Chapter 4

878 Words
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Jenny. I thought ako lang ang nakakaranas ng ganoong bagay. Matapos niyang sabihin 'yun ay bigla nalang siyang umalis at iniwan ako sa coffee shop na 'yun. Naiwan tuloy akong may maraming katanungan sa isip ko. Kung pareho kaming nakakaranas, it means— oh my god. Natampal ko ang noo ko nang biglang pumasok sa isip ko ang larawan ni Jenny na nakikipag-s*x sa isang lalaki Nagiging marumi na ang isip ko. At kagagawan ito ng Incubus na 'yun! Argh. I want to get rid of him! "Hoy Hannah! Saan ka ba nagsususuot ha?!" kamuntik ko nang masuntok si Abigail dahil sa pagkagulat. "Pumunta lang ako ng coffeeshop. Gusto kong magkape." "Malamang. Ang pangit namang isipin na pumunta ka sa coffeeshop para mag-tea 'di ba?" nilagpasan ko nalang si Abigail. Wala akong ganang makipag-asaran sa kaniya. "Goodbye, Abi!" sabi ko nang makababa ako sa kotse nila. "Goodbye, Han!" she said while waving. Umandar na ang kotse nila, cue for me na pumasok na rin sa bahay namin. Pagkapasok ko, wala akong Mama'ng nadatnan sa sala, kaya dumiretso ako sa kusina para maghanda ng hapunan. I'm sure, busy na naman si Mama sa pag-ma-manage ng maliit naming hotel and restaurant. Kukuha na sana ako ng mga ingredients sa ref nang may makita akong pulang sticky note. Hannah, anak, hindi muna ako makaka-uwi ngayon. May pupuntahan kasi akong client sa Tagaytay. Bukas na siguro ako makakauwi. Hindi ko nalang itinuloy ang paghahanda ng hapunan. Kumuha nalang ako ng tinapay at liver spread at 'yon nalang ang nilalantakan ko. Matapos kong kumain ay naligo muna ako bago pumasok sa kwarto. Pero bigla akong napatigil— baka makita ko ulit siya. Napailing ako at pilit na kinumbinsi ang sarili kong huwag matulog. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin. Bigla akong napabangon at kinuha ang cellphone ko at binuksan ang f*******: account ko. Mabilis kong hinanap ang profile ni Jenny at ch-in-at siya. Jenny, kailangan ko ng tulong mo. Kung nagsasabi ka ng totoo, ano ang dapat kong gawin? Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nag-re-reply sa akin. Jenny, si Hannah ito. Please, sumagot ka kaagad. Ano ba ang gusto mong malaman? Jenny, ayokong makita siya ngayong gabi! Sana matulungan mo ako. Typing... Mag-usap nalang tayo bukas. Matapos niyang sabihin 'yon ay nag-logout na siya kaya kamuntik ko ng maihagis sa inis ang cellphone ko. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape, hindi ko ito hinaluan ng asukal para mas matapang at mas malakas ang epekto. "Pwe!" naibuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa sobrang pait nito. Sana pala talaga nilagyan ko nalang ng asukal at cream! Umupo nalang ako at inihiga ang ulo ko sa lamesa. Hinding-hindi talaga ako babalik sa kwarto ko baka makatulog ako. "HA!" sigaw ko nang maka-idlip ako. Kamuntik na akong makatulog! Tumayo ako at inilagay sa sink ang mug. Babalik na sana ako sa kwarto ko pero napahinto ako nang may maaninag akong anino ng isang tao sa may sala ng bahay namin. Kahit madilim, kitang-kita ko ang bulto niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan. Unti-unting gumapang ang kaba sa aking buong sistema. Naghanap ako ng maaaring gamiting panghampas, may nakita akong rolling pin kaya 'yon nalang ang ginamit ko. Dahan-dahan akong naglakad habang paulit-ulit na nagsa-sign of the cross. Nakakapagtataka kung bakit hindi pa rin gumagalaw ang estranghero. "HAAAAA! MAGNANAKAW!" sigaw ko kasabay ng paghampas ko sa kaniya ng rolling pin. Pero gamit ang isang kamay, napigilan niya ako. Ramdam ko ang kakaiba niyang lakas. Hinila ako nito dahilan para bumagsak ang katawan ko sa katawan niya. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na parang naamoy ko na dati. "Hannah..." nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. Mabilis akong napatingala at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang Incubus. "Lumayo ka sa akin!" sigaw ko habang mabilis na bumangon at lumayo sa kaniya. "Lumayo ako sa 'yo? E ikaw nga ang lumalayo sa akin e," nakangising sabi nito dahilan para makaramdam ako ng kakaibang init sa katawan. Argh, this feeling again! "Please, huwag mo akong halayin ngayon! Ayoko! Please, I'm begging you. My mom would be fuming mad if she'll find this out!" sabi ko habang nakatapat ang dalawang kamay ko sa kaniya. He chuckled and it echoed in the whole place. Nanindig ang balahibo ko dahil doon. Ibang klase ang tawa niya, nakaka-turn on. Argh what am I thinking?! "Halayin? O don't be funny, woman. Hindi kita hinahalay, you let me. You give me permission to touch you, to kiss you, and to feel you," he said in a deep baritone voice that sent shivers throughout my body. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Kaagad ko itong sinirado at ini-lock. Paglingon ko sa aking likuran— "I'm glad that you already locked the door, baby. Now we'll spend this night sharing each other's heat and giving pleasure to each other," he said as he started removing his clothes revealing his perfectly carved body. I gulped many times as I started flapping my hands towards my face to cool my burning cheeks. Gosh, how am I going to escape this demonic night?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD