Cyrine's POV "Mag-iingat kayo sa byahe" sabi ni lola sa amin ni Chard. "Opo lola, mag-iingat din po kayo dito" sabi ko kay lola at niyakap siya. Niyakap ko na rin si lolo at Katty. "Kelan ulit ang balik niyo dito?" tanong ni lolo kay Chard. "Hindi ko pa alam lolo" sagot ni Chard sa lolo niya. "Lola, punta po kayo sa birthday ko sa May 14. Imbitado po kayo" nakangiting sabi ko. "Sige ba apo, asahan mo makakarating kami" ngiting sagot ni lola. "Sige po, mauna na po kami ni Chard" sabi ko sa kanila. Inalalayan naman ako ni Chard na sumakay sa helicopter at umikot na siya sa kabilang side para pumasok. Agad niyang kinabit ang seatbelt ko at ang headset. Pagkatapos ay ang kanya naman ang kinabit niya. Inantay niya muna na makalayo sila lola sa helipad bago buksan ang makina. Unting-unt