"Kiel..." May pag-aalinlangan sa aking boses. "Uhm..." Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga bago niya ako kinarga. "Ano ba! Ibaba mo ako!" Sigaw ko habang pinaghahampas ang kaniyang matigas na dibdib. Tumawa lang ito bago ako inihiga sa damuhan. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin. "'Wag ka ng magreklamo. Hayaan mo na akong gawin 'to. Maawa ka, nanghihina na ang katawan ko dahil hindi mo pa ako pinapapapasok sa kaloob-looban mo." Sabi nito na ikinapula ko. Hinampas ko nang pagkalakas-lakas ang kaniyang dibdib. "Walanghiya ka! Anong tingin mo sa akin? Energy source?!" Halos magkasalubong ang aking mga kilay nang sabihin ko 'yon. Ngumisi lang ito bago tumango. "Oo. Nakalimutan mo na ba na kaming mga Incubus ay lumalakas sa tuwing may nakakasipin kaming babae. At sa estado ko, mahina