"Hoy tulala ka d'yan? Baba na o gusto mo pang kaladkarin kita palabas?" Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Abigail. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang sikat na fast food chain. "Nandito na tayo?" Tanong ko. She rolled her eyes at me heavenwards. "Malamang sa alamang, Hannah. Kaya nga tayo huminto, kaya nga ako bumaba at kaya nga kita pinapababa ay dahil nandito na tayo. Duh!" Pagtataray ni Abigail. She's still mad at me. "Tara na," Sabi ko at lumabas na ng kotse. "Okay," Sabi nito bago pumunta sa may driver's seat. "Mang Danny, paki-hintay nalang kami rito, ha?" Paalam nito sa driver. Tumango lang ang huli bilang tugon. Naglakad na papunta sa loob si Abigail. Sumunod naman ako. Pagkapasok namin ay kaagad akong naghanap ng upuan naming dalawa habang siya