Chapter 2

1722 Words
That dream made me realize that in just a snap, maaari kong labagin ang mga rules na ako mismo ang gumawa. Masyado akong marupok. Ano nalang kaya ang sasabihin ni Mama kapag nagkataon? Iniling ko nalang ang ulo ko bago napag-pasiyahang bumangon at tunguhin ang banyo upang maligo. Pagkarating ko ay kaagad kong hinubad ang mga saplot ko sa katawan maliban sa undergarments ko. Mabilis kong binuhusan ng tubig ang aking sarili at gamit ang kaliwang kamay, kinuha ko ang silka na nakalagay sa lagayan ng mga sabon na nasa gilid ko lang. Pinadaan ko ang sabon sa maputi kong balat at hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang panaginip ko kagabi. This dream, ito lang ang tanging panaginip na natatandaan ko ang bawat detalye. Those lips, those eyes, and body, I can remember them all. Maging ang marahang pagdampi ng kaniyang malambot na labi sa aking katawan. Napahawak ako sa labi ko at dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay sa aking dibdib. Napakagat-labi ako. Gumapang ang kakaibang init sa aking buong katawan. Init na kailanman ay hindi ko pa nararanasan. Pero napatigil ako nang tatlong magkasunod na katok ang bumasag sa katahimikan sa loob ng banyo. Salamat, saved by my mother's knocks. "Hannah, magmadali kana. Baka ma-late ka sa klase," paalala ni Mama. "Opo, patapos na naman ako," mabilis kong binanlawan ang aking sarili. Habang nagbabanlaw ako ay hindi ko maiwasang hindi mapailing. Hindi ako makapaniwala sa mga pinaggagawa ko. Weird. Hindi ko inakalang ganito ang magiging epekto sa akin ng lalaki sa aking panaginip. He made my body long for him, fot his touch and kisses. Pagkalabas ko ay kaagad akong dumiretso sa kwarto upang magbihis ng uniporme. Pagkatapos ay hindi ko na sinubukang tumingin sa salamin dahil baka maulit na naman ang ginawa ko kanina sa banyo. "Kain na," sabi ni Mama habang inilalapag ang mga pagkaing niluto niya para sa akin. "Ang bango, 'Ma. Ang sarap talagang magluto ng Momshie ko!" biro ko bago umupo. Ginantihan lang niya ako ng isang matamis na ngiti bago ako sinabayan sa pagkain. "Bilisan mo sa pagkain, Hannah. Maya-maya lang din ay darating na si Abigail," paalala nito. Tumango lang ako bago itinuloy ang pagkain. Binilisan ko ng kaunti ang pagkain dahil ayokong maabutan ako ni Abigail habang kumakain ako. Si Abigail ay ang natatanging kaibigan ko. Malayong-malayo ang ugali namin sa isa't-isa. Siya ay madaldal habang ako naman ay tahimik. Siya ay kampon ni Magdalena habang ako naman ay kay Maria Clara, pero hindi iyon hadlang para lumalim ang pagkakaibigan namin. "Auntie, I'm here! Where's my best friend na ba?!" Rinig kong sigaw ni Abigail mula sa labas gamit ang kaniyang matinis na boses. Napangiwi ako dahil hindi parin nagbabago ang boses niya—ang sakit parin sa tenga. "Sige na Hannah, huwag mo ng paghintayin si Abigail," sabi ni Mama kaya mabilis akong tumayo at kumuha ng isang piraso ng saging. Pero nang hawakan ko ito ay biglang namula ang pisngi ko. Bigla ko kasing naisip ang lalaking iyon at ang kaniyang saging. Nasapok ko nalang ang aking sarili dahil sa sobrang kadumihan nito. I never thought that seeing that man in my dream would pollute my innocent mind. Iniwan ko nalang ang saging sa lamesa ng sala namin bago lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng nakapameywang kong kaibigan. "What took you so long ba?" maarteng saad nito bago ako mahinang sinabunutan. "Basta!" sagot ko at inayos ang nagulo kong buhok. Hinila ko na siya papasok sa kanilang kotse kung saan naghihintay si Mang Danny, ang driver nila. "Hay, you're so weird talaga. You're not like me na so maganda at so sexy pa!" Hindi ko nalang pinansin ang mga salitang lumalabas sa bibig ng kaibigan ko. "Good morning, Mang Danny!" masiglang bati ko. Tanging matamis na ngiti lamang ang iginanti nito sa akin. Nang umandar na ang sasakyan ay tumahimik na ang loob. Abigail is listening on music gamit ang earphones niya; Mang Danny is too busy looking at the road, at ako naman, I'm too busy, thinking about that man. Sino ba talaga siya? Why does he has this kind of effect to me? Why do my body is acting weird whenever I think of him? "Hannah… hoy, Hannah!" napabalik ako sa reyalidad nang halos bugbugin na ako ni Abigail sa kakatapik sa akin. "Ano ba?" medyo may halong pagka-irita ang tono ng pananalita ko. "Anong ano ba? Hello, nasa school na tayo. Mukhang wala ka kasing balak bumaba, ano dumikit na 'yang flat mong puwet sa malambot naming upuan?" Walang tigil na ratatat nito. Napailing nalang ako bago bumaba. "Bye, Mang Danny. Sunduin mo lang kami mamayang 5:30 P.M, or I'll just text you, 'kay?" sabi ni Abigail. Mang Danny nodded before he started the engine of the car and left. Hinila naman ni Abi ang kamay ko papasok sa school namin. First and Second period were too boring. Ang sakit sa ulo ng Politics at Philosophy! Hindi ko rin kaklase si Abigail kaya wala akong makausap. "Good morning, class!" masiglang bati sa amin ni Binibining Russell, guro namin sa literature. "Good morning, Binibini!" sagot namin bago umupo at inilabas ang aming libro sa 21st Literature. "Okay, saan nga ba tayo natapos kahapon?" tanong nito sa amin. Joshua, our class genius raised his hand and answered. "My Guardian Angel, Ma'am," kampanteng sagot nito bago umupong muli. Ma'am thanked him bago ibinaling ang tingin sa amin. "Naniniwala ba kayo sa mga anghel, class? Or should I say, guardian angels?" Tanong niya and the whole room were filled with differing answers and opinions. "Okay, sabi ko nga sana nagtanong nalang ako isa-isa. Looks like ypyu have different views and opinions about angels, specifically, guardian angels," natatawang saad nito bago naglakad sa gitna ng room. "Angels do exist, class. It will only depend on how you visualize and conceptualize them. Angels might not have those snow white shining wings, that little circular glowing halo, and that long white garment. But to tell you this, guardian angels were everywhere. Maaaring nasa anyo sila bilang kaibigan niyo, kamag-anak or sometimes, parents." Mahabang paliwanag ni Ma'am at napuno ng "ohh!" "Wow!" at klase-klase pang reaksyon ang room. "Ma'am?" lahat ng atensyon namin ay napunta sa pinaka-tahimik na kaklase namin si Jenny. Mas tahimik pa siya sa akin. Lahat kami ay nagtataka dahil unang beses niyang magtaas ng kamay sa klase. "Yes, Jenny?" Nakangiting turan ni Ma'am. "Do demons exist?" She asked out of the blue. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso nang itanong niya iyon. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Ibinaling ko nalang kay Ma'am ang atensyon ko and mas nadagdagan pa ang kaba ko nang makita ko siyang hindi mapakali. "Ah, yes. Demons do exist. And since we are talking about angels, might as well talk about demons too," she said before heaving a deep sigh. "Demons are evil spirits who were believed to be the disciples of darkness. They come on various kinds. Example, demons of greed, hatred, death, destruction and many more," she continued. Jenny raised her hand once again. "How about demons of s*x or lust? If ever na meron, ano ang tawag sa kanila?" she asked and the whole crowd chuckled. "Ay gano'n, 'te? Tigang lang? Kawawa naman ang bulaklak mo, hindi nadidiligan!" natatawang saad ni Benjie at nagtawanan ang lahat. I thought Jenny would get mad pero nanatili siyang nakatayo habang nakatingin kay Ma'am, waiting for her answer. "Okay class, enough. Miss Jenny, demons are real too. And about your question, aside from one of the seven princes of hell, Lust. May iba pang demonyong may kinalaman sa s*x. At iyon ay ang mga Incubus at Succubus." Ma'am answered at mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Posible kaya? "Paano po pala sumasalakay ang mga ganoong nilalang, Ma'am?" wala sa sariling tanong ko at ako naman ngayon ang inasar ng mga kaklase namin. "Succubuses and Incubuses lies with persons during sleep and believed to have s****l i*********e with their victim. And mind me, these demons are very dangerous but sometimes, they are not that dangerous at all," there's a hint of warning and sadness on her voice. Para bang alam na alam niya ang mga bagay na iyon. Sabay kaming napatango ni Jenny bago umupo. Natapos ang klase na tahimik lang ako, as usual. I keep on thinking about the man in my dreams. Is he really an Incubus? Tapos here comes Jenny, mukhang may alam rin siya sa mga nilalang na 'yon. Magtatanong ba siya kung wala? Hindi naman 'di ba? Habang papunta ako sa meeting place namin ay bigla akong hinarang ni Jenny kaya napatigil ako. Mataman ko siyang tiningnan. "Hindi ka nag-iisa, Hannah,' she said before leaving me with a big 'huh?' on my face. Napakamot nalang ako at mabilis na pumunta sa gilid ng gate kung saan naghihintay si Abigail. "Oh, what's with the face?" kunot-noong tanong nito. I just shook my head before sitting beside her. I borrowed her earphones para makinig ng music pero what the ****!  Hindi ko gusto ang tugtog, masyadong— never mind. Careless Whisper ang tugtog. Mukhang naiintindihan naman ako ni Abigail kaya hindi na niya ako inistorbo. She might be babbly and loud most of the time, pero alam rin niya kung kailan dapat magseryoso. Siya lang din bukod kay Mama ang nakakaintindi sa akin. Umuwi ako sa bahay na gulong-gulo pa rin sa sinabi sa akin ni Jenny. Damn, anong ibig niyang sabihing hindi ako nag-iisa? At isa pa, 'yung lalaki sa panaginip ko, is he really an Incubus? "May problema ka ba, Hannah?" tanong sa akin ni Mama habang naghahain ng pang-hapunan namin. I just shook my head and stared at the blank plate. I heard her sighed. "Kumain na tayo," she said habang nilalagyan ng kanin at menudo ang plato ko. Nagsimula na kaming kumain, walang imikan. Only the sound of the clashing of plate and cutlery were audible in the whole dining room. "Anong problema, anak? Sabihin mo kay Mama. Hindi ako sanay na tahimik ka," Nag-aalalang saad ni Mama habang mataman akong tinitingnan. Si Mama talaga. I smiled, a genuine one. "Walang problema, Ma. Pagod lang ako sa klase," sagot ko. Lie. I'm a liar. Hindi naman talaga 'yon ang rason. Pero kapag sinabi ko kay Mama, I know she wouldn't believe me. She wouldn't believe me na dinadalaw ako ng isang Incubus. "Sige, tapusin mo na 'yang kinakain mo pagkatapos ay matulog kana," saad ni Mama. Tumango lang ako bilang ganti at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos kong kumain ay naghilamos muna ako, nagsipilyo at nagpalit ng damit pantulog. Humiga ako sa aking kama at hinayaan akong dalawin ng antok. Again, nagising ako sa sarili kong kwarto ngunit ang pinagkaiba lang ay katabi ko na ang lalaki— —at nakahubad na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD