Cyrine's POV Isang Linggo na ang nakalipas at mas nagiging sweet pa sa akin si Chard kaya naman mas lalo ko rin siyang minamahal. Wala ngayon si Chard dahil nasa Makati siya. Gusto niya nga akong isama kaya lang may lakad kami ngayon ng mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa garden namin at dinidiligan ko ang mga magagandang bulaklak. Katatapos lang namin kumain kaya nag papababa muna ako ng kinain ko. Mamaya pa naman 1:30 P.M ang dating nila Gab sa bahay namin. "Ms. Cyrine, may package ka na dumating" sabi sa akin ng isa sa mga bodyguard. Kinuha ko naman ito. "Pero next week pa ang birthday ko" nagtatakang sabi ko. "Sige salamat po" sabi ko sa guard at umalis na sa harap ko. Umakyat naman ako sa kwarto ko para doon buksan ang package. Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong naupo sa kama