Cyrine's POV Bumama ng ligtas ang helicopter ni Chard sa isang malawak na helipad. Pinatay na niya ang makina tsaka bumaba. Lumipat naman siya sa kabilang side para alalayan akong bumaba. Nang makababa ako kinuha naman niya ang maleta ko at sabay kaming naglakad papunta sa isang malaking bahay. Paglapit namin sa bahay na yun ay may nakatayong isang matandang babae at lalaki. "Apo ko" masayang sabi ng matandang babae at niyakap ng mahigpit si Chard tsaka pinaghalik-halikan sa pisngi. Napangiti naman ako sa kakulitan ng lola ni Chard. "Tama na po lola" nahihiyang sabi ni Chard. "Jusko nahiya pa ang apo ko sa kasama niya" pang-aasar ng lola niya. "Siya na ba yun apo?" nakangiting tanong naman ng lolo niya habang nakatingin sa akin. "Siya na nga po yun lolo" sagot naman ni Chard. Ako ba