Tanya’s POV
Dinig ko ang mabigat na yapak ng mga lalaki habang paikot-ikot sila sa labas ng building. Nakayuko ako sa sulok ng storage room, nanginginig at hawak-hawak pa rin ‘yung bakal na naka-lock sa pinto. Iniisip ko kung mabuksan nila ‘tong pinto, ano bang laban ko? Pero wala akong balak sumuko nang ganun-ganun lang.
“Tanya, relax. Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi ‘yun para kumalma kahit alam kong nanginginig pa rin ako sa takot. Binigyan ko ng focus ang pandinig ko para malaman kung lumalayo na ba sila o nandyan pa rin sa paligid.
Nagkaroon ng katahimikan. Siguro nag-uusap sila o baka nagpa-plano kung paano bubuksan ‘tong pinto. Naisip ko, baka puwedeng gamitin ‘yung mga gamit dito sa storage para makatakas ako. Wala masyadong gamit, mga kahon lang at mga sirang upuan. Pero napansin ko ‘yung isang maliit na bintana sa likod na parang puwede kong daanan. Kaso, ang liit ng space. Kailangan kong maging mabilis at tahimik.
Unti-unti, naglakad ako papunta sa bintana habang pilit kong hindi pinapansin ‘yung takot na unti-unting sumasakal sa akin. Pinilit kong itulak yung bintana, pero hindi agad bumukas. Medyo kinakalawang na kasi at narinig ko pa ‘yung tunog ng metal na nagagalaw. “s**t!” sobrang hina ng bulong ko, hoping na hindi narinig ng mga nasa labas.
Nagtagal ako sa pagbukas ng bintana pero finally, nag-swing ito pa-open. Sumilip ako, at buti na lang at may maliit na space na puwedeng lusutan. Hindi na ako nag-isip pa. Humakbang ako palabas, sinubukang ipasok ‘yung ulo ko sa makitid na space, at unti-unting ipinasok ‘yung katawan ko hanggang sa makalabas ako nang tuluyan.
Nasa likod na ako ng building, sa mas madilim na parte na may mga damo at basura. Pero okay na ‘to kaysa mahanap nila ako. Dahan-dahan akong naglakad palayo, ang hirap pigilan ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka bigla silang sumulpot.
Nang makalayo ako ng kaunti, tumakbo na ako nang mas mabilis. Hindi ko na inisip ‘yung gasgas sa tuhod ko o ‘yung sapatos kong naiwan sa loob ng storage room. Lahat ay ginawa ko para makarating sa likod ng school building. Nakita ko yung likod ng gym, kaya’t diretso ako doon, nagtatago sa bawat poste na madaanan ko.
Nang makapunta ako sa likod ng gym, agad akong umupo sa gilid at kinuha ‘yung phone ko. Sinubukan kong tawagan si Kuya Jon pero walang signal. Napamura na lang ako. “Bakit ba kasi ngayon pa?!” Pero alam ko kailangan kong mag-isip ng mabilis. Tumakbo ako papunta sa harap ng gym, at sa wakas, nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
Si Kuya Dominguez, ‘yung security guard sa gym, naka-upo at nagkakape lang. Parang gusto kong umiyak sa relief. Agad akong lumapit sa kanya, hinihingal pa rin at parang naluluha na. “Kuya, tulungan niyo po ako!” sabay hawak ko sa braso niya. Nagulat siya at nabitawan agad ang hawak niyang tasa ng kape.
“Tanya? Anong nangyari?” tanong niya habang nag-aalala na rin sa hitsura ko.
“May humahabol sa akin, kuya. May mga lalaki, gusto nila akong dukutin!” hinabol ko ang hininga ko habang sinasabi ‘to. Ramdam ko ‘yung pagod at takot na parang hindi na natatapos.
Agad siyang tumayo at inakbayan ako. “Teka, teka, kalma ka lang. Dito ka muna sa loob ng guardhouse. Tatawag ako ng backup.”
Pinasok niya ako sa guardhouse na nasa tabi ng gym. Hindi na ako nagdalawang-isip. Finally, safe na rin ako. Pinaupo niya ako sa isang upuan habang kinukuha niya ‘yung radio at sinasabi ‘yung sitwasyon. Sa wakas, narinig ko ‘yung mga boses sa kabilang linya na nagsasabing paparating na sila.
Tumulo na lang ang luha ko. Hindi ko na napigilan. Nandito na ako sa ligtas na lugar, pero ‘yung kaba sa dibdib ko, nandiyan pa rin. Naaalala ko pa rin ‘yung mga mukha nung mga lalaki at kung gaano kalapit na sana nilang makuha ako.
Habang hinihintay ko ‘yung mga iba pang guards na dumating, bigla kong naisip si Mommy at Daddy. Lahat ng warnings nila, lahat ng sinasabi nilang ingat, lahat ‘yun bumalik sa isip ko. Alam ko na, na hindi sila nag-eexaggerate. Hindi biro ‘yung sitwasyon ko at ngayong nandito na ako, parang gusto ko na lang yakapin si Mommy at humingi ng tawad sa lahat ng kaartehan ko dati.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang ibang guards kasama si Kuya Jon. Kitang-kita ko sa mukha niya ‘yung pag-aalala at takot. Agad niya akong niyakap nang mahigpit, at hindi ko na napigilan ang sarili ko—umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. Wala na akong pakialam kung makikita man ako ng ibang estudyante o ng staff. Pagod na pagod na ako at sa wakas, safe na talaga ako.
“Tanya, thank God you’re safe,” bulong ni Kuya Jon habang hinahaplos ang likod ko. “I’m so sorry. Dapat sinamahan na kita kanina.”
Huminga ako nang malalim, pinipilit kumalma kahit hindi pa rin nawawala ‘yung pagkatakot ko. “Kuya Jon, sorry din. Dapat pala nakinig ako sa inyo nina Mommy at Daddy.” Hindi ko mapigilan isipin na kung hindi ako nagpumilit na mag-isa, baka hindi ko na kailangang maranasan lahat ng ‘to.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ‘yung mga pulis at nakipag-usap sa amin. Kinuwento ko lahat ng nangyari, mula sa pagtakbo ko hanggang sa pagtatago sa gazebo. Gusto nilang makita ‘yung van na sinasabi ko, pero by the time na bumalik kami sa lugar, wala na ‘yung mga lalaki. Tumakas na sila. Parang biglang bumagsak ang mundo ko. Walang nakitang ebidensya. Walang makakapagturo kung sino talaga sila o kung bakit nila ginawa ‘yun.
Habang binabalikan namin ‘yung storage room kung saan ako nagtago, napansin ko ‘yung mga bakas ng sapatos sa sahig. Mga malalaking footprints, halatang minadali. May iniwan silang open na toolbox sa gilid, pero wala namang significant na clue na naiwan.
“Tanya, magpahinga ka na muna. Ang importante, safe ka na ngayon,” sabi ni Kuya Jon habang binabalot niya ako ng jacket na kinuha niya sa sasakyan. Hindi ko na lang pinilit na sagutin. Gusto ko lang matapos ‘to, gusto ko lang bumalik sa bahay at yakapin si Mommy.
PAGDATING sa bahay, nandun na si Mommy at Daddy, parehong nag-aalala pero kita ko rin yung relief sa mukha nila na safe na ako. Agad akong niyakap ni Mommy at ramdam ko ‘yung sakit sa dibdib niya. “Tanya, my God, akala ko—”
Hindi na niya natuloy ‘yung sasabihin, pero alam ko na. Alam kong takot na takot siya. Pareho kaming takot.
Tumayo si Daddy sa gilid, tahimik pero alam kong puno ng emosyon. Sa wakas, nagsalita siya, “Tanya, please. Huwag ka nang magmatigas. Your safety is the most important thing to us. Kaya namin ginagawa ‘to dahil mahal ka namin.”
Niyakap ko si Daddy at sa unang pagkakataon, naintindihan ko na yung perspective nila. “I’m sorry, Daddy. I’m sorry, Mommy. Hindi ko na uulitin. I promise.”
Nakita ko yung ngiti sa mga mukha nila kahit may bakas ng luha. Hindi na mahalaga sa’kin kung ano pa ang kailangan kong gawin para mag-ingat. Basta sa susunod, alam ko na—kailangan kong pahalagahan ang safety ko, hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa kanila.
Habang nakahiga na ako sa kama ko, pinag-isipan ko lahat ng nangyari. Nakaligtas ako sa isang bagay na mas malala pa sana. Napapikit ako, huminga nang malalim, at nagpasalamat sa Diyos sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin. Simula ngayon, hindi na ako magmamatigas pa.
Papikit na ang mga mata ko nang makatanggap ako ng message kay Kuya Boris.
“See you, tom.”
Napabuntong-hiniga ko. Dahil sa nangyari sa akin, parang nawalan ako ng gana na magpa-tattoo pa. Kasi naisip ko na kapag nakita nila mommy at daddy ang tattoo sa dibdib at hita ko, tiyak madidismaya na naman sila sa akin. Ayoko nang pasakitin pa ang mga ulo nila. Kaya hindi na ako puwedeng magpa-tattoo talaga.
Pero, paano ko sasabihin ‘to kay Kuya Boris. Nahihiya ako.