Kabanata 47

1088 Words
Kabanata 47             “Nasira ba namin ang umaga mo, Lavender?” Buti alam mo! Usal ko sa sarili, gustong-gusto kong mamara kaso naduduwag nga ako. Hindi ko kayang makagawa ng eksena sa paaralan. Baka kasi isipin ng mga magulang ko na may nalalaman na akong ganito. Gusto ko lang naman na mapayapa akong nag-aaral dito sa El Federico.             “In fairness din talaga sa iyo, Lavender, ang linis ng sulat kamay mo.” Compliment iyon o kaplastikan. Nakakainis talaga ang pagmumukha nilang dalawa.             “Naibigay ko na iyan  sa inyo, kaya pwede na siguro akong mauna.” Nakahakbang lang ako ng ilang beses, marahas namang hinigit ni Vizente ang aking kamay.             “Oops, nagmamadali ka yata, Lavender. Chill lang.” inakbayan niya ako ng mahigpit at may binulong.             “Mag-sorry ka ulit sa akin.” Nagpantig ang dalawang tainga ko, kahit na pabulong iyon. Pero grabe parang ang lakas na nang pagkasabi niya no’n sa akin, hindi nga makawala sa buong utak ko ang mga salitang binitiwan niya sa akin.             “B-Bakit naman ako mag-so-sorry?” marahas kong kinuha ang kamay niya sa balikat ko. Hindi na kasi makatarungan ang kanyang mga pinag-uutos sa akin. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kamay ko sa kasusulat ng mga lectures namins sa notebook nila. Tapos sa huli, mag-so-sorry na naman ako sa kasalanang hindi naman talaga ako ang gumawa?             “Aba, lalaban ka na ngayon?” nanlilisik ang kanyang mga mata.             “Kumalma ka, Vizente, nasa labas tayo. Saka malapit tayo sa gate, baka marinig ka ng mga guards.” Rinig ko ang mahinang salita ni Glam.             “Nakaiinit kasi ng ulo itong lalaking ‘to!” kuyom pa ng kanyang kamao.             “Hindi pa tayo tapos, Lavender!” duro pa niya sa akin.             …             Sa bawat pagkukwento ni Ave, ramdam ko ang salimuot ng nakaraan niya. At rason ng kanyang hindi hirap sa paghingi ng tawad. Ngayon naintindihan na namin ang kanyang side. Pero ano nga kaya ang nangyari nang sinabi sa kanya ng Vizente na iyon na hind pa sila tapos?             “Hindi ko talaga lubos na akalain na tatambangan pala nila ako sa loob ng classroom, may mga barkada kasi iyang si Vizente na mga bully rin sa buong eskwelahan, kaya iyon nakipag-usap siguro siya at sinabing may ipapabugbog siya at ako iyon. Kaya labis ang trauma ko noon, simula noon, madali na nila akong nauutusan na kailangang mag-sorry ako kahit hindi ko kasalanan, pero nang na-trauma na ako, hindi ko na nakayanan, hindi na rin naman nila ako ginugulo nang malaman ng mga iilang guro na siya ang may pakana ng pagpapabugbog sa akin. Kahit anon a nga ang sinabi kong panakip-butas kay daddy at mommy para lang hindi sila magpunta sa paaralan. Dahil ayaw kong masali sila sa gulo, at pagiging duwag ng anak nila.” Hindi ko na nakikitaan ng lungkot ang mukha ni Ave.             “Atleast ngayon, hindi mo na kailangang mapilitan na mag-sorry kahit na hindi mo kasalanan, kasi mas madali naman kasing mag-sorry kung may kasalanan ka talaga. At kung feeling mong may nagawa kang hindi magada sa iyong kapwa. Sila iyong dapat na mag-sorry sa iyo, hindi ikaw.” Mahabang turan ni Kith sa kanya.             “Okay na, tama na ang usapang ito. Dapat na nating kalimutan ang ganoong mga bagay. Saka ikaw, Ave, huwag ka nang matakot na humingi ng tawad kung sa tingin mo ay kailangan kang mag-sorry, kung hindi naman kailangan, pwede ka namang tumahimik. Huwag mong isipin na gagawi namin ang kaparehong paraan ng ginawa sa iyo ng mga bully mong kaklase, dahil kahit ako na-bully, hindi ako nag-so-sorry kung hindi ko kasalanan.” Malakas na loob na pahayag ni Aztar kay Ave.             “Naiintindihan ko, guys. Tama kayo, iba kayo sa kanila. At kayo ang mga kaibigan ko.” Nasiyahan ako sa naging tugon ni Ave. Masayang-masaya ako dahil nga sa wakas ay susubukan na niyang kalimutan ang nakaraan niyang iyon at tutulungan niya rin ang sarili niyang humingi ng tawad kung kinakailangan lang.             Ngayon, wala na kaming pinag-uusapan, napagpasyahan naming gamitin ang araw na ito para magpahinga. Hindi naman namin puwedeng suwayin ang sabi ni Eon sa amin na kailangan naming magpahinga. Kaya lang naman siguro iyon nasabi ni Eon para maayos namin ang hindi namin pagkauunawaan.             Lubos ang kasiyahan ko dahil naging maayos na kami, wala talagang imposible sa pagkakaibigan. Lahat maaayos kapag napag-usapan, hindi naman naaayos ang isang bagay kung pareho kayong mataas ang pride. Kailangan lang talagang malaman ang totoong dahilan o rason ng isang bagay kung bakit nagkaganoon ang isang tao.             “Bukas ba? Anong plano?”             “Siguro maghihintay na lang siguro tayo sa sasabihin ni Eon. O, baka naman magbibigay anunsiyo galing kay Vee.”             “Tama, tama. Kailangan kasi nating malaman muna kung may anunsiyo ba o wala, para kung wala, makapagsagawa tayo ng ating plano. Siyanga pala, may madadaanan kaya tayong talon? O batis na maliliguan lang natin? Hindi ko kasi kayang hindi maligo. An lagkit na sa pakiramdam.” Ani Kith.             Nakikinig lang ako sa kanilang usapan, nakahiga kasi ako ngayon, gusto kong matulog, pero dahil sa pag-uusap nila, nauurong ang mata ko sa pagpikit.             “Magtatanong na lang din tayo kay Eon, mamayang gabi. Sa ngayon, magpahinga na lang muna tayo. Pakisara na ang tent. Para walang makakita sa atin o makapasok.             Ako na ang tumugon sa kanilang mga katanungan, para naman hindi na sila mag-uusap patungkol doon.             “Akala namin tulog ka na, Deeve.”             “Matutulog na nga sana ako, kaso nag-uusap pa kayo. Kaya hindi nakikipag-cooperate ang mata ko. Pero ayos lang naman iyon. Nag-uusap naman kayo para bukas.” Mahina akong tumawa.             “Magpapahinga na muna tayo.” Si Aztar na ang nagpatuloy sa alok ko sa lahat. Ramdam ko naman sila na nagsikilos na sila para mahiga. Sakto naman na tumagilid ako, at pinikit ko na ang mata ko nang nagsalita si Aztar.             “Baka hindi na naman tayo magising mamayang hapon, dahil mapasarap ang tulog natin.” Nagtawanan naman kaming lima. Itong si Aztar talaga.             “Kailangang may maunang magising sa atin, para kahit na ganoon ay siyang magyugyog at manggising sa ating lahat. Baka kasi kung gabi na ulit tayo magising. Hindi na naman tayo makakain sa oras, at hindi na naman tayo magising bukas ng maaga. Dahil puro tulog na lang ang ginagawa natin.” Pangaral ni Hamina.             “Ikaw na lang ang bumangon mamay, Hamina.” Nagsitawanan ang lahat, dahil nga si Hamina ang madalas na nahuhuling nagigising sa aming lima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD