Chapter 15: Gaslight THIRD PERSON'S P.O.V Nang makalabas si Zach sa silid ni Serenity ay ramdam na ramdam niya pa rin ang pagwawala ng kanyang puso. Bukod pa ron ay hindi rin napigilan ni Zach na mapahawak sa kanyang labi. Ngayon lang nalaman ni Zach kung gaano kalambot ang labi ng kanyang asawa dahil noong kinasal sila ay sa pisngi niya lang ito hinalikan. At kahit na pawisan si Serenity dahil may sakit ito ay nanunuot pa rin sa ilong ni Zach ang matamis na amoy ng kanyang asawa. Hindi tuloy mapigilan ni Zach na maguluhan dahil iyon ang unang pagkakataon na naging intimate sila ng kanyang asawa. Ang hindi naman alam ni Zach ay mabilis na bumalik si Trinity sa kwarto nila. Pinipigilan nitong mapaluha dahil hindi rin ito makapaniwala sa nasaksihan niya sa harap ng silid ni Serenity. K