Chapter 2

2538 Words
Dorina Crisanta Dacobisong’s POV Nakangiting tumakbo ako sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nakasunod ang mga paru-paru sa akin. Suot ko ay magarang bestida na ang haba’y hanggang tuhod na ni sa panaginip ay ‘di ko maisip na makakapagsuot ako ng ganitong kagandang bestida. Napapalingon ako sa aking likuran. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng makitang papalapit na siya, hinahabol ako. Ang lalaking sobrang hinahangaan ko dahil sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Ang lalaking akala ko’y hanggang pangarap ko na lamang makakamit at hanggang panaginip na lamang na maging akin. “Andyan na ko Doring,” kinilig ako ng marinig ang sinabi niya. Tila ako lumulutang sa ulap habang tumatakbo palayo sa kanya. Napahinto ako ng mahapit niya ako sa baywang. Agad kong naramdaman ang matigas niyang dibdib sa aking likod. Tuwang-tuwa akong nahuli niya at tila nag-slow mo ang paligid ko ng i-angat niya ako at iikot. Nagpaikot-ikot kami sa gitna ng mga magagandang bulaklak. Nang mapahinto’y giniya niya ako paharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at dinala iyon sa mga balikat ko. Bumaba ang mga braso niya upang hapitin muli ako sa aking baywang. Niyapos niya ako na naging sanhi sa muling pagdikit ng mga katawan naming dalawa. Napatitig siya sa mga mata ko, sinalubong ko ang titig niya. Mula sa mga mata ko’y bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Dahan-dahan akong napapikit ng unti-unting nilapat niya ang noo sa noo ko. Ang tungki ng ilong niya’y dumiki sa tungki ng aking ilong. Muli ay napapikit ako. Tila’y nagsiliparan ang mga paru-paru sa tiyan ko ng maramdaman sa labi ko ang mainit niyang hininga. HInihintay na lumapat ang labi niya sa labi ko. “Doring,” narinig ko ang boses ni Aning sabay sundot sa balikat ko ngunit ‘di ko siya pinansin. Ayokong sayangin ang pagkakataon na sa wakas ay mahalikan ng lalaking pinakamamahal ko. “Doring,” muli ay tawag niya sa pangalan ko sabay kalabit sa akin. “Ano ba, Aningg, wag ka munang umepal. Magtutukaan na, eh, distubo ka,” reklamo ko. “Doring…” naiinis na ako sa kakulitan ni Aning. Masasabunutan ko na talaga to. “Doring, hoi…” tawag niya muli sabay kalabit sa akin muli. “Isa na pa, Meling, sasabunutan na kita-” “Ms. Dacobisong!” “Ay Bisong! Sir!” malakas na sigaw ko kasabay ang biglang pagmulat ng mga mata ko at umupo ng maayos. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko maliban lamang sa mga kaibigan ko. “O,” napasulyap ako sa panyong binigay ni Ajing sa akin. “Aanhin ko yan?” “Punasan mo laway mo, kadiri ka,” “Hala!” agad ko namang pinunasan ang laway ko sa mukha. “Ms. Dacobisong,” napatitig ako sa kanya. Ang kaninang abot kamay ko na’y ngayo’y tila bituin ulit sa layo. “Kung lagi mo lang rin akong tinutulugan sa klase ko, mabuti pa sigurong wag ka ng pumasok,” napakagat labi ako. Nagbaba ako ng tingin, nahiya ako bigla. “I’m sorry Sir,” mahinang saad ko. Dama ko ang paninitig niya akin. Saglit na natahimik siya. “Solve the problem written on the board,” muli ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Ano? Hindi mo kayang sagutin? If you can’t answer this one, don’t expect to pass my subject kahit graduating ka pa,” galit na saad niya. Bigla akong natakot sa sinabi niya. HIndi pwedeng hindi ako makakagraduate ngayong taon. Masasaktan ko sina mama at maantala ang pangarap ko para sa kanila. “Sir-” natigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Meling ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako. “Kaya mo yan,” bumaba ang tingin ko sa kamay ko ng mramdamdaman kong may sinuksok siyang papel sa palad ko. Tinignan ko iyon at lihim na napangiti ng makitang solution iyon ng math problem ni Sir. Isa sa talento ko ay madali lamang akong makabisado. Ilang segundo kong tinitigan ang palad bago ko nakuha ang sinulat ni Meling. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kay riin pa rin ng pagkakatitig niya sa akin. Kumuha ako ng isang stick ng chalk sa table niya at lumapit sa board. Isa-isa kong sinulat ang mga nakalagay sa papel. Napapikit ako upang maalala ang mga iyon habang panay ang pag sulat ko sa pisara. Napangiti ako ng matapos ko iyong sagutan. “Tapos na po, Sir,” muli ay nagkatitigan kaming dalawa. Alam kong napahanga ko siya, bakas iyon sa mga mata niya kahit na magkasulubong ang mga kilay nito pero kahit napakasungit ng itsura nito’y hindi man lang nababawasan ang kanyang kagwapuhan. Nilapag ko ang chalk pabalik sa lamesa niya at taas noong bumalik ako sa kinauupuan ko. Isa-isang tinapik ng mga kaibigan ko ang palad kong nakatihaya. “Thank you, Meling,” mahinang saad ko. “Maliit na bagay,” nakangiting saad nito. “Hindi ko alam kung bakit patay na patay ka kay Sir Nalusuan! Kay ubod ng sungit tila pinaglihi sa sama ng loob!” “Gwapo naman!” “Malamang gwapo yun, half porener kasi!” nabuntis ng isang dayong Amerikano ang nanay ni Sir. Isa itong US Navy. Noong matapos ang mission dito sa lugar namin ay hindi na ito kailanman nakabalik. “Kung kamukha niya nanay niyang si Aling Bebang, ewan ko na lang kung magkakagusto ka pa ron.” “Hindi nga namana ang mukha, namana naman ang ugali sa ubod ng sungit!” “Hayaan niyo na. Kahit sinong guro magagalit kapag tinutulugan lamang ng estudyante sa klase,” pinagtanggol ko pa rin siya kahit sinusungitan niya ako, ewan ko, siya pa rin gusto ko. Habang naglalakad kami pauwi ay sabay kaming napalingon sa kaklase namin noon sa elementarya na si Miching ngunit ang mas nakakuha talaga sa aming atensyon ay ang kasama nitong porener. Magkahawak kamay ang mga ito habang naglalakad patungo sa aming gawi. Hindi lamang kami ang nakatingin sa kanya kung hindi lahat ng tao sa paligid. Ganito sa probinsya, tila artista para sa amin ang makakita ng Amerikano o kaya’y mga mapuputing tao na taga siyudad. "Diba si Miching yun?" tanong ni Siting. "Sinong Miching?" sabay na tanong namin ni Ajing. "Si Miching ba, yung pumapasok sa klase tapos 'di nagpapanty,” sagot ni Aning. “Oo, yung sumasali sa chinese garter tas kita pepe," anas naman ni Siting "Ay kilala ko na!” malakas na saad ni Ajing ng maalala. “Si Xymichelle Makabalighoten?" "Oo siya!" sabay na anas nina Siting at Aning. "Oo nga! Ang laki ng pinagbago niya," hindi makapaniwalang saad ni Meling. "Ang ganda na niya!" bulalas ni Ajing. "Oo, ta's ang puti na niya no?" segunda ko. "Ang sexy- sexy pa niya. Siguro mamahalin ang suot niyang yan, ang ganda niyang tingnan," "Iba kasi raw ang tubig sa siyudad lalo na sa Amerika! May klorin yata ang tubig nila doon kaya nakakaputi, yun ang sabi ni Ate Nalyn ko," saad ni Aning. "Ang swerte naman niya nakapagasawa siya ng Amerikano," saad ni Meling. "Balita ko ang laki na ng bahay nila. Pinatayuan niya ng mansiyon ang mga magulang niya,” saad ni Aning. “Paano mo nalamang?” “Ako pa ba? Baka nakalimutan niyo Marites ang pangalan ng nanay ko,” pagmamalaki ni Aning. “Oo nga pala.” sangayon naming lahat. Kay lapad ng mga ngiti namin habang papalapit si Mining at ang asawa nitog porener sa amin. “Hi Miching!” bati namin sa kanya ngunit ‘di namin inasahan ang naging reaksyon nito. Napatigil ito sa paglalakad. Tinignan kami mula kuto hanggang ingron. “Da hu you, guys?” maarteng tanong nito sa amin. Napatulala kami at napaawang ang mga labi namin. “Klasmeyt mo kami sa elementary,” paalala ni Siting. “Can you fles spek ingles? I don’t understand tagalog anymore,” muli ay maarte nitong saad. “Pigilan niyo ko, nanggigigil ako,” bulong ni Meling. Kung painglesan lang, lalayo paba kami sa valedictorian namin. “No, Meling. Leb it to me,” seryosong saad ni Aning. “You.. you can’t … you couldn’t… you are… you was… were… You… yuwi na kami! Yawa!” “I’m just kidding, oi! I know everyfive of you! We are classmit in elementary, right or left? Of course right! How is you?” “We are yakult,” sagot ko. Napatingin silang lahat sa akin. Malamang hindi na gets ang ibig kong sabihin. “Everyday okay,” patuloy ko. “Aaah,” sabay-sabay nilang saad. “Ang galing mo dun, ah,” bulong sa akin ni Ajing. “Ako pa ba?” pagmamalaki ko. “Everyfive, fles mit my husband, Zander Ford. She is handsome right or left? Of course right! Handsomer than Jack of Titanic, right or left?” “Of course right!” sabay naming lima. “You get my point of view! I love na, everyfive of you!” Hindi namin naiwasan na hagurin ng tingin ang porener ni Miching mula kuto hanggang ingron. Totoong gwapo ito, ang tanggad pa tapos ang laki ng katawan ngunit ng dumako ang mga mata ko sa nakaumbok sa gitna ng shorts nito ay namilog ang mga mata ko sa laki. “Nakikita niyo ang nakikita ko?” bulong ni Siting. “Kitang-kita,” bulong ni Ajing. “Yung maumbok?” bulong ni Meling. “Ang laki,” bulong naman Aning. "Mitching buti nakakaya mo?" mapamura ka na lamang talaga sa bibig nitong si Siting. "Da why?" "Da big-" 'di na naituloy ni Siting ang tanong ng kay bilis itong takpan ni Meling. “Bepor I forget guys, you are invited to eat my house por holy watering of my house, okay? The next of tomorrow, okay?” Tila napagting ang mga tenga naming lima ng makarining ng eat, meaning kain yun. Kapag kainan kahit ilang bundok aakyatin at ilang ilog tatawirin, pupuntahan pero ang nakapagexcite sa akin ay ang magiging Sharon Cuneta sa pag-uwi, ang babalutin. “Kailan yun, Meling?” Sekretong tanong ni Ajing. Buti nalang nagtanong si Ajing dahil kahit ako hindi ko maintindihan ang the next of tomorrow baka magkamali pa kami ng bilang. “Naguguluhan rin ako,” sagot ni Meling. “Patay tayo dyan,” komento naming apat. “Kailan yan Mitching?” hindi napigilang tanong ni Meling kay Mitching. “Oh my God, Meling, you don’t know? What happen to your braincells? My god! Since today is monday and tomorrow is tuesday and the next of tomorrow is Wednesday, okay?” “Kung hindi lang talaga kain ang pupuntahan natin, nasapak ko na yan,” gigil na bulong ni Meling. “By the way hi-way, we hab to go, now. It’s getting black already. We still need to invite the whole surroundings to eat our house. Nice to see, everyfive! Good bye!” Nilagpasan niya kaming lima. Napasunod kami ng tingin sa kanya habang papalayo kasama ang kanyang porener na ngayo’y asawa na niya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng inggit sa narating niya. Malamang lahat ng gusto niya at ng pamilya niya’y naibibigay na niya. “Ang galing na niyang mag-ingles no?” saad ni Aning. “Oo, ang galing!” saad ni Meling. “Dumugo braincells ko.” “Ang layo ng narating niya. Malamang marami na siyang pambiling panty,” natawa kami sa saad ni Ajing. “Sa lahat ng pwede mong maisip yan pa talaga,” saad ko rito. “‘Di ba hanggang grade 10 lang siya?” “Oo,” sagot ni Siting. “Pero sobrang asensado na siya sa buhay kahit hindi siya nakapagtapos. Bakit pa ba tayo nag-aaral kung pwede namang maging mayaman kahit hindi nakapagtapos?” “Kasi iba pa rin yung may pinag-aralan tayo. Yung yaman na yan mawawala yan ngunit ang kaalaman natin ay mananatili sa atin habang buhay,” saad ni Meling. Alas kwatro pa lang gising na ako upang magsaing at nang may pambaon sina Nanay at Tatay sa pagsaka at para asikasuhin ang mga kapatid ko. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sampong taon pa lang ako ganito na ang nakasanayan ko. Sa ganitong paraan ko lang matutulongan ang mga magulang ko. Kaya rin nagpursigi ako sa pag-aaral upang makapagtapos at mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi madali ang buhay. Sa murang edad ko natuto ako sa mga gawaing bahay na hindi angkop sa edad ko. Habang ang iba kong kaedaran ay naglalaro, ako nama’y naglalaba habang nagbabantay ng mga kapatid. Nakakapahinga lamang ako kapag pumapasok sa klase. Sabi ng mga guro ko, matalino raw ako kaso lagi akong natutulog sa klase kaya minsan ‘di ko nakukuha ang leksyon. “Heto na po, baon niyo Nay, Tay. Mag-ingat po kayo sa bukid,” inabot ko kay Nanay ang hinanda kong pagkain na binalot ko sa dahon ng saging at nilagay ko sa supot. Napatitig si Nanay sa akin at napangiti. Napangiti rin ako ng itaas nito ang isang palad at marahang hawakan ang aking mukha. “Salamat anak, ha? Sobrang pasalamat ko sa panginoon at isang responsable at mapagmahal sa magulang ang binigay niya aming panganay.” inabot ni Tatay ang tutok ng ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko. “Alam kong nahihirapan ka na. Salamat sa pagtitiis anak, ha at pasensya na ganitong buhay lang ang kayang ibigay namin ng tatay mo,” naluluha ako ngunit pinigilan kong wag tumulo ang mga iyon bagkus ay ngumiti ako ng mas malapad. ‘Naku! Ang drama ni Nanay. Eh,wala naman sa kalingkingan ng mga ginagawa ko ang ginagawa ninyo ni Tatay upang may makain tayo araw-araw at para makapag-aral kaming magkakapatid. Wag niyo kong alalahain, ako pa ba?” pinilit kong pasiglahin ang boses kahit na gustong-gusto ko ng umiyak. Naaawa ako sa mga magulang ko. Mga may edad na sila pareho pero hindi nila inda ang hirap ng trabaho sa bukid para lang makapag-uwi ng maisaing araw-araw. “Sige na’t malayo pa ang lalakbayin niyo baka maabutan kayo sa pagsikat ng araw. Wag kayong mag-alala, yakang-yakang!” masiglang ani ko. “Ang swerte talaga namin sayo, anak,” saad ni Tatay. Ngumiti lamang ako. “Ikaw na bahala sa mga kapatid mo, Doring, anak at kami’y aalis na. Mag-iingat ka rin, anak. Mag-aral ka mabuti, ha?” “Ga-graduate na nga, Nay,” nakangiting saad ko sa kanya. Hindi nga’t nagtagal ay umalis na rin ang mga magulang ko. Pagtalikod nila saka lamang bumagsak ang mga luha ko. Totoong hindi madali ang buhay na kinagisnan ko pero sa tuwing makarinig ako ng papuri mula sa mga magulang ko ay nawawala ang pagod at hirap ko sa araw-araw. Sila ang inspirasyo ko kung bakit ako nagsusumikap makapagtapos kahit Senior High School lang upang makahanap ng magandang trabaho. Plano kong magtrabaho muna upang makatulong sa gastusin nina Nanay at sa mga kapatid ko at para makapag-ipon na rin ako para pangkolehiyo. Nais ko pa rin makapagtapos ng pag-aaral upang mas makahanap ng mas magandang trabaho at maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos. Balang araw lahat ng pagod ko, lahat ng pagtitiis ko, lahat ng hirap na dinanas ko ay magbubunga balang araw… Balang araw…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD