Chapter 11: Rumors SERENITY VALENTINE'S P.O.V "What?!" hindi makapaniwalang usal ko kay Trinity. "Sa tingin mo ba kaya kita pinagsasabihan ay dahil galit ako sa'yo dahil ex ka ng asawa ko?" Nakita ko namang napayuko si Trinity at lalong mas hindi ako makapaniwala ng makita kong nagpanggap pa siya na umiiyak. Napalunok tuloy ako nang mariin dahil sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "H-hindi ba? K-kasi kung hindi naman iyon iyong dahilan kung bakit mo ko pinapahiya, eh ano? Magkapatid naman t-tayo k-kaya hindi ko maisip ang dahilan kung bakit palagi mo na lang ako pinag-iinitan. Sinusubukan ko naman iyong best ko para m-matuwa ka sa mga designs ko, saka ikaw na may sabi na bago pa lang ako sa trabahong 'to. Bakit mo ako pina-pressure? Akala mo ba madali lang magtrabaho kung nape-