aming lahat, siya ‘yung masasabi kong pinakasosyal at kita namansa suot nitong mga alahas at branded na damit.
“It’s actually your fault. Menor de edad ka pa lang, nagwo-work ka na. So, pa’no tayo ngayon? Ano’ng gagawin mo para makabalik tayo sa Romblon?”
Tumaas ang kilay ni Meghan. Medyo boyish siyang kumilos. Humalukipkip siya at may pang uuyam niyang tiningnan si Savannah na nagsusungit sa kanya.
“Edi, patilain ang ulan saka sumakay sa bangka. Common sense naman d’yan!”
Nagkatinginan kami ni Amor. Siya ang pinakatahimik sa aming anim pero ramdam kong nagmamasid siya sa paligid. Tipid ko siyang nginitian at nagpatuloy sa pagsuot ng bestida.
Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay tumayo si Savannah. Matalim na tiningnan si Meghan nang nakapamaywang dito.
“Ang sabihin mo, wala kang kwentang guide! Ni hindi mo kasi inalam na masama ang panahon! Palibhasa pera pera ka lang kaya kahit madisgrasya okay lang sa ‘yo. Tuwang tuwa ka pa!”
Dumilim ang mukha ni Meghan. Isa isa nitong tinaas ang manggas ng kanyang damit at nilapitan si Savannah. “Ano’ng sabi mo?”
“Mukha kang pera!” namimilog pa ang mga mata ni Savannah.
Naalarma ako at mukhang papatulan ni Meghan si Savannah. At si Savannah naman ay tila walang balak atrasan si Meghan ng away.
Tumayo ako pumagitna sa dalawa. Ni hindi ko pa naibaba nang maayos ang palda ng suot ko ay pumagitna na ako.
“’Wag kayong mag away. Hindi naman natin ginusto, e.”
Lumayo si Amor at tumayo sa tabi ng pinto. Ayaw niyang madamay sa gulo. Lumapit sa amin si Claire. Isa isa niyang tiningnan sina Meghan bago humalukipkip.
“Walang may kasalanan. Magpasalamat na lang tayo dahil walang nasaktan sa atin. Magpasalamat pa tayong hindi tumaob ang bangka natin. At magpasalamat tayong may tumulong sa atin,”
Binagsak si Celine ang brush sa harap ng vanity mirror. Napabaling kaming lahat sa kanya. Nilingon niya kami. She looked so cold. Unlike ni Amor na hindi masalita, si Celine ay matipid naman. Iyong tipong kailangan muna niyang magdesisyon kung magsasalita at tipong magsasalita lang kung trip niya. Hindi rin siya mukhang mahiyain unlike me and Amor. Besides, Celine look mature than to all of us six.
“Blaming each other is not gonna help us.”
Savannah flipped her curly hair and scoffed at Celine.
“So, how are you going to help, then? Ni walang signal sa isla na ‘to.”
“Kung may signal man, sa tingin mo kalalabanin nila ang malaking alon para sagipin tayong lahat? Baka imbes na iligtas tayo, sila pa ang malagay sa alanganin. For as long as we’re safe and sound, I don’t see any problem here.”
Savannah stomped her foot on the floor. “My parents are looking for me!”
“My brother is definitely worrying about me, too. But I don’t want to waste my time in tantrum on something I can’t control. So, put your butt on that f*****g bed and wait.”
Napaawang ang labi ko sa pagmumura ni Celine kay Savannah. Matapang si Celine at hindi natatakot sa galit ni Savannah.
Bumungisngis si Meghan. “Mayaman pero hindi makabili ng common sense.”
“You better shut the f**k up, too. Hindi nakakatulong ‘yang pagsagot sagot mo.” turan ni Celine kay Meghan.
Natigilan nga si Meghan. Kita ko ang gulat sa mukha pero hindi pinatulan si Celine. Claire bit her lower lip and looked at us one by one. Tiningnan ko rin si Amor kung humihinga pa ito. Hindi siya umaalis sa tabi ng pinto.
Si Celine ay para naming Ate kahit na magkakasing edad lang kaming anim. At some point, hinangaan ko rin ang pagiging matapang niya at matured na pag iisip. Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay tinawag na kami para kumain. Sa hapag ay nalaman ko kung tagasaan sila.
Si Rose Amor ay taga-Marinduque. Si Claire ay taga-Aurora. Si Celine ay nagsabing madalas sa Siquijor. Ayaw niya lang yatang sabihin kung taga saan talaga siya. Si Meghan ay taga-Palawan pero lumipat ng Romblon. At si Savannah ay taga-Sagada.
We spent two days and one night in that suspicious island . . .
Sa loob ng anim na taon, pinilit kong kalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Ayokong tapunan ng tukso rito sa barangay at gawan ng katatawanan. May ilang matatandang binigyan ako ng babala pagkatapos nilang malamang nakapunta na ako sa Isla Encanto. Tila ba isang sumpa ang pumaroon. Gulat pa siyang nakauwi ako nang buhay. Hindi ko alam kung bakit pero natitiyak kong may alam ang matanda sa isla.
Mahirap ang maging mainit sa mata ng mga tagarito. Kapag may pyesta at lalabas ka ay tiyak na pagbubulungan ka nila at ang malala ay tatratuhing taga ibang planeta. Katulad ng kanilang turing sa mga Valderrama. Nag iisang Valderrama na lang ang naiwan sa Laurel. Si Wyatt. Narinig kong bigkas nila sa tuwing nadaraan ang sasakyan dito sa amin.
Mayaman si Wyatt. Pagmamay ari niya ang Canyon Woods. Dahil sa estado niya sa buhay kaya nakakaangat ito sa amin pero walang pumapansin sa kanya. Walang bumabati kapag dumadaan at walang kaibigang pumupunta sa mansyon niya. Kung mag imbita man ito ay sigurado akong walang pupunta.
Dati siyang nakulong sa kasong pagpatay. Pero dahil daw sa pera at malawak na impluwensya ay nakalabas ito ng kulungan. Kahit na may saksing nakakita na patakbo itong lumabas ng mansyon, may dugo sa kamay at hawak ang baril. Bumabagyo ng gabing iyon. Iilan ang lumabas para makita ang nangyari sa krimen.
Pinatay niya ang Papa at Mama niya. Hindi na raw siya binalikan ng kanyang Lolo Marcel dahil doon. Wala nang balita tungkol sa matanda. Naiwan sa pangangalaga ni Wyatt ang mansyon at negosyo nila.
Our community avoided him. He was an outcast. If anyone of us try to talk to him, he or she will be going to be like him. Hated. Pandidirihang na higit pa sa basura. Tatratuhing basura.
At ayokong mangyari rin sa akin iyon nang dahil sa nakapunta ako sa Isla Encanto. Ang masasabing kong; “Ang isinumpang isla.”
Hindi na ako makatulog kaya bumangon na ako at nagpalit ng damit.
Nang mag umaga ay tumila ang malakas na ulan pero madilim pa rin ang kalangitan. Sinimulan ko nang ihanda ang mga rekado sa handaan mamaya. Nasa silong na ako ng bahay namin at siyang pwesto ng maliit na karinderya, nang dumating si Tiyang Rosaryo.
“Magandang umaga po, T’yang.”
Natigilan siya pagkakita sa akin at sa ginagawa kong paghuhugas sa mga gulay.
“Bakit nandito ka pa? Mag ayos ka na at baka ma-late ka sa kasal ni Honey.”
Tila may pait akong naramdaman pagkarinig no’n. Pinatay ko ang gripo at nilagay sa strainer ang mga gulay. “Hindi naman po ako kasali sa entourage, T’yang. Ako na lang po ang magluluto,”
Binuksan ni T’yang Rosaryo ang mga bintana ng silong.
“’Yang kambal mo talaga, hindi ka man lang naisip na isali. Puro sa partido siya ng mapapangasawa niya kumuha ng bridesmaid. Ikaw ‘tong kambal ay initsapwera.”
“Kasama naman po si Hemiel, T’yang.”
“Kahit na ba. Triplets kayo kaya dapat sinama ka rin niya!”
Sa totoo lang, medyo sumama ang loob ko dahil hindi ako sinali ni Honey sa kasal niya. Nang malaman kong ikakasal na sila ni Riyu ay na-excite ako bigla. Sa pagkakaalam ko ay galing sa mayamang pamilya si Riyu. Taga-maynila at nakapagtapos na rin ng pag-aaral. Mag iisang taon na silang magboyfriend ni Honey bago magpakasal.
I imagined myself wearing a pink gown. Pink kasi ang motif na kulay sa kasal. Pero si Hemiel lang ang kinuha dahil kumpleto na ang entourage nila. Hindi naman ako nagprotesta. Nakakahiya. Saka okay lang din kung hindi. Dahil kung sumama ako roon ay walang makakatulong si T’yang na magluto para sa handaan.
“Iniisip ba ng kapatid mong dahil nakapunta ka sa Isla Encanto kaya malas ka sa kanila?”
Natigilan ako. Kumalabog ang dibdib ko. Nilingon ko si T’yan Rosaryo na ngayon ay umiiling habang nagwawalis at inaayos ang mga mesa at upuan.
“H-Hindi po, T’yang . . .”
Tumigil siya at binalingan ako sa walang pintong kusina. “Heizel, bakit ba pumapayag kang inaapi ng dalawang kambal mo? Kita mo, silang dalawa nakatungtong sa kolehiyo. Samantalang ikaw, pinahinto para palakarin itong karinderya ng tatay mo. Habang nagpapakasaya sa buhay ang dalawa mong kapatid, ikaw naman ay nagpapakahirap para may maibigay na pera.”
“Ginusto ko rin naman ‘to, T’yang. Marunong akong magluto at magmanage ng negosyo,”
Bumuntong hininga siya at umiling. Binalik niya ulit ang atensyon sa pagwawalis.
“Kung nakatapos ka malamang ay nakakilala ka rin ng may kayang lalaki sa maynila. O foreigner na boyfriend tulad ng kay Hemiel. Iniwan nilang dalawa ang pag aalaga sa tatay mo sa ‘yo. Kung hindi siguro maagang namayapa ang nanay po ay baka iba ang sitwasyon mo ngayon. Baka may boyfriend ka na rin. Ayaw mo bang mag asawa na lang nang makaalis ka rito sa atin?”
Umilinga ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko pa iniisip ang sarili na may karelasyon. Ang priority ko ay maalagaan ang tatay dahil hirap na ito sa paglalakad. Hindi rin naman pumapayag ‘yon na walang ginagawa. Siya ang palaging tumatao sa sari sari store namin na kakaunti ang laman.
At tungkol sa pag-aaral, kahit hindi ko natapos ang Hotel and Restaurant Management kong kurso ay masasabi kong marunong pa rin naman ako. Mahilig akong magbasa at nakakapagsalita ng English. Sa tingin ko nga, hindi lang sa diploma malalaman ang karunungan ng isang tao. Hindi naman natatapos sa pagtatapos sa college ang mga kailangang matutunan sa buhay, e. Hindi lahat ay sa eskwela matutunan.
Hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang pag aaral. Mahalaga pa rin iyon. Pero kung hindi naman pinalad na makapagtapos, ‘wag ka pa rin mawawalan ng pag-asa sa buhay.
“Kung dito ka sa Laurel maghahanap ng mapapangasawa, naku, hindi ka makakaalis dito. Pumili ka nang maayos na lalaki. ‘Yung kaya kang panindigan, Heizel.”
Sinimulan kong balatan ang patatas habang nakatayo sa gilid ng mesa. Ewan ko. Bakit kaya hindi ko makita ang sarili na nakatira sa kamaynilaan? Maganda raw doon at may matatas na building. Kaso, ano’ng gagawin ko sa matatas na building o tanawin ng magagandang sasakyan sa high way? Hindi ba nila alam na panandaliang aliw lang ‘yun sa mata? Kapag nagtagal nga’y magsasawa ka rin.
“Malaki naman po ang Batangas, T’yang. Malay natin. Baka nasa kabilang bayan lang siya. Sa Lemery . . . Agoncillo . . . Tuy . . . nandyan lang ‘yan.” Tumawa ako at nilingon siya.
Sumimangot si T’yang sa akin. “Kung may Farm o Rancho ay sige, pababayaan kita. Pero kung katulad ng tatay mo, e ‘di bale na.”
“T’yang naman.”
She laughed and made a peace sign. “’Wag kang maingay kay Gerry at baka pagalitan ka pa.”
Nagtawanan kami ni T’yang Rosaryo. Nang lumakad ang oras ay nag concentrate na kami sa pagluluto at handa sa silong. Dumating din ang inarkila naming mga dagdag na upuan at mesa. Nasa hotel ang mga kapatid ko at si tatay. Doon na sila inayusan para sa kasal ni Honey. Naiwan naman ako rito sa bahay para asikasuhin ang kanilang reception.
Payak at simple ang buhay namin dito sa Laurel. Kapag may extrang pera ay bumibili ako ng mga gamit sa pagpipinta. Sa lahat ng gawain, iyon ang magastos para sa akin. Iyon lang din ang hilig ko.
As a gift, ginawan ko ng portrait sina Riyu at Honey. Pagkatapos sa pag aayos ay naligo ako at nagbihis. Sinuot ko ang lumang bestida ni nanay. Floral na damit. Short sleeves at hanggang taas ng tuhod ang haba ng tela. Pinusod ko ang buhok ko at nag iwan ng ilang hibla sa gilid ng noo. Lumapit ako sa salamin at pinahiran ng kulay red na lipstick ang labi ko. Isang pahid lang dahil ayaw ko nu’ng masyadong mapula.
Ginuhitan ko ng eyeliner ang ilalim ng mga mata ko at pati ang kilay ko. Sinunod ko ang blush sa magkabila kong pisngi.
“Nand’yan na sila, Heizel!” sigaw ni T’yang.
“Bababa na po!”
Nagmadali ako sa pagliligpit ng gamit. Sinilip ko ulit ang sarili sa salamin. Pinasadahan ko mukha at suot. Pagdating sa mga paa, napaigtad ako.
“Wala akong sapatos!” napagtanto ko.
Lumuhod ako at sinilip ang ilalim ng papag. May isang lumang shoe box doon. Inabot ko iyon at binuksan. I saw my mother’s black stilletos. Luma na rin iyon. Umupo ako at sinuot iyon. Tiningnan ko ang paa ko.
“Maayos pa naman. Pwede na.” sabi ko. Wala na rin naman akong pagpipiliang iba.
Naririnig ko na ang malakas na tawanan, tuksuhan at hiyawan sa silong namin. Nagmadali ako sa pagbaba.
“Kiss! Kiss!”
“Go, Riyu!”
Dumating na sila. Pagbaba ko ay sumilip ako sa mismong reception nila. Ang gaganda ng suot ng mga bisita pati ng gown na kulay pink. Si Hemiel ay nakita kong ginagamit ang mamahalin niyang cellphone para kunan ng video ang bagong kasal.
“Nand'yan ka na pala. Lumabas ka ro’n at makisali sa mga kapatid mo.”
Hindi ko na nilingon si T’yang Rosaryo. Gusto ko na ring pumunta roon at maki-celebrate sa bagong kasal. Kaya tumayo ako nang tuwid. Hinatak ko pababa ang palda at tumikhim.
“Aba, ang seksi mo pamangkin, a. Manang mana sa Tita.”
Natawa ako at nilingon si T’yang. Tinulak niya ako ulit palabas ng kusina.
Kinakabahan ako. Lumakad ako palapit sa mga bisita. Malapit na ako sa unang mesa nang tumagilid ang kanang paa ko. Bumuhos ang lamig sa mukha ko nang maramdamang nabiyak ang takong ng suot kong stiletto.
May naapakan akong matigas na bagay. Para bang may tumulak sa akin at bumunggo ako sa malapit na mesa!
Nahila ko ang puting telang sapin ng mesa at nabasag sa sahig ang mga wala pang laman na plato, baso at kubyertos.
“Ay!”
Tumama ang siko ko sa sahig. Pati ang braso at gilid ng balakang. Tumili ang ilang nakakita at nagulat. Pagsamlampak ko sa sementandong sahig ay tumahimik din ang lahat.
Ininda ko ang sakit sa balakang at napahawak doon. Agad akong nilapitan ng isang kilala kong kaibigan ni Riyu at inalalayang makatayo.
“Are you okay?” nag aalala niyang tanong.
Hiya, panlalamig at kaba ang una kong naramdaman. Tumango pa rin ako kahit masakit ang balakang ko at siko.
Lumapit si Hemiel. Nakatayo na rin si Honey at nakaawang ang labi dahil sa gulat.
“Mang aagaw ka pa ng eksena rito, Heizel. Ano ba ‘yan?” inis na sabi ni Hemiel.
“S-sorry. Natapilok ako,” niyuko ko ang suot na sapatos.
“Sira na ‘yang sapatos mo.” sabi ng lalaking kaibigan ni Riyu.
Marami ang tumingin sa sapatos ko kaya mas lalo akong nahiya sa kanilang lahat.
“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Heizel?” si T’yang na pumalit sa paghawak sa akin.
“Tingnan niyo, T’yang. Binasag ni Heizel ang mga pinggan at nagkalat pa! Parang batang lalampa lampa!”
Hinila ako ni T’yang. Yumuko ako at lumunok sa pagkapahiya.
“Eto naman. Hindi ‘yan sinasadya ni Heizel. Natabig lang,”
“It’s an accident, Hemiel.”
Hindi ko magawang tingnan ang lalaking iyon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng init sa puso.
“Aksidente. Galit ‘yan kasi hindi kasama sa abay. Kita mo, malas pa. Hinawaan ng kamalasan ‘yan pagkagaling sa isla Encanto!”
“Tumigil ka, Hemiel!”
Parang kidlat na sumabog ang boses ni tatay. Napatakip na lang ng mukha si Honey na tila hindi makayanan ang nangyayari. Kaya hinila ko ang kamay ni T’yang para bumalik na lang kami sa kusina. Nagpatianod naman siya at sumunod.
Sinundan kami ni Hemiel. Hinaklit niya ako sa braso. Malakas. Halos gusto niya yatang putulin ang braso ako sa balikat ko.
Nanlilisik ang mga mata niya sa akin.
“Kita mong ginawa mo, ha? Sinira mo ang kasal ni Honey at Riyu. Sinabotahe mo.”
Gano’n ba talaga ang tingin niya sa akin? Na kaya kong sirain ang masaya sanang araw ng kambal namin? Umawang ang labi ko.
“Hindi ‘yon sinasadya ng kapatid mo.” sagot ni T’yang.
“Kampihan niyo pa ‘yan nang mas lalong gumawa ng kamalasan. Kaya nga hindi sinama ‘yan sa kasal, e. Kasi ganito ang mangyayari. Ganito ang gagawin mo.”
Yumuko ako. Tiningnan ko ang lumang sapatos ni nanay.
“Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Nabali ang takong nitong sapatos-“
“Nagbibihis ka pa kasi. Hindi naman bagay sa ‘yo. Hindi ka na lang dapat lumabas ng kusina.”
“Hemiel. Sumusobra ka na, ha.” Pagtatanggol pa rin sa akin ni T’yang.
“Pang kusina ka lang!”
That was her last words. Inismiran pa niya ako bago lumabas ng kusina. Mangha akong hinarap ni T’yang Rosarya. Tinuro niya ang labas habang nakatingin sa akin nang gulat ang mukha.
“Kung hindi kayo magkamukha, iisipin kong hindi kayo magkadugo. Bakit gan’yan ang kambal mo? Nakatikim lang magandang buhay . . . minamata ka na. Hindi ba ‘yan napagsasabihan ng tatay mo?”
Hindi na ako sumagot. Naninikip ang dibdib ko at parang gusto ko na lang na magtago at mag isang iiyak ang lahat nang ito. Hemiel wasn’t always like that. Masungit siya sa akin pero hindi naman palaging gan’yan kalala. Naiintindihan kong dahil sa okasyon ay pressured lang ang kambal ko.
Nilakasan ang music sa labas. Nagpatuloy ang kasiyahan. Inis na kinuha ni T’yang ang walis at dustpan.
“Kaya mag asawa ka lang din. Nang hindi ka maburo rito at apihin ng mga kapatid mo.” sabi niya bago lumabas.
Hinubad ko ang suot na sapatos at nag tsinelas na lang. Tinabi ko sa plastic ang stiletto ni nanay. Dapat naisip kong luma na ito. Hindi na pwedeng gamitin. Pero bakit ko pa tinatago kung ganoon? Hindi dahil sa alaala? Kaya dapat hindi ko na lang sinuot at nang hindi nagkaproblema.
Lumabas ako ng kusina pero hindi na pumunta sa kasiyahan. Sa gilid ng bahay, naglakad pa ako patungo sa aspaltong kalsada. Basa ang sahig. Puno ng tao ang silong namin. Kahit ganoon, walang nakikita na nandito ako.
Umupo ako sa mahabang bangkong naroon. Parang pinipiga ang puso ko. Kumikirot at humahapdi. Bakit sa dami ng pwede kong gawing mali, iyon pang sirain ang handaan sa kasal? Sa dami ng pwedeng masira, ang suot ko pang sapatos?
“Miss Heizel Gethsemane?”
Nag angat ako ng tingin sa taong nakatayo sa aspaltong kalsada. Natulala ako sa kanya.
“Sino po kayo?”
Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko naramdaman ang pagdating ng matandang ito. Lumapit siya sa akin.
“Ikaw ba si Heizel Gethsemane de Leon, hija?” ulit niyang tanong.
Gulat man, wala sa sariling tumango ako. Sino ba ‘to?
He smiled and handed me a white envelope. Umawang ang labi ko.
“Ano ho ‘yan?”
“Kunin mo at basahin.” Utos nito.
Hindi na ako sumagot. He looked formal. Maraming tao sa bahay, kapag may ginawang masama itong matanda ay sisigaw ako nang sisigaw. May itak din sa kusina. Tiyak kong hawak iyon ni T’yang Rosaryo habang sumusugod dito sa labas.
Kinuha ko ang sobre at nilabas ang puting papel na nakatiklop. Sulat kamay iyon ng kung sinong nilalang. This got my attention because it has my name written!
Miss Heizel Gethsemane,
I have a very important offer. I am asking you to give me my heir. In return, I am willing to pay twenty-million pesos and a house and lot all for you. If you’re interested, please tell us when will you be available to meet and talk the details.
Wyatt Lucas V.
Tinitigan ko ang nakapirmang pangalan. Just like that, my jaw dropped.