Kabanata 45
Hindi ko sila pinapansin, maganda ang umaga ngayon, pero kahit na ganoon, hindi ako umiimik. Kahit na tumingin sa kanila ay hindi ko ginagawa. Pero kayna Kith at Aztar, sumasagot naman ako sa kanilang mga tanong, maliban na lang sa kanila ni Hamina at Ave, na parang ang mukha ay hindi ko maintindihan. Parang gusto nila akong kausapin pero nahihiya sila sa akin.
Bahala sila, iyan ang gusto nila ‘di ba? Saka kung gusto nilang mag-sorry sana kagabi pa, o kaninang paggising. Ano baa ng ikinahihiya nila sa akin? Pareho lang naman kaming mga taong ipinadala sa isang misyon, na binigyan ng mga kapangyarihang gagamuitin namin sa oras ng labanan at sa oras na may kapahamakan sa amin. Kaya anong mayoon sa kanila?
Natatakot ba sila sa akin? Sa kapangyarihan ko? Kung ganoon ang nararamdaman ko, bakit hindi nila sabihin? Ano namang nakatatakot sa kapangyarihan ko? Wala namang dapat na ikatakot, kasi para lang naman mga kapangyarihan sa isang video games ang kapangyarihang mayroon ako.
Uminit bigla ang aking kwentas, kaya alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito. Kinuha ko na muna ang kwentas sa aking leegan nang inilagay ko ito sa gitna namin.
Bumungad sa amin ang mukha ni Eon na ngayon ay seryosong nakatingin sa aming lima.
“Magandang umaga sa inyong lahat diyan,” masayang bungad niya sa amin.
“Magandang umaga rin, Eon.”
“Magandang umaga, Eon.”
“Yeah, hi, Eon, good morning.”
Hindi kami sabay-sabay na bumabati. Saka matatamlay pa an gaming mga boses nang bumabati kami kay Eon, mukhang napansin naman kaagad iyon ni Eon, kaya kaagad naman niya kaming kinausap at tinanong.
“Ang tamlay niyo naman, may nangyari bang hindi ko alam?” Akala ko talaga at tinitignan nila ang lahat ng kilos namin, o baka, alam niya pero tinatanong pa rin niya ito sa amin, kahit na alam na niya, para sa amin mismo marinig ang rason ng aming pagiging ganito.
“Hindi ba maganda ang gising niyong lima? Kailangan niyo ba ng mas mahabang pahinga? Pwede naman kayong hindi muna maglakbay ngayong araw, saka pwede rin kayong magpahinga. Kaya sa ngayon, maiiwan ko muna kayo, pinapasabi ni Vee ngayon-ngayon lang na huwag kayong maglakbay ngayon at ayusin niyo, ibig kong sabihin magpahinga kayo. Adios!” pipigilan ko pa sana ang pagkawala ni Eon nang namatay ang tawag.
Kinuha ko ang kwentas, saka bumalik ng tent. Naisipan kong mas mainam nga na magpahinga muna kami, dala lang siguro ito ng pagod, dahil sa mga nangyayari sa aming sunod-sunod, galing na naman kay Eon at Vee na pwede kaming matulog ngayon. Wala rin talaga akong gana na maglakbay ngayon, lalo na at hindi maayos ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Kahit na sabihin pa nilang nag-e-emo ako, wala akong pakialam, gusto kong matulog ngayon dahil pagod ako.
Kaagad akong nahiga sa pwesto ko, nakatihaya lang ako sabay patong ng aking isang kamay sa aking ulo, habang ang isang kamay naman ay nakapatong sa aking tiyan, at nakapandekwatro naman ang mga paa ko, kahit na nakahiga. Ipinikit ko na ang mga mata ko, saka hinihuntay na dalawin ng antok.
Hindi ko sadyaing marinig ang kanilang pinag-uusapan sa labas, kahit na tinabunan ko na ang aking dalawang tainga, tumagilid na nga lang ako, para hindi ko sila marinig. Pero mukhang mas lumalakas ang radar ko, kaya kahit na anong gawing pag-ignora ng kanilang usapan ay naririnig ko pa rin talaga. Bakit ba kahit anong gawin ko ay ako ang kinokontrol ng aking mahika na binigay sa akin ni Vee? Ang weird lang. Imbes na ako ang magdala ng kapangyarihan ko, ang kapangyarihan ko pa ang nagdadala sa akin. Nakasentro na ngayon ang aking tainga sa usapan nila sa labas.
“Dapat na nating lapitan si Deeve,” ani Hamina.
“Nahihiya ako.”
“Bakit ka ba kasi nahihiya, Ave?” gigil na usal ni Aztar.
“Kasi nga sa ginawa ko sa kanyang pagtawa kagabi. Paano kung inis na inis si Deeve sa akin? Paano kung galit siya sa akin? Ayaw kong--.”
Natigilan si Ave sa kanyang pagsasalita, nang may kung anong pumipigil sa kanyang isalita iyon ng tuloy-tuloy.
“Bakit? Anong dahilan, Ave?” usisa pa ni Kith.
“May kinalaman ba iyan sa naging buhay mo sa ating mundo? Huh?” wala akong naging tugon na narinig galing kay Ave. Mukhang tumango naman ito dahil sa naging turan ni Aztar.
“Kung ganoon, anong kinalaman ng takot mong paghingi ng paumanhin kay Deeve, sa nangyari sa iyo noon sa mundo ng mga tao?” seryoso ang boses na ni Aztar.
“K-Kasi a-ayaw kong mas lalong magalit ang isang tao sa akin, kasi noon, kahit anong gawin kong paghingi ng tawad, hindi naman ako binibigyan ng kapatawaran. Kaya simula no’n, nahihirapan akong humingi ng patawad sa kung sino man ang mga sa tingin kong nagawan ko ng mali.” Madamdaming tugon ni Ave. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaibigan. May ganoong klaseng pangyayari pala sa buhay niya na nagbibigay ng takot sa kanyang humingi ng sorry.
Nagpasya muna akong hindi na muna lumabas ng tent, naupo lang ako at patuloy lang sa pakikinig sa kanila sa labas.
“Iyong mga bully mo ba ang hiningian mo ng pagpapatawad?” si Kith naman ngayon ang nagtatanong kay Ave.
“Kaya pala, naiintindihan ko na. May trauma ka, Ave. Isipin mo, ugali mo na noong kapag nakagawa ka ng bagay na sa tingin mo ay mali mo ay kaagad kang humihingi ng sorry, kaya nga kahit na hindi mo kasalanan, pinag-so-sorry ka nila out of nowhere. At ikaw naman, nag-so-sorry ka naman, kahit na wala ka naman talagang kasalanan. Pero kahit na anong gawin mong paghingi ng sorry sa kanila ay hindi ka nila pinapakinggan at patuloy pa rin sila sa pam-bu-bully sa iyo, tama ba ako? Huh, Ave?” mistulang imbestigador si Kith sa kanyang mga naiusal ngayon kay Ave.
“T-Tama ka, Kith. Kaya simula noon, may t-takot na akong humingi ng tawad, takot na takot akong matulad ng nangyari noon na muntikan kong ikawala sa mundo ang palagiang pag-so-sorry kahit na hindi ko naman talaga kasalanan, dahil sa ka-so-sorry ko noon, atras ako nang atras, habang sila naman ay abante nang abante sa akin na nilalapitan ako, kasi nga tinatakot nila ako. Pero hindi nila agad tinatanggap ang paghingi ko sa kanila ng sorry. Kaya ayon, hindi ko namalayang may hagdanan na pala pababa ng ground floor ng building sa El Federico, nahulog ako noon sa hagdanan, walang tumulong sa akin sa kanila, pinagtatawanan lang nila ako at umalis na. Natatakot ako sa sarili kong humingi ng tawad kay Deeve, baka kasi hindi niya tanggapin ang paghingi ko ng tawad, saka nakikita ko ang sarili ko sa mga bully noon na tinatawanan ako, sa pagtawa ko sa naging usal ni Deeve kagabi. Feeling ko ang sama-sama kong kaibigan.” Naririnig ko na ang hikbi ni Ave. Ngayon napagpasyahan kong tumayo at lumabas ng tent, para lapitan at kausapin siya.