Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi ni Jenny. Bakit naman siya mamamatay? "Paano mo nasasabi ang mga salitang 'yan, Jenny? Gaano ka ba kasigurado?" Tanong ko sa kaniya. Tumayo siya at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa aking mga mata. "Sigurado ako, Hannah. Mamamatay ako." "Bakit nga? Tsaka paano ba nagsimula ang lahat ng 'to?" Tanong ko sa kaniya. Ito rin ang gusto kong malaman noon pa man. Nagsimula rin kaya ito noong tumuntong siya ng labingwalong taong gulang? "Okay, so nagsimula ang lahat ng ito noong nag-eighteen years old ako. Sa unang pagtulog ko bilang isang ganap na babae," Panimula nito. "Akala ko nagising lang ako sa gitna ng gabi, kaya bumangon ako para lumabas sana ng kwarto pero napaatras ako nang may ma