Kabanata 50

1462 Words
Kabanata 50             Sang-ayon naman sila sa aking plano na kung sino ang magkakapares na lalaban sa kung sinong mga nilalang, saka ako na ang bahala sa kung saan ako babalanse na tutulong. Nagplano pa kami, bago kami nagpatuloy sa paglalakbay, lalo na ngayon na maayos na ang mga binti ng dalawa, wala ng marking nababakas dito.             “Kung sakali mang may susugod sa atin pabigla-bigla, alam na natin ang gagawin.” Baling sa aming lahat ni Aztar.             “Saka isa pa, kailangan din nating mas patalasan pa ang ating pandinig at pananaw. Para naman hindi tayo agad-agad na malalapitan ng kalaban.” Dagdag pa ni Ave, na kasalukuyan ngayong inaayos ang kanyang libro na dala, pati ang ballpen niya na palaging nakalagay sa kanyang bulsa.             “Maayos na ba nating napagplanohan ang lahat? Wala na ba tayong nalimutan na iba pa? Dahil kung tapos na tayo, maaari na siguro tayong---.”             “Shhh…Deeve,” abala ang mga mata ni Aztar sa pagmamasid sa paligid.             “Ano?” walang boses na tanong ko sa kanya, pero nilapat lang niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na parang sinasabi niyang huwag akong magsalita.             Patuloy pa rin siya sa kung ano man ang kanyang pinapakinggan sa paligid. Pati ako ay ginawa na rin ang kanyang pag-oobserba sa paligid, nang ipikit ko ang mga mata. Hindi naglaon ay naibuka koi to dahil sa aking nakikita.             Isa itong napakalaking problema!             “Dapa! Dumapa kayo!” kasabay ng paghambalos ng isang napakataas na ugat na may dala pang tubig galing sa batis. Sinundan ko ang parang galamay na iyon, sa bilis ng pangyayari, hindi ko gaanong nakita ang bagay na iyon, nang may kung anong nakikita ako sa banda kung saan kami naliligo kanina. Isang malahiganteng halaman ang bigla na lang tumubo roon, at nagmistulang octopus ang mga ugat nito, naging mga galamay na.             “Anong klaseng nilalang iyan?” nag-angat kami ngayon ng aming ulo, hindi na rin kami nakadapa ngayon at nakaayos na rin kami, naghahanda sa maaaring maging pagsugod ng kalaban. Hindi namin aakalaing ganito kalaking halaman ang aming makalalaban. Akala ko talaga kasi ay mga punong nagsasa---.             “Tignan niyo sa likod! May mga punong gumagalaw!” sigaw na turo pa ni Hamina, kaya kaagad rin kaming napalingon sa dakong iyon. Sa tingin ko ang nagpapagalaw sa kanila ay ang mismong higanteng halaman na ngayon ay parang inuutusan ang mga punong gumagalaw na sugurin kami.             Nagtangoan kami ni Aztar sa gagawin namin.             “Ave, Hamina, at Kith. Kayo na ang bahala muna sa mga gumagalaw na puno, kami na ni Aztar sa higanteng halaman na ito. Mas kailangang mapatumba na muna natin ang halaman na ito, bago natin mapawalang bisa ang paggalaw ng mga punong iyan.” Imporma ko sa kanila.             “Hindi na ba natin gagawin ang plano kanina?”             “Sa pagkakataong ito, Ave, ibahin muna natin ang strategy. Kakaiba kasi ang kalaban natin ngayon.” mabuti na lang at kaagad nila akong naunawaan. Nasa gitna lang kami ngayon, hinihintay ang hudyat ng pagsugod ng mga kalaban.             Nang sa isang iglap, biglang iwinasiwas ng higanteng halaman ang kanyang napakahabang ugat ngayon, muntikan na kaming matamaan ni Aztar, mabuti na lang talaga at nakaiwas kami sa pamamagitan ng paggulong-gulong sa lupa. Hindi pa kami nilulubayan ng halaman na ito. Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano namin siya malalapitan at matatalo.             Sinubukan kong gamitin ang lazer ni Hamina, mukhang epektibo naman, dahil sa nasasaktan siya sa bawat tira ko, pero sa bawat tira ko naman ay nagwawala siya, kaya ay ang apat na ngayon na kanyang mga galamay ang kanyang iwinasiwas sa amin, nagbabakasakaling mahagip kami nito nang---.             “Aztar!”             “Ayos lang ako!” tumayo naman siya agad, akala ko talagang napuruhan na siya. Nilingon ko ang banda nina Ave, patuloy lang sila sa paglaban sa mga gumagalaw na mga puno, marami na akong nakikitang napatutumba nila. Ako lang ang nasasayangan sa mga puno ngayon dahil sa nauubos na sila sa kapuputol. Hindi naman kasi namin pwedeng hayaan ang mga iyon na kalabanin kami, kaya wala kaming mapagpipilian kunng ‘di ang wasakin ang mga ito.             “Deeve! Ilag!” Dahil nga sa abala ako sa katitingin sa kabila, huli na nang napansin ko ang napakahaba, at napakalaki nitong ugat na inihambalos sa akin, nang nagulat na naman ako dahil hindi ako nakaramdam ng sakit sa katawan.             “Deeve! Paano mo iyon nagawa? Napalingon ako sa gawi ni Aztar, pero wala na siya roon.             “Nandito ako sa kabila!” nanlaki ang mata ko, paanong napunta siya roon? Kung kanina ay naroon naman siya sa bandang kanan. Nang ihagis na naman ng malaking kalaban ang kanyang galamay sa akin, kaya ngayon ko lang napansin ulit ang nagawa ko kaninang pag-iwas sa pagtira ng kalaban.             Para akong isang karakter sa palabas na pinapanood ko sa TV, na nag-te-teleport in one place to another. Kaya hindi ako agad-agad na napupuruhan ng kalaban.             Narinig ko ang palakpak ni Aztar, kaya napakamot ako ng aking ulo, ngayon pa talaga siya papalakpak, gayong nahihirapan na nga kaming talunin ang kalaban na ito!             “Aztar! Habang inaaliw ko ang halamang ito, abalahin mo rin ang sarili mo sa---teka? Ano itong berdeng bagay na nasa kanyang dibdib? Bato ba ito? Sinubukan kong tirahin iyon ng lazer nang nagwawala na naman ito. Labis siyang nasaktan sa ginawa ko, dahil doon ay mas lalo pa siyang nagwala at galit na galit. Ang akala kong sa batis lang siya tatayo, ngayon naman ay naglalakad na siya palapit sa amin. Ano na baa ng gagawin namin?             “Aliwin ko siya, Aztar, saka mo subukang tirahin ang kanyang dibdib, Nakikita mob a ang berdeng bato sa kanyang dibdib? Iyana ng punteryahin mo!” nagsisisigaw na ako sa pagkausap sa kanya, dahil nga sa abala ako sa pang-iinis sa higanteng halaman na ito. Nang may biglang liwanag ang nakita ko sa kanyang parang mga mata.             “Shocks!” bukod sa gulat, napamura pa ako ng malutong dahil sa liwanag na nanggaling sa kanyang mga mata. Dahil sa pagtira niya no’n sa akin, nahagip kaunti ang aking damit. Pero ayos lang, damit lang naman iyon.             “Ayos ka lang ba, Deeve?”             “Deeve!”             Alalang tanong nila sa akin, pinakitaan ko lang sila ng approved sign sa kamay ko. Kaya nagsibaliknan na rin sila sa kanilang laban. Habang ako ay binabawi ang sarili sa kaninang pagkawala bahagya ng aking balanse. Kanina pa kasi ako patalon-talon sa kanyang mga galamay, sinadya ko ito para ang sarili niya ang kanyang mahampas. Pero mukhang may sariling isip ang halaman, hindi siya agad-agad na tumitira kung hindi ako natitigil sa aking pag-iiwas.             Ngayon naman si Aztar ay nasa ibaba, hindi alam kung saan titira dahil nga sa takot siyang matamaan ako.             “Huwag mo akong isipin, Aztar, saka may tiwala naman ako sa iyong hindi mo ako matatamaan.” Pagpapalakas ko sa kanyang loob. Para naman hindi na siya magdadalawang-isip na gamitin ang kanyang mga armas.             Tango lang ang natanggap ko kay Aztar, saka ipinagpatuloy na rin niya ang kanyang pagtira sa kalaban. Hanggang sa patuloy na nga sa pagwawala ang halaman, iyon nga siguro ang kahinaan niya. Nang may napansin pa akong maliit na bato sa kanyang noo. Kaya sinubukan kong patungan ang kanyang tuktok, nang abutin niya ako gamit ang kanyang galamay, hindi ko naisip iyon na kaya niya pa lang abutin ang sarili.             Sa kasamaang palad ay nalaglag ako sa tubig.             “Aztar! Si Deeve! Tulungan mo si Deeve!” rinig kong sigaw sa kanila. Nang aahon n asana ako, pero may maliliit na mga halaman ding gumagapang sa aking buong katawan, kaya panay lang ang hila ko sa sarili para makawala. Nakapulupot ang mga halaman ngayon sa aking dalawang kamay, pati braso at balikat. Napakahirap makawala, lalong-lalo na at pati ang mga paa at binti ko ay pinuluputan na rin ng mga halaman.             Mas mainam na hindi pupunta rito sa kung sino man sa kanila para hindi mangyari sa kanila ang nangyari sa akin ngayon. Nag-isip ako ng mabisang paraan para kumawala sa katawan ko ang mga nakapulupot na ito sa aking balat, at ramdam ko rin ang higpit ng kanilang pagkalapat sa aking balat.             Halos mauubosan na ako ng hangin sa tagal kong makaisap ng paraan, ano na kaya ang nangyayari sa kanila sa ibabaw. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko man lang sila maprotektahn dahil nandito ako ngayon at hinahayaan lang ang mga halamang ito na pigilan ako sa pag-ahon. Sigurado naman kasi akong ang mga maliliit na halamang ito ay parte pa rin ng higanteng nakatayo. At kinakalaban naman ako, baka kung ano na ang nangyari sa kanila.             Pinikit ko ng maigi ang mata ko, nang makaisip ako ng paraan, sana talag gumana ang naiisip ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD