Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising. Ayon pa rin sa nakasanayan kong oras na gumising, alas singko ng umaga. Nakatalikod na ako sa kanya habang nanatili pa rin siya sa likod ko. Gumalaw ako upang humarap sa kanya. Ewan ngunit napangiti na lamang ako ng unang masilayan ng mga mata ko ay ang gwapo niyang mukha. Pinagmasdan ko ulit ito at pinagsawa ang sariling titigan siya. Tinaas ko ang aking daliri at pinasadahan ang matulis at perpektong porma ng kanyang ilong hanggang sa tungki nito. Halus tumalon ang kaluluwa ko ng bigla na lamang inabot ng bibig niya ang daliri ko upang kagatin ito mabuti na lamang at mabili ko iyong nilayo ngunit yung kabog ng dibdib ko kay lakas ng sipa! Kay sama ko siyang tinignan ng tawanan niya ako pero shuke! Ang gwapo niya lalo pagtumawa. Tinaasan ko