Aning’s POV “Seling! Myrang! Ang tagal niyo! Male-late na ako sa klase!” “Heto na nga!” Tugon ni Myrang. “Saglit lang ate, naglalagay pa ng ipit, eh!” Tugon naman ni Seling. “Pakibilisan at kay layo pa ng lalakarin natin!” Saad ko sa dalawa. Tinignan ko ang pambisig na relo ko, may labing siyam na minuto na lamang kami para ‘di ma late. Ilang saglit nga lang ay nagsitakbuhan na ang dalawa palabas ng bahay. “Bye po, Lola!” Saad ng mga ito at isa-isang humalik sa pisngi ni Lola. “Bye, La,” huli akong humalik. “Pagpalain kayo ng Diyos. Mag-ingat kayo sa paglalakad,” bilin nito sa amin. “Aning, yung mga kapatid mo, tingnan mo at maraming sasakyan sa daraanan niyo!” Pahabol pa nito. “O po, Lola! Ako po bahala, isang sipa ko lang mga ito, lipad agad ‘to ba,” biro kong tugon ni Lola