Kabanata 7

1432 Words
Tanya’s POV Late na naman ako. Nakaabang lang sa kanto si Kuya Jon, yung driver namin, naka-deadma na sa paulit-ulit kong excuse tuwing nahuhuli ako ng gising. “Tanya, baka naman pwedeng ayusin mo ‘yung alarm clock mo,” sabi niya na parang hindi ko pa naririnig ‘yon nang isang daang beses. Hindi na uubra ang katarayan ko kay Kuya Jon kasi kilalang-kilala na niya ako. Isa pa, may power na rin siyang magsumbong kay mommy at daddy kaya tiklop ako sa hinayupak na ‘to. Kung bakit kasi bumalik pa siya dito sa mansiyon. Matagal na siyang nasa bakasyon kasi umuwi siya sa probinsya nila. Ang akala nila mommy at daddy ay hindi na siya babalik, pero nung isang araw, nagulat kami kasi nandito na siya ulit. Close kami, oo, madalas ay pinapayagan niya ako sa mga bisyo kong paggagala, pagsa-shopping at kung minsan ay nagba-bar. Kaya lang lately, parang nawala ‘yung loyal niya sa akin. Para bang nagpapa-goods ulit siya kay mommy at daddy kaya back kami sa simula. Tinatarayan ko na siya ulit, pero nakakagulat kasi lumalaban na siya sa akin. Palibhasa’t may permiso siya sa parents ko. “Nakakaloka, Kuya Jon. Sabi ko sa’yo, I don’t need you na, okay na ako sa bago kong driver,” sabi ko habang pasimpleng tumingin sa side mirror ng sasakyan. Lagi na lang ganito—every single day, same argument with Mommy and Daddy. Pero, sa isip ko, kaya ko naman mag-isa na talagang pumasok sa school. Hindi naman totoo na may mga kidnaper at holdaper doon. “You know the rules, Tanya. Your parents just want you to be safe,” sagot ni Kuya Jon. Umirap ako pero hindi na ako sumagot. Pagod na akong paulit-ulitin na safe naman sa school namin, sa Sta. Monica College. Lahat ng tao dun kilala na ako, like, literally everyone. Kasi nalaman nila na anak ako ng sikat na may-ari ng mga bilihan ng baril dito sa Pilipinas. Nalaman ko pa nga na ‘yung ilang sa mga papa at kuya nila sa amin bumibili ng mga armas. Kaya di ko ma-gets bakit kailangan pa ng bodyguard. Pagdating sa gate ng Sta. Monica, bumaba na agad ako. Ayoko nang nagtatagal sa sasakyan dahil alam kong sisimulan na naman ni Kuya Jon ang sermon na ‘yan. Feeling daddy ko. Ang epal na niya talaga ngayon. “Tanya, ingat. Call me kapag tapos na klase mo,” pahabol niya habang papalabas ako ng sasakyan. Tumingin ako sa relo ko. Great, seven fifthy eight na. Two minutes bago mag-bell. Tumakbo ako papunta sa main building, pero sa totoo lang, wala na akong balak habulin pa ‘yung first period. Minsan, gusto ko na lang i-escape lahat. Kaya siguro mas pinili kong dumaan sa likod ng campus, sa path na hindi masyadong dinadaanan. Minsan kailangan ko rin ng break sa mga taong laging nakatitig at nangungumusta. Ah, basta, minsan ayoko ng mga feeling close na mga student. Nalaman lang nila na sobrang yaman namin, ganoon na sila. Sabi nga ng mga kaibigan ko, ganito dito. Kakapit at makikipagkaibigan sila sa mga mas mayayaman. Habang naglalakad ako, may napansin akong van na nakaparada sa gilid ng kalsada. Walang plates, tinted, at sa tingin ko, medyo sketchy talaga. Medyo bumilis lakad ko at nag-decide na huwag na lang pansinin. Baka nagmamaktol lang imagination ko dahil sa late night binge-watching ko ng crime documentaries kagabi. Pero biglang bumukas ‘yung pinto ng van, and before I knew it, may dalawang lalaki na biglang bumaba. Nagkatinginan kami saglit at alam ko na agad na may mali. Hindi ko na inantay na magka-eye contact pa kami nang matagal. Tumakbo na ako kahit na naka-high heels ako at hindi talaga practical ‘yung choice ko for today. Pero wala, instinct na ‘to. Run or get caught, diba? Nasa likod ko na sila. Naririnig ko yung mga yapak nila, malalakas at mabilis. “Miss! Huwag kang tatakbo!” sigaw nung isa pero sino bang tanga ang maniniwala sa ganoong linya? Lalo na kung alam mong wala namang ibang tao sa paligid. “s**t, s**t, s**t!” nanginginig akong sabi habang pilit kong tinatanggal ‘yung heels ko. Nakaka-bad trip! Bakit ba kasi ako nagsuot ng heels sa araw na ‘to? Pero sa moment na ‘to, wala na akong pakialam kung ma-scrape ko man ‘yung paa ko sa kakasayad sa concrete. Makatakbo lang ako nang maayos, okay lang. Sinubukan kong mag-dash papunta sa mga buildings, but I realized na ang layo pa rin ng main entrance ng school. At ‘yung mga tao, nasa loob na, wala akong makitang dumadaan sa ganitong oras sa likod. Ang alam ko lang, kailangan kong umabot sa main door, kahit maaga pa, para lang makakita ng security guard o kahit sino na puwedeng sumaklolo. Habang tumatakbo ako, nararamdaman ko na lumalapit sila. Parang may mga kamay na anytime, puwede akong hablutin. Naalala ko lahat ng kwento ni Mommy at Daddy na laging paulit-ulit sa’kin—na dahil sa pera nila, lahat ng kalaban nila puwedeng gumawa ng masama, puwedeng manakit, puwedeng manggulo. Akala ko dati nag-eexaggerate lang sila, pero sa mga sandaling ‘to, parang gusto ko na lang umiyak at magdasal na sana tama si Kuya Jon sa mga sinabi niya. Napansin ko na lang na tumigil ako sa tapat ng isang malaking puno sa gilid. Hingal na hingal, pero hindi ko na rin alam kung kaya ko pang magpatuloy. Para akong asong habol na habol ang hininga, pero wala akong ibang choice kundi lumaban. “Babae! Huwag ka nang umarte pa, sumama ka na lang ng maayos!” sigaw nung isa pero ramdam ko ‘yung tensyon sa boses niya. May hawak na silang something, parang batuta o baril. Pero ‘di ko na inalam. Takbo pa rin, kahit pa nararamdaman ko na ‘yung pamamanhid ng paa ko sa takbo. Bago pa nila ako ma-corner, tumalon ako sa isang bush sa tabi ng pathway at naglakad paakyat sa hill papunta sa isang lumang gazebo na alam kong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. Dito, nagtatago ‘yung mga magkakaklase na gusto ng privacy, or minsan mga smokers na ayaw mahuli ng guard. Kahit papano, kahit konting paghinga lang. Dumating ako dun at sumandal sa pader ng gazebo, pinapakalma ko ‘yung puso kong parang gustong kumawala. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong tawagan si Kuya Jon o kahit sino. Sinubukan kong hanapin yung phone ko sa loob ng bag ko pero, sira pala yung lock ng zipper at nawala ito sa daan. Diyos ko naman! Parang lahat na lang ng malas sa mundo, sa akin bumagsak ngayon. Tahimik lang ako habang nakikinig kung nasaan na ‘yung mga humahabol sa akin. May mga sigaw pa rin akong naririnig, pero unti-unti nang lumalayo. Thank God! Napaisip ako kung kaya ko bang tumakbo ulit pabalik sa main entrance o magtago na lang dito hanggang may dumating na guard. Pero bago pa ako makapag-decide, narinig ko na may mga footsteps na papalapit. Lumingon ako sa likod, at nakita ko ‘yung dalawang lalaki na halatang naghahanap pa rin sa akin. Hindi sila sumusuko. Oh God, please. Hindi pwede. Hindi pwede. Bago pa man sila makalapit nang husto, bigla kong narinig yung ringtone ng phone ko. “Oh my god!” kinapa ko agad sa bulsa ng uniform ko. Hindi ko pa pala na-on yung silent mode kanina dahil sa pagmamadali. Nasaan na ‘yung tamang timing, di ba? Pakiramdam ko, mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko. Pero wala akong choice—kailangan kong itago ang ingay. Agad kong pinatay ‘yung phone at nagdasal na sana, hindi nila narinig. Sana talaga. Tumakbo ako palabas ng gazebo, kahit alam kong risky. Pero this time, instead of heading straight back to school grounds, niliko ko ‘yung daan papunta sa isang construction site na abandoned. Alam kong risky, pero kailangan ko ng mas secured na taguan, at least saglit lang, para maghanap ng tulong. Pumasok ako sa isang maliit na building na parang storage room. Buti na lang at unlocked. Pagkapasok ko, sinarado ko agad ‘yung pinto at ni-lock mula sa loob gamit ‘yung isang bakal na nakasandal sa gilid. Humihingal pa rin ako at pilit kong hinahanap ‘yung tamang paraan para kumalma. Mula sa maliit na bintana ng room, nasilip ko ‘yung mga lalaki. Nasa harap na sila ng storage room na pinasukan ko. Nanginginig na ako, at hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Pero alam ko, isa lang ang malinaw: kailangan kong lumaban para makaligtas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD