"Ma'am Jenny, handa na po ang higaan niyo. Maaari na kayong matulog," Sabi sa akin ng isa sa mga katulong rito sa mansion. Kasalukuyan akong narito sa living room namin, nagninilay-nilay at iniisip ang mga bagay-bagay at mga pangyayaring hindi ko lubos akalaing dadanasin ko. "Felice, sabihan mo ang lahat ng mga katulong na matulog nang maaaga. Ayokong may nakikita pa akong gising. Gusto ko kapag umakyat na ako sa taas, tulog na ang lahat," Sabi ko at kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Felice. "Maraming salamat po. Sige po aalis na ako," Sabi nito bago isa-isang pinuntahan ang mga katulong upang iparating ang utos ko. Muli akong tumingin sa kawalan. Muling pumasok sa isip ko ang larawan ng matandang babaeng nakita ko kanina. Pero ang labis ko lang ipinagtataka, ay kung bakit hindi